ILYMAC Book Two//5

356 9 4
                                    

JESSICA'S POV


"Sa SM MOA?" Bulalas ko nung nag-park si Daryll sa outdoor parking lot ng nasabi kong mall. Nilingon ko naman siya.

Nakangiti naman siya habang may inaabot siyang ticket sa akin. "We're going skating." 

"Ah, skating......."Saka ako tumingin doon sa nakahiwalay na space for ice skating. Nagsink-in naman sa utak ko 'yung sinabi niya. "...SKATING?!?!?!?!" Gulat na sigaw ko sa kanya. Nakangisi naman siya sa akin na para siyang may balak na kung ano.

"Daryll, h-hindi ako marunong mag-skating." Diretsong sabi ko. Jusko, hindi pa ko handa sa body pain na naghihintay sa akin sa rink na 'yan. Waaaah! 

Bumaba naman siya ng sasakyan saka ako pinagbuksan ng pintuan. "Waaaah, jusko Daryll. Kahit ano nalang basta huwag lang 'yan!" Mangiyak ngiyak kong sabi. Hinila naman niya ako palabas pagkatapos niyang alisin ang suot kong seatbelt. 

"I'll teach you. So don't be scared." Sabi niya habang hatak-hatak ako. Nakapasok na kami sa loob at sumalubong sa akin ang pagkalawak na rink. 

*GULP*

Nakita ko yung ibang batang nags-skate na walang kahirap-hirap na parang hindi yelo yung pinags-slide-an nila. Nakita ko rin naman yung iba na nakakapit lang sa gilid at kumakapit sa mga kasama nila na para bang nakasalalay ang buong buhay nila sa kanila. At siyempre, nakita ko rin yung iba na nakadapa na sa rink dahil sa pagkakadulas nila. 

Pinilit ko namang kalasin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Daryll. Jusko, ganito ba ang date na gusto niyang gawin namin. Kasi kung oo, UUWI NALANG AKOOOOO!!!!

Manginig-nginig ang katawan ko habang nakaupo dito sa isang tabi at sinusuot ang ice skates ko. Kahti anong laban gawin ko kay Daryll, wala. Talo talaga ako. At ayoko namang gumawa ng eksena dito dahil masyadong maraming tao. Remember? Sikat si Daryll dito at ako naman as a model. Naka-bonet lang kami parehas at fake glasses para hindi makilala. At thankfully, effective naman. 

"Let's go." Tumayo si Daryll sa harap ko at inilahad ang kamay niya sa akin. Tumingin ulit ako sa rink bago sa kanya. 

"Bawal ba talaga umatras?" Last na pagmamakaawa ko.

"You'll be fine. I promise." Saka niya kinuha ang kamay ko at inalalayan ako maglakad. "Hindi kita hahayaang mapahamak. I'll be here to catch you." Bulong niya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. 

I'll be here to catch you.

... double meaning ba yon?



"DARYLL OLIVER CRUZ," Mahina kong bulong sa taong hawak parehas ang kamay ko. "KAPAG AKO TALAGA SINUBUKAN MONG BITAWAN, ILALASLAS KO TONG BLADE NG ICE SKATES KO SA MUKHA MO."  Pagbabanta ko.

Dahil hindi gumana ang pagmamakaawa ko, idadaan ko nalang 'to sa dahas. Subukan niya lang talaga ako pagtripan, hindi na niya malalabas ang sunod niyang album.

"Mrs.Cruz, stop worrying too much. You know I won't do that...." Saka siya kumindat at ngumiti na para talagang may masamang balak. "...yet."

Namula naman ako ng konti doon sa pagtawag niya sa akin as Mrs.Cruz, pero sinubukan ko talaga siyang sipain dahil dun sa huli niyang sinabi dahil hawak niya parehas kamay ko. But wrong move.

"Kyaa!" Napasigaw ako nung bigla akong dumulas dahil na-out of balance ako nung sinubukan kong sipain si Daryll. Buti nalang at hawak niya parehas ang kamay ko dahil kung hindi, baka pati ulo ko nakadikit na rin sa yelo. 

"Hyoj, okay ka lang?" Naramdaman ko namang ang hint ng pag-aalala sa boses niya saka niya ako inalalayan tumayo ulit. At alam ko namang nag-aaalala talaga siya, kasi tingnan mo, napatagalog siya hindi oras. 

Tiningnan ko naman siya ng mukha-ba-akong-okay look. 

Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso. "Ikaw kasi, asar ka! Mukha ka na namang may masamang balak eh!"

Natawa naman siya ng mahina. "Well, it was really fun seeing your facial expression when you slipped awhile ago." saka naman siya patuloy na tumawa. Kinurot ko naman siya tagiliran.

"At talagang nae-enjoy mo pa ha!"

Well, after nun tinuruan naman niya akong mag-skate mag-isa. Pero in the end, hindi rin talaga ako natuto at kumapit lang ako sa kamay o braso ni Daryll all the time. 

"Wasn't it fun?" Tanong niya sa akin habang inaalis namin ang ice skates na hiniram namin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Fun? Mukha ngang na-enjoy mo talaga ako panoorin madulas ng ilang beses sa yelo kanina ha?" 

Ngumiti naman siya. "But Mrs.Cruz, you were really cute and fun watching! Haha!"

"Tumigil ka nga!" Tinutok ko sa kanya yung blade ng isang ice skate na kakatanggal ko lang. "Ilalaslas ko talaga 'to sayo." Pagbabanta ko.

"It's fine. As long as I'm still handsome in your eyes." Walang pakundangan niyang sabi na naging dahilan ng pagtigil ko at pamumula ko. 

A-Ano daw? 

Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o matatakot. Did Daryll just blurt out some stupid cheesy line?

"Fallen in love with me all over again, Mrs.Cruz?" Hindi ko namalayan na hawak na pala niya ang baba ko at hinarap ako sa kanya. SHEEEET ANG LAPIT NG MUKHA NIYA.

Mas lalong na-abnormal ang takbo ng puso ko. Feeling ko nga natapunan na ako ng red paint sa pula ngayon. 

Inalis ko naman agad ang kamay niya at umatras ng kaunti palayo sa kanya.

"SINO KA AT ANONG GINAWA MO SA TOTOONG DARYLL!?" 

Lalo naman siyang tumawa. "What are you talking about, Hyoj?"

"Jusko, Daryll. Naaksidente ka ba nung nawala ako? The last time I was here, tuwing naka-Takeru mode ka lang nagsasabi ng cheesy line!" 

"Oh come on Hyoj, people change."

"Hindi ka kaya mukhang tao."

"Kasi bagay tayo?" At nag-tagalog na naman siya. 

"UGH!" Ohmygosh kinikilabutan ako na ewan sa kanyaaa!

Umusog naman siya ulit papalapit sa akin at bumulong.

"It really is me. Daryll Oliver Cruz, you're future husband." 


Oh god, sinasaniban na yata ng masamang espiritu si Daryll!!! 

🎉 You've finished reading (JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing) 🎉
(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now