TEN: CONFIRMED

174 29 2
                                    

Lumabas na ko at nakita kong magkahawak kamay sila at naglalakad papuntang movie house. Really? Movie date? Ang corny naman.

Walang masyadong tao ngayon kaya hindi ako mahihirapan. Pumila sila kaya pumila na din ako. Gosh, this isn't my style. Maya-maya pa ay naka pasok na ako. Tiningnan ko ang paligid at hinanap ang pwesto nila Noimie. I saw them sa bandang gitna. Kaya dali-dali akong na upo sa upuan na nasa likuran nila.

Madilim naman kaya paniguradong hindi nila ko makikilala. Nakatalikod sila sakin kaya hindi ko pa rin makita kung sino nga ba talaga ang kasama nya. Kung bakit ko ito ginagawa ay hindi ko rin alam. Gosh! I didn't know na ganito pala ka-clingy ang babaeng to.

+

Nag simula na ang palabas pero hindi ako makapag focus sa pinapanood ko kaya bahagya akong yumuko para madinig sana ang pinag uusapan nila nang biglang may lapastangan na humawak ng braso ko. Pinasadahan ko ng masamang tingin ang braso na nakahawak sakin.

"Masamang makinig sa usapan ng iba Miss. Wala ka bang manners?" maangas at nakakaloko nyang tanong. Natigilan ako sa sinabi nya. Sino naman itong lalaking ito?

"Bitawan mo ko. Hindi tayo close," may diin kong sabi at bumitaw din naman sya kaagad habang nakangisi.

Sumandal ako sa upuan na parang walang nangyari. Sino ba ito? Feeling close!

"May gusto ka siguro dun sa lalaking kasama nya" biglang salita nya mula sa ilang minutong pagkaka tahimik at sabay na turo kila Noimie at sa unknown boyfriend nya.

Wait, what? Ako? Naririnig nya ba ang sinasabi nya?

"Excuse me? Sino ka ba sa akala mo para kausapin ako?" I raised my eyebrow and looked at him.

Tumawa sya ng bahagya at marahang umiling. "Miss, ang sa akin lang naman ay mali ang ginagawa mo. Masamang makinig sa usapan ng iba"

"Naituro rin ba sayo na masamang makialam?" I asked sarcastically and rolled my eyes. Akala mo kung sino, napaka feeling close.

"Pwede naman siguro kung makialam lalo na kung kakilala ko ang pinang hihimasukan mo?" he smirked and proudly nodded at me.

Again? K-kakilala? Bago pa ko makapag-react ay yumuko na sya at kinalabit ang lalaking kasama ni Noimie.

Gosh! T-This is insane. Baka isumbong nya ko.

Mabilis at pikit mata kong inabot ang braso nya. Ayokong mapahiya kaya agad ko syang hinawakan para pigilan sya. Tumingin sya sakin kaya't inilingan ko na lang sya. Please, gosh. I'm dead.

"Oh, bakit brad?" tanong ng lalaking kasama ni Noimie nang maramdaman nyang tatawagin sya nitong mayabang na to.

Sa kaba ko ay dali-dali akong umiwas ng tingin. Ayokong makilala!

Pero t-teka ...

Ang boses na yun, parang si—

"Ah, wala naman, George. Saan tayo mamaya?"

A-Ano? Tama ba ang narinig ko, George? As in George the nerd?

Pa-simple akong sumilip para kahit paano ay makita ko ang itsura nya. At hindi nga ko nagkamali! Si George na nerd at si George na boyfriend ni Noimie ay iisa!

Paano nangyari yun? Mas mapili pa nga sakin ang babaeng ito pagkatapos ay sa isang nerd lang pala ang bagsak?

"Ayos ka lang, Miss?" nakangisi paring tanong nya. Napakurap na lang ako at tumingin sa katabi kong epal.

"Wag ka mag alala hindi kita sinumbong," he chuckled and shook his head.

Hindi pa rin ako makapag-react dahil sa nalaman ko. No wonder kung bakit ayaw ipakilala ni Noimie sa lahat ang boyfriend nya. Ang nakapagtataka lang, paanong naging ganito ka ayos ang nerd na walang ibang ginawa kundi magbasa ng libro na mas makapal pa sa mukha ng girlfriend nya? Anong magic kaya ang ginamit nya?

"Miss, ayos ka lang?" tanong ng epal na lalaki sa tabi ko. I furrowed my eyebrows and rolled my eyes. Ilang beses ba syang pinanganak?

"Pwede ba, hindi tayo close para kausapin mo ako ng ganyan," I said as a matter-of-fact.

"Alam mo, Miss may utang na loob ka sakin kaya pasalamat ka at hindi kita sinumbong," nag mamalaki pang sumbat nya. Wow!

"Magkanong utang ba yan at babayaran ko na lang para matahimik ka," I rolled my eyes and open my bag to get some money.

He chuckled kaya napalingon ako sa kanya at napailing na lang sya ng marahan. "Pangalan mo na lang bilang kabayaran"

Oh, my precious name. No way, asshole! Binalewala ko na lang sya at humarap sa movie na hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang nangyari.

"Sige wag mo na sabihin. I can hire a private investigator just to know your name," he said in a boastfully manner.

Napabaling ako sa kanya at kumunot ang noo ko.  "Who cares?"

"Alam mo Miss, maganda ka sana kaya lang bukod sa medyo tanga ka ay ang sungit mo pa," he chuckled and crossed his arms bago bumaling sa harapan.

Medyo tanga?! "What did you say? Medyo tanga?"

Tumango lang sya at habang hindi ako nilingon. Hindi na nya ko hinintay pa mag salita. "Paano ko nasabi? Dahil kahit ang dilim na rito sa sinehan, naka shades ka pa rin"

G-Gosh?!

Kinapa ko ang parteng mata ko at taman nga sya. I'm still wearing my shades. Shit! Paano napunta ang shades ko rito? Ang akala ko inalis ko na? Ano ba itong mga ginagawa ko? Eli, you're staining your precious name!

Agad kong inalis ang salamin ko at tumayo na. Di ko na kaya ang kahihiyan! Bago ako makalayo ay narinig ko pa ang mahinang tawa nya.

Nakakahiya, Eli! Gosh, humanda ka sakin kung sino ka man! Argh, kairita! Kasalanan to ng corny couple na ito eh.

Life After LiesWhere stories live. Discover now