Chapter 5

4.4K 90 3
                                    

WARNING--LAME ITO.

After ng announcement umalis na sina Daddy, pupunta pa daw kasi sila sa AGC at DGC. Bibisita daw sila.

Pumunta na ako sa room ko. Iniwan ako ng mga kaklase ko kaya no choice kundi mag-isang maglakad. Maraming bumabati sa akin, nginingitian ko lang sila.

Nung nakarating ako sa room naming ang tahimik nilang lahat. Nakakapanibago. Even my BFF’s hindi ako binati.

Nakasimangot akong umupo. Hinintay ko silang umimik, pero wala talaga. Hindi na ako nakatiis. “Grabe naman, ini-announce lang na ako yung may ari ng University hindi nyo na ako pinapansin. Nakakatampo naman kayo. Kanina tuwang-tuwa pa kayo, tapos ngayon ganito, cold treatment ang isasalubong nyo sa akin.” Tumayo ako at lumabas. Nagpunta akong CR. Grabe naiiyak ako.

Ang inaasahan ko pa naman pag-dating ko sa room namin eh ang sigawan nila na "NICS CONGRATULATIONS. IKAW NA TALAGA. RICH KA TALAGA." Pero hindi eh. Silent treatment, yun ang napala ko. HAAAy.

Nagstay lang ako sa CR ng 5 minutes tapos bumalik na ako sa room. Nagulat ako nung biglang may ‘confetti’ (punit-punit na yellowpaper) na naglaglagan, tapos may naghahampas nag table para gawing drum tapos may nakahilera yung mga kaklase kong baliw at may nakasulat na “SORRY MISS NEW OWNER OF ST. JOHN UNIVERSITY. WE LOVE YOU” para akong tanga na naiiyak habang tumatawa. Kaya mahal na mahal ko sila eh. Lumapit ako sa kanila at sumigaw si Tim ng “GROUP HUG”.

“Mga baliw kayo, akala ko hindi nyo na ako papansinin” naiiyak kong sabi sa kanila.

“Ano ka ba naman Nics hindi ka naman matitiis no. Mahal ka kaya namin.” Sabi ni Aira

"Tsaka drama lang yun."- Ely

"Oo, nga si Tim ang may pakana nun." Panlalaglag ni Isa sa jowa nya.

“Mga baliw talaga kayo. Lalo ka na Tim, lapit ka dito dali.” tawag ko sa kanya.

Dali-daling lumapit sa akin si Tim.

PAK. Tunog yan ng hampas ko sa braso nya.

"AWWW. Grabe ang sadista mo talaga ano." sabay punta nya sa likod ni Isa na tumatawa. "Isa honey, yung bestfriend mo sinasaktan ako. Hampasin mo nga rin." sabi nya habang nakabackhug kay Isa.

Inirapan ko lang sya. Tss. Parang kakampihan sya ni Isa. Hahaha. Eh under naman sya kay Isa.

Nagkwentuhan lang kaming mag magkakaklase hanggang natapos ang one and half hour. Walang dumating na prof sa Hum103.

Next subject namin eh English104. Pabor naman samin kami yung favorite namin na prof ang dumating kaya nagsigawan kami. Nagulat kami nung biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong si Andrei ang pumasok ng classroom at tumabi kay Tim sa likod.

“Psst. Nics. Pagsinuswete ka nga naman ano” sabi ni Jas na nasa left side ko

“Tsk. Manahimik ka dyan.” Sabi ko

“Okey Psychs, sa ayaw at sa gusto ko na kayo ang maging estudyante ko ngayon eh wala akong magagawa,” natatawang sabi ni Mam Villanueva. “Since kompleto naman kayo ngayon at may mga hindi nyo kacourse iaalphabetical ko kayo ng seating arrangement para madaling mag attendance.”

Kahit anong gawin naming pagpipigil kay Mam wala kaming nagawa. So ang sitting arreangement namin ay may first 5 dun sa first row tapos “Clinton, Andrei, next to him is Miss Davids” natigilan ako sa sinabi ni Mam. 

The School Owner and The School Basketball PlayerWhere stories live. Discover now