ILYMAC//11

1.2K 56 1
                                    

Chapter 11

JESSICA'S POV

“Talagang aaraw-arawin mo na ang pagpunta dito sa bahay ko ‘no?” Sabi sakin ni Daryll habang nilalaro ko si Boy dito sa living room.    

            “Hehe~” Sabi ko. Umiling nalang siya at ngumiti nalang din. Umupo siya dun sa may sofa kaya umupo din ako dun. Ba’t nga ba napapadalas ang pagpunta ko dito? Mamaya mahalata pa ni Daryll na may gusto ako sa kanya. Waah! Ba’t ganun, nung nalaman ko na ang feelings ko para kay Daryll parang lumandi yata ako lalo?

            “Pero Daryll, ano nga ang nangyari between you and Justin? Dali na kasi, sabihin mo na sakin.” Pangungulit ko sa kanya. Sinundot sundot ko yung kamay niya habang nakangiting aso pa na ino-on yung TV. Kanina ko pa kasi siya kinukulit dun eh, ayaw kasi sabihin. Sabi niya secret daw!

            Kakalimutan ko na sana kaso biglang nag-text si Justin at sinabing

“Take good care of yourself. When Daryll makes you cry, just call me and I’ll punch him.”

            O’ diba? Nakaka-curious tuloy kung anong pinag-usapan nila. Nagtataka nga din ako kung bakit ganun yung pagkakasabi ni Justin eh. Haaay.

            “Nope.” Sabi niya. Nag-pout ako at umarteng nagtatampo. Humarap ako sa TV at nanood nalang. “I hate you.” Sabi ko din sa kanya. Ba’t ba nakakainis lately ‘tong si Daryll? Magkaka-frown lines ako ng dahil sa kanya eh.

            “I love you.” Sabi niya. Biglang tumalon ang puso ko at napatingin ako sa kanya automatically. Anong sabi niya ulit? Pwede take two?

            Naalala ko yung Monday ng gabi na sinabihan ko din siya nun. Namula naman ako at bigla akong kinabahan.

            Hinampas ko siya ng mahina gamit ang unan na nasa tabi ko. “Ayan ka na naman eh, pinagti-tripan mo na naman ako.” Sabi ko. Lumingon naman siya sakin ng seryosong seryoso kaya lalo akong kinabahan. Feeling ko nga din lalamunin niya na ko dahil ang tindi ng tingin niya sakin. Yung tipong parang malulunod ako sa tingin palang niya.

            “Who told you I’m kidding?” Sabi niya. Lalo akong naguluhan.

         “Ha?”

Ibigsabihin,... hindi siya nagloloko? Hindi ko siya ma-gets. Yung sinasabi niyang ‘I love you’, ibigsabihin ba nun...? Nakatitig lang ako ng diretso sa kanya matapos niyang sabihin yun.

            Hindi ko kasi alam ang gagawin at sasabihin sa kanya. Naramdaman ko namang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. OMG. OMG.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon