Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes

49.3K 889 47
                                    

Athena's POV

"So, eto ang idea mo ng going out?" I asked, trying to hold back a laughter. Pero hindi ko mapigilan, napangiti ako.

"Aba, wag kang choosy ate." Sagot niya na animo'y boses bakla tapos ay umupo kami pareho.



Nasaan kami? Nasa SCHOOL. Sabado, oo. Pero nasa school kami, di ba ang sipag namin? Amazing kasi siya mag-isip ng lugar e.


"Disappointed ka?" Tanong niya.

"De. Nagtataka lang, bat dito?"


"Naisip ko kase, dito naman nagsimula ang lahat. Dito lang din naman tayo unang nag-usap ng mahaba, kung di mo isasali yung pagsusungit ko sa'yo sa hallway." Dahilan niya. AH, so alam pala niya yon, syempre pero di ko inexpect na matatandaan niya. Naks.









"Wow, ang deep." Biro ko.

"Lul. HAHA, may sayad ka e no?"

Tapos tawanan lang kami. Walang awkwardness, walang hesitations. Masarap yung simoy ng hangin, nakakaaliwalas. Nandito kasi kami sa may garden, yung puno kung saan kami nag-usap dati. Nakakagaan ng loob kasi ganito na, sinusubukan naming dalawang magsimula.


Nag-usap lang kami, tungkol sa mga bagay-bagay. Ayos na rin siguro to, pweding tawaging 'getting-to-know-each-other' stage, pero mas maganda kung 'be-friend-ing' stage ang term. Para nga walang ilangan. Kung ako naman yung tatanungin, ayoko din ng mabilis. Tulad nung nangyari nung una, parang sa isang iglap andyan na agad, pero ganun din kabilis manakit. Kumbaga, take it slowly na muna sa ngayon.



"Daldal mo pala e!" Yung totoo, compliment ba yun o nang-aasar siya?

"Dapat ba akong mag-thank you o ma-offend?" Tumatawang tanong ko.


"Sira. Compliment naman ata yun e." Sagot niya saakin.


"KITA MO! Ikaw din di sigurado!"

"O bakit? Papatayin mo na ba ako?" Humahalakhak niyang tanong habang tumatayo.


"Pwede. Pero parang wala pa man tatakasan mo na ako e..." Dahan-dahan din akong tumayo. At mukha namang natunugan niya kung anong gagawin ko kaya mabilis pa sa alas-kwatro ang takbo niya.


"Hindi kita tinatakasan! Hindi talaga!" Sigaw niya sa medyo malayo na. Tumakbo na e.

"Baliw! Para kang bata!!" Balik ko. Tumawa lang siya tapos binelatan ako.




"AH GANON?!" Sigaw ko. Tumawa lang siya tsaka tumuloy sa pagtakbo.


Syempre ako..

















HINABOL SIYA.

Mukha naman ata siyang tanga kung walang hahabol sakanya, di ba? Maawain akong tao e..






Minsan, kailangan nating lunukin yung pride para sumaya. Di porket may 'past' na hindi niyo naayos at nabigyan ng closure, ganun nalang, dapat harapin niyo. Wag na wag niyo itong takasan. Kailangan mong pumili. At sa bawat option na lilitaw sa harap mo, maging handa ka sa consequences. Kasi kahit kailan, hindi naging madali ang buhay. Life is a challenge, at walang magandang madudulot yang pride na yan para mapadali yon. Kasi hindi mo naman talaga pinapadali e, tinatakasan mo lang.

Siguro kami ni Kurt, masasabi kong parehong malakas ang loob namin. Kasi pareho kami nagpakumbaba at umintindi. Agree naman siguro ang lahat na mahirap ang isang AWKWARD situation di ba? It will take all your guts to handle one. Pero kapag na-handle mo ng maayos? Kapag nalagpasan niyo yun pareho, iniwan ang nakaraan at napagdesisyonang magsimula ng bago, kapag nakapili ka na ng option, kayo ring dalawa ang sasaya sa bandang huli. Maybe in different cases, yung isa nagkasundo kayong tapusin na ang lahat at maging MAGKAIBIGAN lang talaga at ang pangalawa, maging magkaibigan muna ulit.. atsaka nalang mag-level up kapag kaya na.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon