Chapter 2

5.3K 110 2
                                    

*Sa Canteen

Pinagdikit-dikit namin ang mga table para mag-kakasama kaming magkakaklase.

Hindi naman kami sinasaway ng mga staff ng canteen. Ewan ko sa kanila kung bakit. Siguro eh nasanay na. Araw-araw na lang naming ginagawa yun eh.

Sabi ko sa kanila bumili na sila tapos ipalista na lang nila yung bibilhin nila, ako na ang magbabayad. Minsan lang ako manlibre kaya lubos-lubusin na nila.

“Hello magandang Stephanie Nicole Davids. Namiss kita. Ganda mo pa rin” bati sa akin ng isang pamilyar na boses. Sino pa ba eh di ang bolerong si Timothy.

“Oh Tim. Musta? Hindi kita namiss” hindi ko sya nilingon kasi busy ako paglalaro ng wawattpad.

“Wow naman Nics, hindi mo na talaga kelangang lumingon. Kilala mo na talaga ang boses ko. Kaya love kita eh. Pero hindi mo ako namiss aray naman yun. Ang sakit naman” Sabay upo nya sa tabi ko habang hawak ang dibdib nya. Baliw talaga.

“Baliw ka Tim. Lumayas ka nga dyan. Si Aira dyan. Dun ka sa kabila, dun nakaupo si Isa.” Sabi ko sa kanya. Tapos saktong dating naman ni Isa dala ang pagkain nya.

Biglang tumayo si Tim at sumigaw ng “ISA, HONEY, MY LOVE SO SWEET. NAMISS KITA. PAKISS NGA” niyakap nya si Isa at hinalikan sa pisngi. Napangiti naman ako.

“Tim ano ba. Amoy pawis ka tapos yayakap ka sa akin. Nyeta naman oh. Pero namiss din kita Honey ko.” Sabay ngiti nya kay Tim. Naknang, galit tapos biglang ngumiti. Pag-ibig nga naman ohh.

“Tungnu, lumayas ka dito Timothy. Nababanas ako senyo. Lumakad ka dun kumuha ka ng pagkain mo ipalista mo na lang sa pangalan ko babayaran ko mamaya” asar na sabi ko sa kanya

“Aba anong nakain mo nanglibre ka?” sabi nya sabay baling sa mga kaklase namin na nakaupo. “Oyy classmates. Hello, namiss ko kayo”

“EHEM, EHEM” may tumikhim sa likod ko. Napakunot ang noo ko. Sino yun? Tapos ang mga kaklase ko parang mga shongang sinisipa ang paa ko at inilalaki ang mata nila. Umiling na lang ako at kumagat sa burger ko. Hindi ko na lang sila pinansin.

“Ayy oo nga pala may kasama ako. Nalimutan ko. Sensya na Pare.” Napakamot sa batok si Tim.

“Oh my” sabi ni Aira na ngayon lang lumingon.

“Ahh P’re halika ka dito.” tawag ni Tim dun sa Pare nya. “Ahh guys kilala nyo naman sya diba. Pero ipapakilala ko sya sa inyo personally para masaya diba. Si Andrei Clinton nga pala, Drei mga kaklase ko” napatigil ako sa pagbabasa at dahan-dahan na tumunghay.

Anak ng tinolang manok. Seryoso nasa harap ko ang crush ko.

Napatingin ako kay Tim na kakatapos lang ipakilala ng isa-isa kay Drei ang mga kaklase namin, nakangiti sya sakin ng pagkakalapad-lapad.

“Ahh P’re may hindi ka naipakilala sa akin” sabi ni Drei kay Tim habang nakatingin sa akin.

“Ahh. Oo nga noh. Andrei, this is the one and the only Stephanie Nicole Davids.” Nakangiting sabi ni Tim.

Napatingin ako sa mga kaklase ko nagpipigil sila sa pagtili alam ko, kasi ang pupula na nila. Parang mga t*nga.

“Hi Stephanie” sabi ni Andrei habang nakangiti.

"A-ah. Hehe. H-hi." kinakabahang bati ko sa kanya.

"Andrei nga pala, pero Drei na lang itawag mo sa akin. Maiba naman." nakangiting sabi nya habang nakaabot sa akin ang kamay nya.

"Nicole, call me Nics." at inabot ko ang kamay nya.

Ngumiti sya sa akin. Sheyt. Lord pwde na po akong mamatay mamaya pag kaalis nya.

"Pwde bang Steph na lang itawag ko sayo, para ako ako lang tatawag nun sayo. Lahat kasi sila Nics na ang tawag sayo."-Drei

"Ikaw ang bahala." nakangiting sabi ko sa kanya.

Sheyt dream come true ito. Gusto kong yakapin si Tim. Pero mamaya na, amoy pawis pa sya eh.

“Oh paano classmates. Balik na kami sa Gym. Tsaka Nics, tig-isa kami ni Drei ng kinuha na burger at buko juice ha. Thanks Nics. See you later. And honey, see you later. I love you.” Tapos kiniss nya si Isa. Swerte ng babaeng ito. Kahit medyo childish si Tim mahal na mahal nyan si Isa.

“Bye guys. See you around. And Steph nice meeting you. Till we meet again” he looked at me and he winked at me bago sya umalis.

Pagkaalis nila Tim nagtilian ang mga kasama ko. Muntanga sila. Haha. Tsk. Landi-landi pala ni Andrei. May girlfriend yun diba. Tss LANDI nya. May pakindat-kindat pa syang nalalaman. Hmmp

“tss kinikilig ka naman wag ka ng magpakipot dyan” sabi ng brain ko. AMP.

Nakikisali naman ito. Oo nga diba kinikilig ako, Kasi naman ano. Ikaw kaya ang kausapin ng crush mo tapos nahawakan mo pa ang kamay. Grabe ihh.

---

After umalis nina Tim itinuloy na namin ang pagkain. Tapos yung mga kaklase ko hindi maka-get over. Kilig na kilig sila. Hmmp. Grabe sila.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa room at baka inip na si Inay. Pagkakain ni Inay nag-stay lang sya ng 30 minutes ikinwento ng mga kaklase ko yung nangyari, tinukso ako ng tinukso ni Inay pero ngumungiti lang ako sa kanya.

Hindi ko namalayan na dismissal na pala. Hahaha. Lutang kasi ako sa nangyari. So after ng klase namin umuwi na ako.

Pagkadating ko nakaready na ang dinner kaya hindi muna ako nagpalit, kumain na muna kami nina Mommy at Daddy tapos after tumulong ako pagdadala nung mga plates sa sink. Kahit naman mayaman kami may alam akong gawaing bahay. Tinuruan kasi ako ni Mama para din daw yun sa akin. Pagkatapos naming magligpit sa dining pumunta na ako sa kwarto. Nagshower ako tapos nahiga na ako.

The School Owner and The School Basketball PlayerWhere stories live. Discover now