Chapter Two: Water Doors

75K 1.4K 63
                                    

Athena's POV

 

I heard my phone vibrate from my bed side table.

Certainly, that was Cynthia. Siya lang naman ang may alam ng number ko sa Philippines. Well, actually siya lang naman ang kaclose ko sa bansang to (although wala din akong kaclose sa New Jersey). I was too tired to get it, but beyond that I was too lazy to even move.

Besides, ayoko pang pumasok. The fact na kailangang manamit ako tulad ng isang outcast sa school, adds up to the reasons why. My school life will be boring, unlike before it was thrilling. Dati, nagagawa ko lahat ng gusto ko, some students are even afraid of me. Pero iba na ang situation this time, dapat low-profiled ako. I don't really like the attention, I really don't even know kung anong ginawa ko noon para sumikat ako sa school, kaya naman this time, I need to be extra careful.

Kaya lang naman ako papasok sa school ay dahil kagustuhan to ni Tito. Like I said, hindi ko siya matatanggihan kasi ever since I can remember, he's been nothing but a second dad to me. Hay, bat kasi inabutan pa kami ng K to 12, kahit hindi bago to sakin (considering that I cam from the states) gusto ko narin sanang magcollege. But, oh well.

At talagang kinasabwat pa niya si Cynthia. Yes, Cynthia Ramirez, childhood friend ko. Ever since before that tragic incident happened, kaibigan ko na siya. Family friend at business partners ang pamilya, close friends din sila kaya naman siya lang ang naging kaclose ko. Well, she succeeded in trying to get close to me, that is.

Nung pumunta ako ng New Jersey after the incident, matagal bago kami ulit magkita. Sila yung dumadalaw saakin doon, nagbabakasyon sila ng 2-3 weeks sa place namin. Kaya nasustain naman yung friendship.

I heard the vibration once again.

Makulit talaga yan, kahit sabihin pa ng ibang nerd siya. Hindi siya talaga ganon, sina Auntie kase mataas ang expectations nila kay Cyn. Dahil nga kami ang successor ng businesses namin, kailangang matuto kami at pag-aralan iyon ng mabuti. Unlike me, I'm studying dahil sa utang na loob kay Uncle. Wala naman siyang sinasabi na kailangan akong mag excell sa studies ko, di naman ako nahihirapan sa academics e. Sa dicipline lang ako palaging may problema. What? I can't help it!

Tsaka, ewan ko ba, allergic ata kami ni Cyn sa yaman. Pareho kaming walang paki sa mga yan. We both care about is fighting. Well, as for me matagal ko namang ginagawa yon. May influence pa ng Uncle ko, may gym kami sa bahay noon e. There were even times na si Uncle ang nagttrain saakin ng boxing but as for the other martial arts may personal trainer na siyang kinuha para saakin.Pero kay Cyn, ginawa niya lahat ng training niya patago. Ayaw niya kasing biguin ang parents niya.

Sino nga bang mag-aakalang magiging gangster ang anak mong nerd? Sigh.

After hearing my phone vibrate again, I decided to answer it.

"Hello?"

(BANGON!)

"No."

(6:30 na!)

"Sabi mo e."

(Athena!) She said with so much 'authority', well atleast she tried.

"Fine, fine. Tatayo na po." I said, finally giving in to her request. Sooner or later, mapipilitan naman talaga akong bumangon e.

And so I got up and went to the bathroom to do all the necessary rituals.

"Err..." Di sigurado kong nasabi right after reaching the living room. I do not know anyone here, the maids nor the drivers and butlers.

"Young lady? Kakain po kayo?" Biglang may babaeng nasa mid-30s ang lumapit at nagtanong saakin.

Tinignan ko lang siya.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon