Chapter 10

3.5K 78 2
                                    

Sipag kong mag-update. HAHA. Wala kasi akong magawa.

*Thursday Night, Day before Mindoro

Kachat ko sa group chat naming magkakaklase ang lahat.

Nicole Davids: Sama kayo bukas? Mindoro? 3 days tayo dun.

Aira Lawrence: Anong gagawin?

Ely Bermundo: Sure thing.

Nicole Davids: May game ang school natin dun sa Saturday, dapat eh bukas kaso eh nacancel.

Jasmine Santos: Anong meron ditey?

Nicole Davids: Tragis, JASMINE LUMAYAS KA DITO WALA KANG KWENTA. MAGBASA KA HA. :P J

Timothy Valenzuela: Ahahaha. Jasmine patay ka. BOOM PANES ka pala eh.

Ely Bermundo: Sama ako. Wat time?

Nicole Davids: 8 am sa campus parking lot.

Nicole Davids: Sama kayong lahat ha. Wala namang klase bukas. See you tomorrow babies. Bye bye good night

After ko sila imessage nag-offline ako. Tuloy parin ang pagchachat nilang lahat at nabasa ko na kasama silang lahat so kelangang dalawang school coaster ang sakyan namin.

*Friday morning, school parking lot

Pagdating ko sa school na nandun na lahat. Ako na lang pa ang hinihintay so tinipon so silang lahat.

“So Good morning everyone” bati ko sa kanila habang may hawak na megaphone.

“Good morning Miss Nicole” parang grade one na bati nila. Napansin ko puro nakapambahay lang ang iba. Ganun din naman ako, nakashort shorts at loose shirt lang ako, yung mga kaklase ko ganun din ang outfit. Yung mga players nakajersey shorts lang at tshirt. Halatang walang pakialam sa suot nila kahit na sasakay kami ng barko.

“Well ang alam nyong lahat eh ngayon ang game ninyo, kaso may nangyari pagbabago. Sabi nung organizer ng game nyo namove daw yun bukas kasi exam week ngayon nung school na makakalaban nyo. So pagkadating natin dun wag nyo munang intindihin ang game nyo, kasi alam ko naman na kaya nyo yun.  Well pwde naman kayong magparactice kung gusto nyo kasi may court naman dun sa tutuluyan natin.” Sabi ko sa kanila.

“Eh Nics san ba tayo tutuloy? ”tanong ni Ely.

“Ah yun pa pala. Since may bahay kami sa Mindoro dun tayong lahat tutuloy.”-ako

“Kasya tayong lahat dun”-Jas

“Ang oo kasya yan, ang laki-laki naman kaya nun. Tsaka may mga kubo sa paligid ng bahay na pwdeng tulugan. Tska kasya nga kaming lahat ng family sa side nina Mommy dun. Kaya kasya tayong lahat dun”-ako

“So tara na?” Mr. Perez

“Yeah. Let’s go everyone. Be safe please. Mr. Perez kayo na po ang sumama sa coaster ng mga players dito na po ako sa mga kaklase ko. sa Barko na lang po tayo magkita-kita.” Sabi ko at umakyat na din sa coater na sasakyan naming.

“Ahh, Steph” napatigil ako sa pag-akyat ko.

“Oh Drei. Bakit hindi ka pa nasakay?”-Ako

“Pwde bang dyan ako sumabay sa coaster nyo” napahawak sya sa batok nya na parang nahihiya. Ang mga kaklase ko at mga players na napakinggan pala ang sinabi na ay naghiyawan. Narinig ko pa na may isang player na nagsabi ng “Dumadamoves na si Captain”. Natawa na lang ako.

The School Owner and The School Basketball PlayerWhere stories live. Discover now