Chapter Six: Epic Dares

56K 1.1K 44
                                    

Cynthia's POV

 

Akala ko! Akala ko talaga yung sinasabing buhos ng sama ng loob ni Athena ay yung kay Kurt lang, pero sa ginawa niyang yun, parang sama ng loob niya sa mundo na yung inilabas niya e! 

"Wag kang mag-alala, Cyn. The fun had just begun." 

Alam kong alam niyang paminsan-minsan ay natatakot ako. Hindi naman ako actually na natatakot sa kanya, mas natatakot talaga ako sa mga kaya niyang gawin. 

Nakita ko yung gangmates ko na pababa na mula sa 2nd floor.

"Cynthia! My god, what the hell is happening to Athena ?" Agad tanong saakin ni Suzy. Nagflip pa siya ng buhok matapos niyang sabihin iyon. 

Hinarap ko sila, bagsak na bagsak ang mga balikat ko, "Nagbubuhos nga ng sama ng loob." Matapos kong sagutin ang tanong niya, napa-face palm na lamang ako.

"It's not like, hindi natin kaya ang ginagawa niya. It's just that, bakit siya nagkakaganyan bigla?" Narinig kong sabi ni Chenoa, sharpshooter ng gang namin. Magaling din yan, infact magaling na magaling. She can shoot any target in a pin-point bull's eye kahit pa milya ang layo. Siguro nga, kaya niya yung ginawa ni Athena sa shelf ng mga pana, pero kami, hindi na siguro namin kaya iyon.

Pero Athena's different. May passion sa lahat ng ginagawa niya. Tipong kahit hindi ikaw yung inaasinta niya, mangingilabot ka paring talaga.

"Hey!" Kaagad akong napalingon sa taas nang biglang pagsigaw ni Athena mula sa second floor nitong training grounds. Pati ang iba ko pang gangmates ay napatingin din sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang itutok sa gawi namin yung hawak niyang baril, at tsaka siya ngumiti- more like ngumisi. 

Then, in a blink of an eye, isang pagputok na ng baril ang nangibabaw sa grounds.

Dahan-dahan kaming napatingin kay Jed. Bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa ni Athena. "What the heck?" Gulat niyang tanong.

"She's a monster." Bulong ni Paige, manghang-mangha sa ginawa ni Athena.

"Anong kasalanan ko sayo at sinubukan mo akong patayin?!" Sigaw ni Jed kay Athena. 

Kami namang iba pang miyembro ng gang, nanatiling nakatitig sa sahig kung saan naroroon ang basyo ng baril. Inasinta kasi ni Athena iyong space sa gitna ng mga paa ni Jed. 

I remember her doing that before. Thirteen ata siya nung subukan niyang gawi yun sa trainer niya. Pero that time, nadaplisan niya yung binaril niya. Hindi naman nagreklamo yung trainer, nasiyahan pa nga siya sa achievement ni Athena e. Baliw ata yung hinire ni Tito Miguel.

Ngumisi lang si Athena bilang sagot.

"She can do that?" Tanong ni Yuri saakin. "I mean, she's not afraid to try something like that?"

"Trust me, marami siyang pinagpraktisan na tao." Natatawa kong sabi. Hindi naman pinuntahan pa ni Jed si Athena sa taas para i-confront o ano. Napailing na lamang ito at inayos ang sarili.

"Ganon ba talaga siya kagalit?"  Tanong sa akin ni Paige. "Ano bang nangyari?"

"Galit talaga yan, bakit? Yung si Kurt na sikat sa school natin pinipilit makita yung mata niyang kulay gray kanina. Tapos, yung nagpakita siya sa ibang tao na ganun ang itsura niya at nagiging malapit na kayo sakanya? Ayaw niya. Ayaw na ayaw niyang ma-attach sa ibang tao." Explain ko sa kanila. "Siguro iyang galit na inilalabas niya, hindi lang para kay Kurt. Para na rin siguro sa sarili niya. Way siguro niya yan ng pagparusa sa sarili niya kasi nagiging open siya."

  

"Ha? Bakit?" Tanong bigla ni Krypton.

"Oo nga naman? Ano namang masama doon?" Dagdag  pa ni Chenoa.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon