ILYMAC Book Two//2

794 22 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: SUPER DUPER SORRY SA LATE UPDATE. HUHU. 

***

Chapter 02

JESSICA’S POV

Nagugutom ako. Kaya heto ako ngayon sa elevator para pumunta sa malapit na convenience store. Hindi kasi ako pinayagan ni Manager mag-stay doon sa bahay namin sa village kasi mahirap na daw kapag may nakalusot na paparazzi. Baka kung ano pa daw ang gawin sa akin kaya nagcheck-in nalang ako sa isang hotel.

Nakasuot din ako ng cap at isang fake glasses para hindi ako makilala. Nag-ponytail din ako para hindi mahalata. Pagpasok ko sa convenience store, kumuha ako ng dalawang instant noodles, isang Pic-a, at isang malaking bote ng red tea.

Kakatapos ko lang magbayad sa cashier nung biglang may humatak sa braso ko.

HUH?!  “Sin—“ Naputol ‘yung pagsasalita ko nang makita ko kung sino ‘yung humatak sa akin.

“Ssshhh!” Mahinang saway niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat nang malaman ko kung sino iyon. Ohmygee.

“Jus!!!!” Agad ko namang niyakap ang bestfriend ko na matagal ko ding hindi nakita. Hindi rin kami madalas makapag-skype since college student na siya at busy sa sari-sarili naming activities kaya naman hanggang chat lang kami through viber madalas.

Binitawan ko naman agad siya at tumingin sa paligid. Mahirap na kung dito, baka may makakita sa amin.

Hinatak ko naman si Justin palabas ng convenience store. “Uy, kamusta? Grabe, long time no see!” Sabi ko.

“Ito, gwapo pa din hindi katulad mo, tingnan mo mas lalo kang naging tingting!” Pang-aasar niya. Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso. “...at sadista ka pa din.”

“Hmph! At ang hangin mo pa din!” Wika ko naman. “Anyways, kamusta college?”

“Ito survivor Philippines college edition pa din. Kaso mahirap din kasi araw-araw nalang may humahabol sa akin na mga chix. Tsk.” O’ nagsisimula na naman siya ng mga kayabangan niya.

“Baka chix. Sabi kaya sa akin nina Kaori, karamihan mga tagilid na papables! Makapagsinungaling ka diyan ha!”

“Kahit na, ibigsabihin sa sobrang kagwapuhan ko, kahit mga lalaki napapaibig na sa akin.” Aba’t ang isang ‘to proud pa. Ang abnormal talaga.

Natawa naman kami parehas dahil sa pinag-uusapan namin. Haaay, ang tagal ko ding hindi nakita ang lokong ‘to. May girlfriend na kaya ‘to?

“So sa dinami-dami ng nangkakandarapa, may umangat ba?” Wika with matching wiggle wiggle ng eyebrows.

Ngumiti naman siya sabay tingin sa akin na what-do-you-think look. Napanganga naman ako tapos biglang natuwa dahil doon sa tingin niya.

“OHMYGHAD, who’s the UNLUCKY girl?... Aray!” Agad akong pinitik sa noo ni Justin nung sinabi ko ‘yon.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Место, где живут истории. Откройте их для себя