Extra Chapter

977 32 1
                                    

Extra Chapter 

JESSICA'S POV

"What the..." Sa sobrang gulat ko, 'yan nalang ang na-react ko nang makita ko si Daryll na nakatayo sa harapan ko. Correction, nakaupo na pala siya sa tabi ko. Ngiting-ngiti pa siya habang umuupo kanina samantalang ako, kulang nalang ay tuluyang lumuwa ang eye balls ng mata ko sa sobrang gulat. 

Anong ginagawa niya dito?!

Hindi naman sa gusto ko siyang palayasin or ayaw ko siya dito or what pero kasi anong rason naman niya at nandito siya sa isang flight papuntang ibang bansa? Eh may filming siya diba ng CCC? Tapos may scheduled appearances pa siya sa ibang shows. Hindi ko talaga maintindihaaaan. 

"You better return to your senses before I decide to capture that funny expression of yours and post on instagram." Straight english niyang sinabi sa 'kin. Medyo nasupalpal ako nung nag-english siya ng diretso pero nagising naman ako sa katotohanan. Kahit anong mangyari talaga ano, nakakaasar ang ugali ng damuhong 'to. Tss.

"Tss. Sungit." "Yan nalang nasabi ko saka ko binaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Mas mabuti nang manahimik kaysa may masabi na hindi maganda. Mabait kaya ako! Ang hindi maniwala itatapon ko sa kulungan ng mga lion. 

Pero balik nga sa pinag-uusapan. Ba't nga ba nandito sa flight ko si Daryll? Hindi kaya...

Wait stop STOP! Gumising ka nga Jess. Huwag kang mag-hallucinate or mag-assume. Tandaan mo walang magandang naidudulot ang pagiging assuming. Baka masaktan ka lang sa huli. Awts. #whogoat

Matapos ang ilang minuto, sumilip naman ako ulit kay Daryll para tingnan kung anong ginagawa niya. Nakita ko naman siyang nagsusulat ng kung ano sa isang stationary kaya naman na-curious ako at sinilip kung anong sinusulat niya kaso mukhang nahuli yata akong nakiki-echos sa gawa niya.

"Hmm, now you're curious?" Wika niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Nakataas ang mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin at naka-smirk. Nakakaasar yung smirk niya na 'yan ha. Ang sarap tabasin nung bibig eh. Asar. 

"Tse, ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" Saka ko binasa 'yung nasa pinakataas na part kung saan nakasulat 'yung mga salitang Aishie, 

Wait.

Aishie?

Teka, ako 'yun eh? 

Agad naman akong napatingin kay Daryll na bumalik ulit sa pagsusulat. "B-Bakit...?" Sa sobrang pagkalito ko, hindi ko na nagawang buuin 'yung pangungusap ko. Hindi ko kasi maintindihan 'yung nangyayari. 

"Ah this? Uh... I'm just replying to a person who wrote me a letter," Tapos itinaas niya 'yung envelope na nalaglag kanina at sinulat ko. "I'll be replying to her feeling in this letter so don't bother me, okay? No peeking also." Tapos nagpatuloy ulit siya sa pagsulat.

Para akong na-stunned sa lahat ng sinabi niya. EXCUSE ME?

Okay lang naman sa'kin 'yung part na rereplyan niya 'yung letter ko para sa kaniya pero tama ba naman daw sabihan ako na 'don't bother me'? HAH! Ang sarap niyang sakalin eh ano?

Pero sa huli, binalewala ko nalang siya. In easier term, ini-snob ko nalang siya. As in, inisip ko nalang na wala siya sa tabi ko at hindi ko feel ang presence niya dito sa loob ng eroplano. Nakakaasar ang lalaking 'to. Bakit ba kasi may mga ganitong lalaki na nag-eexist sa mundo? At sa lahat lahat naman na pwede akong main-love, sa ganitong lalaki pa.

Sa loob ng 14 hours, medyo nagtalo kami ni Daryll—mali, actually parang feeling ako lang 'yung nakikipagtalo kasi maliban sa pagsasalita niya ng maikling sentences, minsan naman hindi na niya ako pinapansin. Aba't?!

Kakaiba talaga ang lakas ng loob ng lalaking 'to ano?

"AHHH! Finally, kanina pa ko nangangalay umupo." Bulalas ko habang nags-stretch pagbaba ko sa eroplano. Hinanap pa kasi ni Mamita 'yung sundo namin kaya kaming dalawa ni Kuya ang magkasama ngayon. Teka.

"Si Daryll?" Tanong ko kay Kuya habang lumingon lingon ako para tingnan kung saan na siya napunta. Bigla nalang nawala eh. Saan na naman kaya sumuot 'yun? 

"Ah, 'yung boyfriend mo?" Pang-aasar ni Kuya kaya agad ko siyang kinurot sa balikat. "Aray! Sadista ka masyado ha, Jess. Nako, baka maging battered husband si Daryll dahil sa'yo!"

Sinapak ko naman siya sa ulo this time saka siya lumayo sa'kin.

"Tss, oo na! Ito pinaabot niya kasi nagmamadali siya kanina. Sabi niya may sunod pa daw siyang flight kaya pinapaabot nalang daw niya 'tong sobre para sa'yo." Sabi ni Kuya matapos niyang ibato ang isang envelope sa akin na nasalo ko naman.

"Flight? Anong flight? Papunta saan?"

"Aba malay ko! Ikaw kaya ang katabi niya buong oras ba't ba ako ang tinatanong mo!" Tumalikod na si Kuya at umupo doon sa isa sa mga upuan. Okay, ang bait ha. Ang bait ng Kuya ko. Ang sarap niyang ibaon sa lupa with love. 

Tiningnan ko naman 'yung sobre na hawak ko at binuksan iyon. Ang akala ko ito yung letter na sinusulat kanina ni Daryll, 'yung nasa bondpaper? Pero pagkabukas ko, isang maliit na papel na kasing-size lang ng maliliit na cards(Yung parang tuwing christmas na dinidikit sa regalo?) ang nakita ko. 

Binasa ko naman kung ano ang nakasulat doon at hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sinulat niya. 

My Aishie/Hyoj, 

I promise to search for you again. When I find you, we'll never be apart anymore. I'll miss you. 

And I also love you, Hyoj. Eternally until my next life.

-Takeru/Daryll

P.S. You're mine now so don't you dare date with other men right there. I'll kill him if I ever caught you with another man.

"Daryll..." 

Let's be together, Daryll. When I come back. 

****

AUTHOR'S NOTE:

And that ends the EXTRA CHAPTER of ILYMAC. 

Good news! ILYMAC Book 2? Yes, you're wish is granted! 

Soon, I'll be posting the prologue of ILYMAC. Pero yung prologue niya ay dito ko lang din ip-post. So ang Book 1 and Book 2 ay magkasama na para hindi na nakakapagod mag-save sa library ng paisa-isa. 

Anyways, salamat sa lahat ng sumuporta ng Book 1 so sana suportahan ninyo din ang Book 2! Mwah!

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now