FIVE: CAPTAIN BALL

225 34 0
                                    

Nakarating ako sa classroom nang nanggagalaiti. I can't believe na ipinahiya nya ko sa mga chismosa na yun! Naupo ako at sumandal sa upuan ko. Mag isa lang ako sa classroom dahil hindi na ko dumiretso ng library. Late na rin naman kaya wag na lang.

Napabaling ako sa aking pink Chanel bag at kinuha ang aking iPhone. I saw a text from Deffi, she asked me kung papasok daw ba ako tch. Kung alam ko nga lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumasok. Hindi ko na sya nireply-an dahil masama pa rin ang loob ko sa nangyari at nawala na ko sa mood. Oo nga at gwapo sya. But that doesn't mean na pwede nya na kong pagsalitaan ng ganon. And worst, sa harap pa ng maraming students!

Dahil binato ko sya ganon na? Kasalanan ko bang hindi sya lumilingon sakin. Kung iba lang ay iisipin kong nabighani sya sakin kaya di nya ko matingnan. Pero dahil mukhang baliw na baliw sya sa girlfriend nya ay imposible talaga. Kung sabagay, pareho silang cheap.

+

"Hello there, Eli. Oh, what's wrong?" Napalingon ako kay Deffi na naupo sa tabi ko. Di ko namalayan na nakabalik na pala sila galing library.

"Wala lang ako sa mood," mahinang tugon ko.

She raised her eyebrow at tiningnan ako ng may pag dududa. "I heard gumawa ka na naman daw ng eksena?"

Ang bilis naman kumalat. This school, gosh sobrang daming living megaphones.

"Alin doon, yung nauna or yung ikalawa?" I wondered while still scrolling at my phone.

"Dalawa?" she asked and raised her left eyebrow.

I nodded. "Yung nauna ay wala lang yun. I just asked George a nerd about something"

Nakahinga sya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Akala ko naman pati si George ay pinalagan mo na rin"

"Why would I do that to him? He's a nerd but he's cooperative," I gushed. Pasalamat lang sya at nag sabi sya ng totoo.

"Alright, if you said so. How about the flying shoe kanina sa hallway?" she interrogated and I just shrugged. "It was an accident"

She laughed as if I joked. "So you accidentally removed your shoe and then thrown it to him? Really?"

I rolled my eyes. Whatever. "It's his fault. I called him twice pero di sya lumingon"

"Why did you called him? You like him na ba?" she giggled with her illusions. I will never like him, not even in the next life.

"Gusto ko lang sanang itanong kung sya ba ang nag sumbong kay ninang," I spatted.

"That, he wasn't. It was from the lower year. Hindi si Cleo ang nag sumbong kay Mommy," she laughed. Great. Napahiya lang ako kanina!

Maya-maya pa ay dumating na rin ang prof namin at nag lecture. Patuloy pa rin sa pang asar si Deffi kaya hinayaan ko na lang sya. She's unbelievable, tch.

+

Matapos ang ilang oras ay lunch break na kaya dali dali akong nag ligpit ng gamit. I'm so hungry!

"Let's go, Eli, gutom na ko bilis na," she pushed hanggang sa makalabas na kami.

Nang makarating kami sa cafeteria ay sobrang daming tao at unti-unti ko ng nararamdaman ang init.

"Ang daming tao Deffi tsaka ang aircon ay balewala, ang init" reklamo ko habang pinapay-payan ang sarili.

"Tiis na lang. Di tayo pwedeng lumabas ng school may klase pa tayo mamaya," she tapped my arm and I just shrugged. Kung sabagay.

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon