Chapter Twenty Three - Love Is In The Air

43.3K 830 101
                                    

Athena's POV

 

"I am very impressed with the outcome of your tests. I am glad to say na ang lowest na nakuha sa inyong Periodicals ay 65 over 100, not bad." Anunsyo ni Sir.

Naghiyawan yung buong klase, nag-apir ang bawat magpa-partner at tumalon ang mga dating bagsak palagi. Success, worth it yung ginugol na oras at pagod para magtulungan sa studies. Buti nalang lahat sumunod kahit sa kabilang banda, mga bayolenteng tao ang iba.

"Psst. Tutor! Psssst!" Rinig kong tawag ni Kurt. Boses palang, alam na.

Hinarap ko siya.

*wink*

-____-

"Feel mo non gwapo ka?" Tanong ko matapos siyang irapan ng pabiro.

Lumapit siya sakin at umupo sa ngayo'y bakanteng upuan sa tabi ko, since lahat masaya lahat nakatayo. Si Sir naman, lumabas. Homeroom kasi namin e, at since fourth week of the month, ibig sabihin free time namin. Bale dumating lang siya para i-announce yung mga resulta.

"Bakit Thene? Hindi ba?" Hamon niya habang inayos kunwari yung buhok niya.

"Siguro naman alam mo na mamayang break time papatayin ako ng mga babaeng patay na patay sayo, di ba?" Tanong ko sakanya, di naman talaga big deal yun e. Actually nakakamiss din, ilang weeks na yung lumipas mula nung huli akong guluhin ng mga fans nito e.

"Sus, ikaw? Matatakot sa mga yon? Sinong niloko mo? E kahit nga sampu sila, sa pananalita mo palang tibag na sila e." Tumatawang sambit niya.

"Ah ganon? So sinasabi mo na makatak ako?"

"Uy! Hindi ah! Makatak ka dyan. Sino nagsabi? Wala naman di ba? Wala." Defensive niyang sagot sakin.

Kaya naman nakatanggap siya ng matinding sapak.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon