♡ChApTeR~100♡ (SEASON 2 ON GOING)

Magsimula sa umpisa
                                    

Proud ang lahat ng parents namin. May hawak kaming certificate sa kabila naming kamay. May tig iisang medal na kulay ginto ang nakasabit sa leeg namin.

Nakikinig lang kami sa mga sinasabi ng nasa harapan namin pero sadyang wala akong maintindihan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nag tawanan ang mga istudyante kaya naman kumunot ang noo ko.

Sobrang natawa ako ng makita si Simon na naka dapa na. Mukhang nadapa sa hagdan.

Napapahiyang tumayo siya at kumaway pa kaya naman umugong ang tilian.

Hanggang sa makarating na sya dito sa line namin..

"BWAHAHAHAHA!" Napaka lakas tumawa ni Felex kaya naman nag si bungisngisan kami.

"Tsk!" Nailing pa si Simon sabay upo.

"Ano bang ginagawa mo at nadapa ka?" Tanong ni Dianne kay Simon.

"Wala" natatawang sagot ni Simon.

Hindi ko nakita dahil nasa gilid ang hagdan at nasa harapan ang tinitignan ko kanina.

"Kumaway pa Hahaha!" Si Ethan.

"Nakaka hiya kaya" ngumuso si Simon.

"Ang guwapo mo tapos lampa ka?" Pang aasar ni Felex.

"Eh ano ngayun?"

"BWHAHAHAHA!"  Tumawa lang si Felex.

Napapailing nalang ako dahil halatang naaasar si Simon kay Felex.

"May kakausapin lang ako" nag paalam si Mckenzie kaya naman kinunutan ko siya ng noo.

"Sino?" Tanong ko.

"Basta" yun lang ang sagot nya.

"Huy! Saan ka pupunta?!" Tanong ni Sheena.

"Dyan dyan lang" usal ng girlfriend ko at nauna ng maglakad.

"Huy! Yung Yaya mo may lalaki ata Hahaha!" Kinalabit pa ako ng malakas ni Felex.

"Shut up Felex!" Inis na sabi ko dahil mang aasar nanaman yan at maba badtrip nanaman ako. Katabi ko pa naman sya.

"Teka.. kakausapin ko lang si Rafhael dun ah?" Paalam ni Sheena. Tumango naman ang mga katabi ko. Tinuro pa ni Sheena ang nasa harapan kaya naman matapos nyang mag paalam ay umalis na sya.

Hindi ko narin makita kung nasaan si Mckenzie dahil maraming students.

"Teka?. Sina JV yun ah?" Usal ni Xyra at tinuturo nya yung nasa gilid bantang harapan.

"Oo nga" usal ko nalang.

"Teka. Pupuntahan ko lang sabihin ko dito nalang sila umupo"

"Sige sige!" Excited na sabi ni Felex.

Nang makaalis na si Xyra ay nag umpisa ng mag asaran sina Felex at Jack...

"Alam mo? Hindi bagay sayo yang suot mo" nakangising sabi ni Jack.

"Ikaw rin" sagot ni Felex.

Siningkitan sya ng mata ni Jack.

Kamuntikan pang matawa si Felex dahil sa pag pipigil nya na tumawa, dahil asar na si Jack.

"Talaga namang hindi bagay sayo yan! Pa toga toga kapa ang pangit mo rin lang naman" singhal ni Jack.

"Ikaw nga rin eh"

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon