FOUR: FLYING SHOES

239 36 5
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw galing sa bintana ng aking kwarto. As usual, Mommy and her hobby. Madalas nyang gawin yan kahit noon pa.

I took a bath at nagbihis ng aming uniform after that ay bumaba na ko at nakisalo kila Mom and Dad.

"Nakapag usap na ba kayo ng ninang mo?" she asked while putting a butter on her wheat bread.

"Opo, Mom" mahinang sagot ko habang nag lalagay ng bacon sa aking pinggan.

"She's way older than you. Buti na lamang at hindi ka pinatulan," panenermon nya na naman.

As if naman magpapatalo ako?

"Hayaan na natin yun and let's just forget it," sabat ni Dad habang umiinom ng kape. I looked at him and winked. Sa bahay ay kami ang mag kakampi, Daddy's girl ako so that explains.

+

I arrived at school earlier than usual. I sprayed my perfume na nabili ko sa France. Maaga pa naman, I'm not sure kung nandon na ba si Deffi sa library. May group research daw kaming gagawin.

I walked in the hallway at napansin ko ang isang nerd na may makapal na eyeglasses. He's reading his history book na pagka kapal-kapal. Lumapit ako sa kanya at napalingon din sya sakin. He looked stunned kaya napa-ngisi na lang ako.

"Ano na naman kayang gagawin ni Eli?"

"Napaka war freak talaga. Kahit si George ay hindi nya pinalagpas"

Gosh, sa tuwing may nilalapitan akong estudyante ay nag titipon din ang mga chismosa sa paligid. Wait, what's his name again? George?

"Hey, lumapit ka sakin," sumensyas ako para lumapit sya. Gusto ko ay yung mas malapit pa.

Napapalunok syang tumayo at unti-unting lumapit sakin. Ganyan nga.

"A-Anong kailangan mo, E-Eli?" nauutal na sambit nya habang inaayos ang salamin. I smirked, intimidating ba ko masyado?

"Well, I just wanna ask you. George, right?" I asked and smile at him.

Kinakabahan syang tumango at marahang inayos ang kanyang eyeglasses.

"You're nervous? Don't be. I won't eat you," I chuckled. As if I will, ayoko sa nerd. Walang dahilan, basta ayoko lang.

"How's my smell?" I asked habang pinag mamasdan sya. Halata sa kanya ang gulat so I raised my eyebrow.

"A-Ah. Y-You smells g-good," marahan syang tumango at inayos muli ang salamin nya. Nerd's mannerism tch.

"Well I know, just confirming. Anyway that's my perfume, Marc Jacobs Daisy," I said and winked at him before I left.

Puno ng bulungan ang paligid. Maraming namangha sa ginawa ko. Ganyan gumawa ng eksena ang isang Elianna Franceska Del Prado.

Life After LiesWhere stories live. Discover now