ILYMAC//8

1.5K 42 3
                                    

Chapter 08

JESSICA'S POV

.SATURDAY.

            “Isa pa pong serving ng large oreo chocolate parfait!” Sabi ko dun sa waitress. Tumango naman ito at umalis para kunin ang in-order ko. Pagtingin ko naman dito sa dalawang nilalang sa harapan ko, nakataas ang mga kilay nila at nakakunot ang mga noo. Problema nila?

            “’Yan ba ang nagagawa sayo ng love, ha, Jessica?” Sabi ni Kaori habang nakatingin sakin.

            “Tsk tsk tsk, hindi ka namin suportado sa pagpapababoy mo, kami na nagsasabi sayo.” Sabi ni Mayu habang hinahalo yung juice na iniinom niya.

            Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Mga kaibigan ko ba ‘tong mga ‘to? Matapos nila akong itakwil at iwanan nung first day, gini-ganyan na nila ako ngayon? Aba, nasaan ang hustisya?!

            “Tss, baka gusto niyong magkalimutan tayo?” Sabi ko. At aba ang dalawa, binelatan lang ako. Tss.

            “Hoy kayong dalawa, hindi ko kayo tinawag dito para maging sakit sa ulo ko.” Sabi ko. Saktong pagkakasabi ko nun, nilapag na nung waitress yung panibagong serving ng oreo chocolate parfait na in-order ko. Teka, pang-ilang serving ko na ba ‘to? Pang-lima? Aba pasensya, masarap eh!

            “Hay nako, balik na nga tayo sa topic.” Sabi ni Mayu habang sumubo ako ng isang spoonful mula sa parfait. Waah~ ang sarap talaga! This is heaven! Hindi talaga uso ang word na diet sa mga panahong ganito.

            Biglang nagbago ang expression ng mukha ng dalawa from weird-look to tsismosa-look. “Ano, nagtapat na ba sayo si Daryll na mahal na mahal mo?” Pangungulit nila.

            Halos maibuga ko naman sa harapan nila yung kinakain ko. Shet lang, kumakain yung tao o’! Tapos... tapos biglang magsasabi sila ng ganun?! Hindi ba nila alam na kinikilig ako?! JOKE! Issue kasi ‘tong dalawang ‘to eh. Kung ano-ano ang pinagsasasabi.

            “Wag kayong OA. Saan niyo naman napulot ang information na mahal ko yung lalaking yun?” Sabi ko.

            “Ta’mo, pa-inosente effect pa. Nako, ganyan ang nababasa ko sa libro eh. Yung indenial queen ka muna bago mo mare-realize na mahal mo na pala talaga yung boy. Tapos in the end, magsisisi ka kasi late mo na napagtanto yun.” Sabi ni Kaori.

            “Hello, hindi ko pa kaya siya ganun kakilala, like nung Monday, ay correction, nung Sunday ko lang pala siya nakilala? Tapos ano, wala pang one week inlove na ko sa kanya? Yung totoo, Kaori, ginayuma lang ako?” Sabi ko. May point naman kasi ako. Posible bang ma-inlove sa isang tao ng wala pang one week? Posible pa kung love at first sight pero hindi eh, crush at first sight lang. How can you determine that you already love the person in just one week?

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now