Chapter 15

3.6K 78 0
                                    

VOTE. SHARE. COMMENT

Nicole POV

Kinabukasan maaga kaming umalis sa Puerto galera para maaga rin kaming makauwi. Maagang nagswimming si Drei at Nico. Tapos nung aalis na kami umiiyak si Nico pero to the rescue na naman si Drei. May sinabi sya kay Nico at ayun tumahan na.

Alas 12 na kami nakarating kami sa SJU. Naghiwahiwalay na kami dun. May kanya kanya silang sasakyan at sa kamalasan ko inihatid nga lang pala ako ng driver naming nung Friday kaya isinabay na lang ako ni Drei. Tumatanggi ako pero nagpupumilit sya kaya ayun napasabay na ako. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating sa bahay. Si Mommy ang nagbukas ng gate nung nagdoorbell ako kaya nakita nya si Drei. Niyaya nya si Andrei na sa bahay na maglunch. After naming maglunch nagpaalam na syang uuwi at magpapahinga muna sya ako naman umakyat na sa kwarto ko at natulog.

*Tuesday Victory Party

Idineclare kahapon na half day lang ang klase ngayong araw at pinayagan na hindi nakauniform ang mga estudyante para nga sa victory party. Karamihan sa mga estudyante eh nasa loob ng campus tapos yung iba naman palabas-labas. Mukhang hindi interesado sa nangyayari.

Inimbita naming sina Mommy, Daddy at Kuya para sa victory party kasama ko sila nung nagbigay ng certificates at medals sa mga players.

“So SJU giants congratulations and students, players and some of the employees let the party startin” sigaw ko para ideclare na simula na ang party party. Bumaba na kami ng stage nina Mommy. Inihatid ko sila sa may parking lot at pauwi na daw sila kasi may bisita daw silang dadating.

Pagbalik ko sa gym masayang nagsasayawan ang mga estudyante, pati ang mga varsity players. May umiinom ng wine habang nagkukwentuhan. Pinayagan ko na may wine ngayong araw pero syempre yung 0% alcohol para naman walang malasing.

Nahagip ng mga mata ang kumpulan ng mga babaeng nagtatawanan at naghahampasan. Napailing na lang ako. Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa isang bakanteng upuan na sadyang nakapalaan para sa akin.

“So anong kaguluhan ito?” tanong ko sa mga kaklase ko.

“Oh andyan ka na pala.” Sabi ni Ely

“Anong ang meron at nagkakasayahan kayo dito. Napapagiwanan na ako sa chika ah.” Sabi ko sa kanila.

“Hmm. Papaano itong si Jasmine, lumalandi na rin.” Sabi ni Aira.

“Uyy makalandi ka naman dyan.” Sabi ni Jas.

“Papaanong lumalandi?”-Ako

“Umamin na daw sa kanya si Troy nung Sunday nung nsa Puerto tayo.” Sabi ni Aira.

“FOR REAL?” sigaw ko. haha. Nakakatuwa. Umamin din si Troy.

“Oo. Makasigaw ‘to.”-Jas

“Anong sabi sayo dali chika.” Excited na sabi ko.

At ayun nagchikahan lang kami hanggang sa nagkayayaan nang sumayaw. Syempre kahit papaano isa din ako sa mga estudyante dito kelangan ko din naman ng social life kaya sumama ako sa kanila sa gitna ng gym at nagwala kami dun. Nung mapagod kami nagpahinga na kami.

“Steph ano palang plano mo sa debut mo sa Friday?”tanong ni Aira.

“Ha? Sa Friday na ba birthday ko? Anong date ngayon?” gulat kong tanong sa kanila.

The School Owner and The School Basketball PlayerWhere stories live. Discover now