Chapter Twenty Four - He Came Back

47K 885 76
                                    

Athena's POV

 

"Hay nako, sa wakas at na-miss ako ng bestfriend ko at sinamahan niya narin ako!" Paramdam ni Cynthia dito sa tabi ko. Nandito kami sa isang park malapit sa bahay ko, public park lang kaya maraming street vendors. Paborito naming puntahan ni Cynthia nung bata kaming dalawa.

May fountain na malaki sa gitna, na may dolphin na statue na design. Nakabricks, at malawak. May mga courts, badminton, volleyball, football at syempre basketball. Overall, kahit public park siya, maintained naman yung cleanliness sa paligid.

"Pwede ba, lagi nama tayong nagkikita e." Sabi ko sakanya.

"Oo, nagkikita. Pero nagkakasama? Nag-uusap? Hindi na. Masyado ka kasing busy dyan sa Thea na yan e. Kundi man sakanya, dun! Dun ke Kurt." Maktol niya sabay subo ng isaw.

"OA mo talaga, eto na nga di ba? Ikaw na kasama ko?" Rason ko.

Tumango-tango siya.

"Oh ano? Gusto mo bang pag-usapan yung tungkol kina Tita Ann at Tito Mike?" Tanong ko muna. Syempre, hindi naman pwede na manghimasok ako basta-basta. Malay mo, masyadong personal yung problem ng tao. Di naman porket bestfriend ka, makikialam ka na sa lahat ng bagay.

"De. Ayos na yun, nabuhos ko na lahat ng galit ko." Sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pano?"

Ngumiti lang siya. Tapos tumanaw sa malayo, kung pwede lang maging puso yung mga mata niya, mangyayari talaga e.

"Cyn." Tawag ko pero di ako pinansin.

"Cynthia!"

"Oh baket?" Tanong niya na tila'y kagigising mula sa kawalan.

"Anyare sayo? Teka? May hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong ko. Halata talaga nitong babaeng to e. Tignan mo, hindi makapagsalita.

"Spill." Utos ko.

"Ano kase, ano..."

"Isa."

"Thene naman." Paawa niya, pero di eepekto yan.

"Dalawa."

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon