ILYMAC//10

1.2K 40 2
                                    

Chapter 10

JESSICA’S POV

.WEDNESDAY.

            Hindi pumasok ng Tuesday si Daryll dahil sinabi ko sa kanya na magpahinga muna siya dun sa bahay para tuluyan siyang gumaling at baka mabinat pa siya kaya buong araw wala akong kaparter sa CCC filming kahapon. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung sinabi sakin ni Daryll nung gabing yun at two days na itong gumugulo sa isip ko kaya hindi ako makapagconcentrate sa lessons.

            Idagdag mo na din ang mga estudyanteng parang paparazzi na yata sa kakasunod samin na madalas inaakala ko pang stalker na nagiging sakit na din sa ulo ko. Naging maganda kasi ang feedbacks ng unang episode ng CCC nung Monday (which is hindi ko napanood dahil inaalagaan ko nga si Daryll nung araw na yun.), pero ang naging pinaka-problema namin after nun ay dumami lalo ang tao na nag-aabang sa aming anim sa labas ng school. Kaya halos araw-araw yata ay nakikipag-amazing race kami o kaya naman mala-ninja skills ang kinakailangan namin para lang makapasok sa school ng hindi nila napapansin. Buti nalang talaga at kahit papaano ay humigpit ang security ng school.

             “Ohemgee girl, you’ve got to go the gym! As in N-O-W, right now!” Biglang sabi ni Mayu at Kaori pagkapasok nila sa library. Ayan tuloy, napagalitan tuloy sila nung librarian.

            “Ha?” Nandito kasi ako sa library at currently nagbabasa ng kung ano-ano lang. May CCC filming ngayon kaya meron ding isang camera ang nakasunod sakin ngayon.

            “Si Justin at si Daryll, nasa gym! Nag—” Hindi ko na pinatapos si Kaori sa pag-eexplain at dali-dali naman akong tumakbo papunta sa gym. Don’t tell me, nag-away silang dalawa?! Nako, Hindi maganda ang huling pagkikita ng dalawang yun eh! Patay tayo diyan!

            Hinihingal pa ko ng makarating sa gym kasi tumakbo ako mula third floor papuntang ground floor. Nako, sasakalin ko talaga ang dalawang yun.

            Binuksan ko ang pintuan ng gym at nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. “O... kay?” May tournament ba? Ba’t parang may laban yata sa basketball ngayon? Anyare? Ang dami kasing tao tapos todo sigaw pa eh pero wala nga akong makita sa bench na players eh. Baka break?

            “Akala ko ba nandito sa gym sina Daryll at Justin, eh nasaan na sila? Ako ba pinagti-tripan niyo? Hindi naman sila nag-away ah? May laban pa nga yata ang varsity ngayon.” Sabi ko sa dalawang babaeng hingal na hingal din sa kakatakbo.

            “Away? Like duh, Jess. Tumingin ka sa court, naglalaro sina Daryll at Justin.” Sabi ni Mayu. Humarap naman ako sa court at tiningnan ko ng mabuti ang dalawang tao na nasa gitna ng court ngayon. OMG, sila nga!

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant