ILYMAC//15(Final Chapter)

991 38 4
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

Baka kasi may mag-react. FINAL CHAPTER lang po ito, meaning, may EPILOGUE pa. Kalma lang guys. HAHA. <3

***

Chapter 15

JESSICA'S POV

.SECOND DAY.

            Natapos ko ng ayusin ang drop-out form sa school at bukas, yun na ang last day na makakasama ko silang lahat. Bukas, maghihiwa-hiwalay na kami. Kaya ngayon, nandito kami sa isang mallshow at mamaya, sasabihin ko na sa kanilang lahat ang tungkol sa pag-alis ko.

            “Okay ka lang ba, Jess? Pagod ka pa rin ba? Dapat hindi ka muna um-attend ngayon kung hindi mo pa kaya.” Nag-aalalang sabi ni Venice sakin.

            “I agree with Venice. Umuwi ka muna at kami na ang bahala dito.” Sabi naman ni Rafael.

            I smiled at them and shook my head. Ito na ang huling event na magkakasama kami, at ayoko ng palagpasin iyon.

                    “No, okay lang ako. Promise. Kaya ko ‘to, marami lang akong iniisip kaya ako ganito. Swear.”

            Kahit na parang hindi sila naniniwala sa sinabi ko, wala na silang nagawa kundi hayaan akong gawin ang gusto ko. Tinawag na kami para umakyat sa stage. Huminga ako ng malalim. Kakayanin ko ba talaga ‘to?

            Naramdaman ko naman na hinawakan ni Daryll ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay ko tapos sa kanya. “You’ll be fine.” Ngumiti siya sakin. Sinubukan kong ngumiti ng hindi pilit para sa kanya.

                  “I know.” Saka kami nagsimulang umakyat papunta sa stage. No, I won’t be fine later.

            Muli kong narinig ang sigawan ng mga tao na paulit-ulit sinasambit ang pangalan namin. Hindi ko inaasahang sasabihin ko ‘to pero, I will miss their shouts.

            I put my best effort to smile at them pagpunta namin sa gitna ng stage. The whole time, I was just going with the flow hanggang sa dumating na yung tamang oras. Nasa backstage kaming lahat ng tawagin na ko ni Manager.

            “Jess, it’s time.” Sabi niya. Napatingin naman sakin silang lima at nakakunot ang mga noo. I just smiled at them and picked up my guitar. “Can you listen to me, just for this one time?” Pakiusap ko sa kanila. Gulong-gulo sila sa panahong ‘yun and it won’t be long at maiintindihan din nila ako. Paakyat na ko ng stage nung hawakan ni Daryll ang braso ko. Lumingon ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now