Prologue

33 4 0
                                    


"Iryll??" nanlalaki ang matang tingin ko

Mukhang nagulat din naman syang makita ako.

Anong nangyayari?

Tinignan ko ang lalaking kasama nya, tapos sya.

"Braille.." rinig ko pang tawag nya, pagtalikod ko

So tama pala ang sinasabi ng lahat? Nakikipagkita sya sa ibang lalaki sa likod ko. How can I be so blind?!

"Braille, sandali lang magpapaliwanag ako. Mali yang iniisip mo" hawak nya sa kamay ko at pilit nyang paharap saakin

Gusto kong magwala.

Gusto kong magalit.

Pero hindi ko kaya kasi mahal na mahal ko sya, kahit sobrang sakit ng ginawa nyang ito. Mahal ko parin sya

Anniversary namin ngayon, first year anniversary. Tapos ganito?!

"Braille, mali yang iniisip mo. Magtiwala ka naman sakin oh, pakinggan mo muna ako" hawak nya sa pisngi ko ng makitang hindi ako sakanya nakatingin, kundi doon sa lalaking pinagpalit nya sakin

Ano bang nagawa ko? May pagkukulang ba ako? Bakit ganun?

"Masaya ka ba sakanya?" Pakiramdam ko wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon "Kung Oo. Wala ka ng dapat ipaliwanag"
Pero kahit masakit. Handa ako...

Para akong napaso ng hawakan ko ang kamay nya sa pisngi ko at tinanggal yun. Tsaka ko sya tinignan sa mga mata, at sabihing...

"Kasi hindi ko kayo guguluhin" pinilit kong wag tumulo ang luha ko, pero may kumawala parin mula dito

Mas lalo ata akong nasaktan ng makitang umiyak din sya.

"Braille, please.. pakinggan mo muna kasi ako" pakiusap nya parin

Tumalikod nalang ako

Tama na, ano pa bang ipapaliwanag nya? Nakita ko naman na. Kalat na kalat na din sa lahat na may kinikita syang lalaki at nakita ko na sila mismo sa akto. Ano pa bang dapat kong marinig?

Hindi ko na sya pinansin at sumakay nalang sa kotse ko ng makaalis na ako dito

Kaibigan naming si Zealan ang nagsabi na nandito sya. Pero hindi nya sinabing may kasama syang lalaki!

Pinaandar ko na ang makina. Nang bumukas ang pinto sa passenger seat. Napalingon ako dito at nakita ko nga si Iryll

"Sasama at magpapaliwanag ako" matatag na sagot nya ng tignan ko kung anong ginagawa nya

Napabuntong-hininga nalang ako at umiling

Ang kulit

Hindi ko nalang sya tinignan at pinaandar na ang kotse, ihahatid ko nalang sya para makauwi na ako.

"Braille, mali kasi yung pagkakaintindi mo. Yung lalaki yun, pinsan ko yun, he's name is Nigel" simula nyang paliwanag na hindi ko pinapansin

Pinsan? Tapos magkayakap kanina. Ano yun?

"Bakit ka kasi pumunta doon?" sa bulong nyang yun napalingon ako at tinigil ang sasakyan

Bakit kasi ako pumunta doon?? Anniversary namin malamang hahanapin ko sya!

"Nakalimutan mo na ba ang araw na ito?" sa wakas naitanong ko na din "Anniversary natin to, Iryll! Sa lahat ng araw na pwede mo akong saktan sa araw pa ng anniversary natin!" Hindi ko na napigilan pang magalit

Nahampas ko na ang manibela sa sobrang inis.

Ayoko syang saktan, kahit ako nalang, wag lang sya. Ganun ko sya kamahal. Pero ang sakit!

"Braille..."

"So please, please lang. Tama na..."  hindi tumitinging pakiusap ko sakanya

Gusto ko nalang mapag-isa, kasi hindi ko na alam ang gagawin o magagawa ko pa kapag nagtagal pa kaming magkasama

Narinig kong huminga din sya ng malalim, bago tuluyang tumango

"Okay.." lingon nya na saakin "Ihatid mo nalang ako sa park" tumingin sa bintanang sagot nya

Napapikit nalang ako para ikalma ang sarili.

Babalikan nya din naman pala yung lalaki nya. Pilit pa syang nagpapaliwanag.

Nang makalma, pinaandar ko na ulit ang sasakyan at nag U-turn. Pagkarating sa park, bumaba na agad sya. Aalis na sana ako ng humarang sya sa harap

"Bumaba ka muna, kahit ngayon nalang. Pagbigyan mo na ako" nakikiusap ang mga matang tingin nya

Kaya kahit ayoko na sana, sumunod ako sakanya

Huling pagkikita na namin ito. Bukas break na kami dahil sa ginawa nya. Kaya ano pa bang masama kung pagbigyan ko sya

"Salamat" ngiting-ngiti nyang turan pagbaba ko

"Bakit mo ako pinababa?" pilit kong pinatatag ang sarili

"Last chance ko na ito. Kaya susulitin ko na, Tara" hila nya saakin na ikinakunot lang ng noo ko

Tinignan ko kung nandito pa yung lalaki kasama nta kanina, dahil susuntukin ko na talaga yun kapag nakita ko pa ulit sya.

Alam kong wala na akong karapatan, pero for the last time. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko sakanya. Kaya kung sakali mang makita ko ang lalaking yun, hindi na ako magdadalawang isip na bugbugin sya

"Nige, Ngayon na!"

Napalingon ako kay Iryll sa isinigaw nito.

Tatanungin ko na sana ang ibig nyang sabihin ng...

"Happy First Anniversary sayo, Babe!" yakap nya sa bewang ko

Napalunok ako habang nakatingin lang sa mga ilaw na nakasabit at unti-unting bumukas at nagbigay liwanag sa buong park. I can't believe this.

May christmas lights na nakasabit sa mga puno, sakto ding pagabi na kaya kitang-kita ang ganda ng mga liwanag nito na iba't-ibang kulay pa. Sa baba ng isang puno may sapin at basket na parang hinanda sa isang picnic

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo. Pero.." napatingin ako kay Iryll ng hilain nya ang dulo ng jacket ko "Surprise ko talaga ito para sayo, yang mga ilaw na yan. Nagpaturo ako kay Nigel na gawin yan. Kaya din siguro kami nagkaroon ng issue at pinakalat pa ng iba na niloloko kita"

Napayuko ako sa paliwanag nya.

Hindi ako nagtiwala sakanya at naniwala sa sinabi ng iba. Ni hindi ko pinakinggan kanina ang paliwanag nya

"Sorry din" mahina pero sinigurado kong maririnig nya

"Ayos lang yun" bahagya nyang suntok sa balikat ko na ikinangiti ko "Basta tayo pa din" lalong lumawak ang ngiti ko

"Tayo padin" tango ko

"I love you" malambing na yakap nya

"I love you too" balik ko ng yakap

Inaya nya na din akong umupo sa ilalim ng punong may sapin at kumain na kami. Picnic date daw para romantic. Tama sya, ang ganda nga

Parang walang nangyaring awayan at muntik na hiwalayan. Masaya parin kaming dalawa hanggang sa pauwi. Ihahatid ko sya. Usual na ginagawa namin kapag may pinupuntahan

Masaya kaming nagtatawanan habang kinikwento nya kung paanong naisip nyang pag-aralan gumawa ng ilaw ng...

Gulat akong napatingin sa daan ng makarinig ng malakas na busina

"BRAILLE!" kasabay ng tili ni Iryll ang pilit kong pag-iwas sa truck na paparating

Hanggang sa bumangga kami sa puno at nawala ang lahat...

_____________________________________________

Sana nagustuhan nyo

Please don't forget to vote, comment and share this story

#1 CWS: Two In A MillionWhere stories live. Discover now