Chapter 13

3.3K 73 0
                                    

VOTE. SHARE. COMMENT

Nicole POV

Nagising ako sa mahinang hagikhik ng ni Nico. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding 5:30 am pa lang. Maingay na rin sa labas. Baka gising na sila. Babangon na sana ako nung makita kong may nakahiga sa sofa sa kwarto ko at nakasakay ka tiyan niya si Nico.

“A-andrei? A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“Narinig ko kasing umiiyak si Nico kanina eh kumakatok ako hindi ka naman sumasagot, kaya pumasok na ako. Tapos nung napatahan ko naman, ayaw na nya akong paalisin kaya ayan hyper na naman" paliwanag nya.

“A-ah ganun ba. Isama mo na muna si Nico sa labas, maliligo na muna ako.” Tumayo ako at pumunta sa drawer ni Nico. “Oh. Isuot mo sa kanya. Alam kong pupunta na yan sa may pool. Malamig pa sa labas, baka sipunin yan” iniabot ko sa kanya ang jacket.

“Sige.” Sabi nya.

Hindi ko na sila inintay makalabas. Pumasok na ako sa banyo. Ginawa ko na ang morning rituals ko kahit lamig na lamig pa ako. Isinuot ko ang robe ko at inilagay sa buhok ko ang tuwalya. Nagbihis na ako at lumabas para mag breakfast.

 “Good Morning Psychs. Good morning po Mr. Perez. Good Morning Giants.” Bati ko sa kanila. Giants. Yan ang tawag ko sa mga players. Ang tatangkad kasi nila.

“Good morning Miss Nicole.” Bati rin nila sa akin.

“Good morning po Senyorita” nakahanay ang mga kasambahay at sabay-sabay na bumati. Agad na sumunod sa akin si Nana Belen at ipinaghila ako ng upuan para makaupo ako.

“Nana hindi nyo na po kailangang gawin yan pag wala sina Daddy kaya ko naman po.” Sabi ko sa kanya. “Sige na po Nana punta na kayo dun sa kitchen at kumain na kayo. Kaya na namin dito.” Magalang kong sabi.

“Asan ang baby Nico ko?” tanong ko

“Good morning Ta-Mommy. Good morning po sa inyo” bati ni Nico tapos umupo sa lap ko at ikiniss ako.

“Good morning po sa inyo. Good morning Ninang” bati rin ni Cassy tapos humalik din sa pisngi ko at umupo sa may left side ko. Halatang kakagising lang.

Napatingin ako “OH ano. Alam kong gutom na kayo. Attack na” natatawang sabi ko.

Nagsugudan na silang lahat sa pagkain. Natapos kami ng pagkain ng saktong 6:30. Nagkwentuhan pa kasi kami habang kumakain. Pumasok ulit ako ng kwarto ko para bihisan si Nico kasi napapayag nila akong magkapatid na kasama sila sa panunuod, buti na lang ipinagpagawa ko rin silang dalawa ng susuotin naming ngayong araw.

Paglabas namin ng kwarto nasa labas na ng bahay silang lahat. Nakasuot din sila ng t-shirt na may tatak na St. John University. Matapos ang ilang mga paalala ko sa kanila umalis na kami.

Saktong 8 ng dumating kami sa SMU. First game kami kaya kelngang maaga kami. Isa-isa na kaming nagbabaan. Buhat  ni Drei si Nico tapos si Cassy nakakapit sa braso nya. Napatingin ako sa kanila mukha silang mag-aama.

Iniwan kami ni Mr. Perez at pumunta sya sa office nung President ng SMU, sya na lang daw ang makikipag-usap.

Habang naglalakad kami papunta sa gym ng SMU pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi ko naman sila masisisi eh gwapo at magaganda ba naman ang makita nila eh. Tapos narinig ko ang pinag-uusapan nung mga babae na nadaanan namin.

The School Owner and The School Basketball PlayerWhere stories live. Discover now