ILYMAC//6

1.6K 49 5
                                    

Chapter 06

JESSICA'S POV

AWKWARD.

            ‘Yan ang pakiramdam ko ngayon sa loob ng van. Todo siksik pa ko dito sa may gilid dahil medyo natatakot pa din ako sa aura na kahapon pa nilalabas ni Daryll sakin. Para niya kasi akong kakainin ng buhay. At kahapon niya pa din ako hindi pinapansin.

            Hala Jessica, anong ginawa mo diyan at nagkakaganyan ‘yan? Isip isip ko.

            Papunta kami ngayon sa event na a-attend-an namin, which is ang nutrition day ng isang public school. Ang aga nga ng nutrition day nila eh! Or sadyang late lang siguro kami nagsimula ng classes?

            “Tss.” Si Daryll. Napalipat tuloy ang tingin ko sa kanya. Relaxed lang siyang nakasandal at nakapikit habang may nakasalampak na earphones sa tenga niya.

            “D-Daryll...?” Sabi ko. Minulat naman niya ang mata niya. Tumingin lang siya sakin at pumikit muli.

            Waaaah! Yung tipong nakakatakot yung tingin niya? Grabe, nilamig yata ako! Naman kasi eh, ano bang problema ng lalaking ‘to? Pangalawang araw palang, inaaway na agad ako! Huhuhuhu.

            Nakarating kami sa public school ng hindi nagpapansinan. Agad naman akong nagbihis sa may van (kasi may malaking dressing room sa likod nun.) bilang Hatsune Miku. Haaay, paano ba ko aayos nito kung grabe lang makapagbagabag ng konsensya ‘tong si Daryll? Ayoko pa naman na may kaaway ako or nagagalit sakin. Hindi kasi ako pinapatahimik ng konsensya ko eh!

            Kasalukuyan akong nasa tent ngayon kung saan kami pansamantalang magsta-stay kasi bawal pa kami lumabas. Hinihintay ko ding matapos magbihis si Daryll na nagpapalit ngayon sa loob ng van. Nag-aapply din ako ng make-up at inaayos ang wig ko ngayon kasi hindi ko masyadong na-ayos sa loob eh. Masyado kasing masikip.

            “Miss Aishie, pinapabigay pinapapirmahan po ng mga bata sa inyo.” Sabi nung isang babae na naka-uniform. Teacher yata. Napatayo ako at kinuha yung mga maliliit na papel na inaabot niya sakin.

            “Ah sige po, opo. Ibabalik ko nalang po ang mga ito mamaya.” Sabi ko.

            “Salamat po.” Sabi nung babae saka ito lumabas muli ng tent. Nilapag ko naman yung papel sa table ko at kinuha ang marker ko sa bag.

            Hindi ko naman mapigilang ngumiti habang tinitingnan isa-isa yung mga papel na inabot sakin ng mga bata. May mga drawings din kasi ito at pambatang drawing nga. Ay grabe, ang cute nila!

            “You look stupid.” Biglang sumulpot sa tabi ko si Daryll.

            “Waaah!” Medyo napalakas ang sigaw ko sa gulat. Kamuntikan na nga din akong mapabaligtad sa upuan eh. Namula naman ako bigla at bumilis yung kabog ng dibdib ko kasi medyo nabigla ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. “D... Daryll?! L-langya ka, wag kang manggulat! Muntikan na kong atakihin sa puso dahil sayo eh! Para kang kabute!” Dagdag ko pa.

            Napakurap naman ako nung nakita ko siyang ngumiti. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Wag kang ganyan Daryll, nasisilaw ako! De joke lang!

            Umupo nalang siya dun sa upuan niya pagkatapos nun. Galit pa kaya siya sakin?

            Tiningnan ko lang siya ng mabuti habang tahimik siyang nakaupo hanggang sa bigla nalang siya nagsalita ng “Tss.”

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now