Chapter Forty Eight - I Love You

Почніть із самого початку
                                    

Si Chenoa at si Blight naman, eight years na silang engaged. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila nagpapakasal. Pero sa pagkakaalam ko, gusto raw patunayan muna ni Blight na totoo ang pagmamahalan nila. Hindi daw kasi siya ganoon kasaya sa pagsisimula nila, na pilinilit lang pala na maging girlfriend niya si Chenoa para maprotektahan ito.

Hindi na siguro kayo magtataka kung year after ng incident eight years ago ay nagpakasal na sina Suzy at Krypton, hindi ba? Pagkatapos kasi nung mga nangyari, natakot na sila na baka may masamang mangyari sa isa't isa. Kaya naman, hindi na nila pinatagal, nagpakasal na sila. Yun nga lang, hindi pa sila nabibiyayaan ng supling.

Kung iniisip niyo naman na nagkatuluyan din sina Thea at Sean, nagkakamali kayo. Two years pagkatapos ng incident, nagkita ulit si Thea at ang kuya-kuyahan niya noon na si Justin. Talaga nga namang "first love never dies" ang motto ni Thea, dahil isang buwan matapos lang nilang muling magkita, naging sila na at going strong naman sila hanggang ngayon.

Pero wag kayong mag-alala, dahil si Sean naman, napapansin kong dumadamoves sa chinita na si Yuri. Hihintayin ko nalang siguro na may mabuo sa dalawang yan, bagay kasi sila e. Si Sean na palabiro, at si Yuri na sobrang slow. Nakakatuwa silang makitang magkasama. Tipong nakabanat at nakapagjoke na si Sean, hindi pa rin ito naiintindihan ni Yuri.

The Ravenous Frolic operations were closed down in accordance to my orders. Wala nang tournament, wala nang labanan. I ended everything. Hindi ko naman kasi talaga nakuha yung sense kung bakit ginawa pa ni Lolo yon. Sabi niya, it was to train the company's future protectors. Para sa akin, old school na masyado ang paraan ni Lolo. Nagpaalam ako bago ko burahin ang Frolic sa mundo. I decided to come up with new ways para ma-enhance at matrain ang skills ng mga empleyado ko. This is through personal trainings with professional coaches, seminars, etc.

Sina Cynthia, Chen, Jiro, Blight, Sean at Krypton ay nagttrabaho sa Eagles. Lahat sila, may kanya-kanya nang branch sa iba't ibang field nito (restaurants, hotels, bakns, etc..). Si Thea naman, naging isang doctor, although nagi-intern palang siya sa ngayon. Si Suzy, sa hindi inaasahang panahon ay pumasok sa show business. At si Yuri naman ay isang sikat na fashion icon na ngayon.

Ako? Sa bahay lang ako, pero ako pa rin ang owner ng Eagles.

Si Lolo, pumanaw na, last year lang. Bago siya nawala, naging masaya kami. Marami siyang kinwento sa akin, at ipinaliwanag din niya ang mga totoong nangyari noong panahon nila. Tama nga ang hinala ko, na natutunan ding mahalin ni Lola si Lolo. At kaya tinanggal sa trabaho si Mr. de Castro, ay dahil ayaw na niya itong masaktan pa lalo, nagkamali nga raw siya. Dapat daw ay hinayaan niyang si Lola ang kumausap, pero nangyari na ang nangyari.

Tinanggap din niya si Ynna ng buong puso. Ang akala niya ay ttratuhin kong parang kapatid si Ynna, pero nagkamali siya. Nang muli kasi kaming magkita ni Ynna, "Momma" pa rin ang tawag niya sa akin. At ang Momma na iyon nga ang nagligtas sa akin. Kaya naman wala akong ibang hinangad kung hindi ang panindigan ang pagiging Mama niya.

Natuwa nga si Lolo e, kasi raw naabutan pa niya ang apo niya sa tuhod. May mga araw nga na mas gusto niyang nakakasama si Ynna kaysa sa akin. Nakalimutan na rin niyang apo rin pala niya ako dahil si Ynna na palagi ang hinahanap niya.

At bago siya tuluyang mamahinga, humingi siya ng tawad sa akin. Sa lahat ng gulong naging bunga ng maling desisyon niya. Sinabi rin niya na ingatan kong mabuti ang anak ko, at patawarin ko na rin pati ang lolo ni Ynna na si Mr. Reginald.

Sinabi rin niya na patawarin ko na ang ama nila ni Jed. Na patawarin ko na lamang lahat ng taong sinaktan ako. Mahirap, subalit pinilit kong gawin iyon.

"Momma, you're not listening, aren't you?" Nakabusangot na tanong ni Ynna.

Nginitian ko siya, "Sorry baby, what was that you're saying?"

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now