Chap 2

44 2 0
                                    

Chapter Two!!!

"Uy...umiiyak ka?" tanong ko.

Pilit akong kumakalas sa yakap niya pero mas hinihigpitan pa niya ito lalo. Hindi ko naman maipaliwanag ang mararamdaman ko nang marinig ang mahina niyang paghikbi sa balikat ko.

Magi-guilty ba ako? Matutuwa? O masasaktan?

"Darz," hinaplos ko ang kanyang buhok, sinisikap na mapatahan siya. "May problema ba?"

Hindi pa rin siya sumagot kaya ay hindi na ako nagtanong pa. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak ng sobra. Gustuhin ko mang malaman kung ano ang kanyang dahilan pero nanahimik na lang ako.

Nang matahimik siya ay hindi ko inaasahang makakatulugan niya ang pag-iyak. Inayos ko siya sa kama at kinumutan. Lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng kape ko pero natigilan ako nang makita sila mudra at Meg na seryosong nag-uusap sa kusina.

Hindi ko naman mapigilang magtaka nang makita ang paiyak nang mga mata ni Meg samantalang si mudra ay may nang-iintindi na ekspresyon.

Anong meron?

Dahan-dahan akong nagtago sa poste para mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Siguro gano'n na lang muna, Tita?" tuluyan nang nabasag ang boses ni Meg.

"Hindi ko rin alam ang gagawin Megan," mahinahong saad ni mudra.

"Ano pong meron?" Tuluyan na akong pumasok ng kusina at hinarap sila.

Nag-iwas agad ng tingin si Meg at pasimpleng pinunasan ang mga luha samantalang si mudra ay binigyan ako ng pilit na ngiti.

"Ang aga niyong nagising, ah," pangangantsaw ni mudra kaya napangiti ako.

Maga-alas sais pa lang ng umaga! Kadalasan ay alas-syete nagigising si mudra at kami naman ay alas-nuebe na o lagpas pa. Talaga atang nagising kaming lahat ni Darz.

"Nasa taas po si Darz," mahinang sambit ko.

Hindi naman siya nagulat kaya siguro ay nasabi na rin ni Meg.

Umiling si mudra at matunog na bumuntong-hininga. "Kayong mga kabataan talaga, oh. Doon muna kayo at magluluto ako ng breakfast niyo."

Si mudra na nga ang gumawa ng agahan at hindi na kami hinayaang tumulong sa kanya. Nagtimpla na lamang ako ng kape ko bago puntahan si Meg na nasa sala at mukhang malalim pa rin ang iniisip.

"Ok ka lang? Anong meron?" nag-aalalang tanong ko kay Meg. Tumabi ako sa kanya sa couch at tiningnan siya ng mabuti.

"A-ah wala. Nagka-emergency lang kasi sa bahay sa Ilocos," ngiti niya.

"Ayos ba sila Tito, Tita? Sila Clarisse at Muffin?" tukoy ko sa parents niya at mga kapatid niya na nasa Ilocos.

Sunud-sunod naman ang naging pagtango niya, sinasabing talagang ok lang sila.

"Puntahan mo na lang muna si Darren. Tatawagin ko na lang kayo kung handa na."

"Tulog siya," saad ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin kaya tinanguan ko na lamang.

"Puntahan mo pa rin," ngiti niya at itinulak ako para tumayo.

Sumunod na lang ako. Napatitig agad ako kay Darz na mahimbing na natutulog sa kama nang makapasok ako. Kinuha ko ang swivel chair at nilagay sa tabi niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na kuhanan siya ng picture.

Napangiti ako sa masungit niyang pagmumukha habang tulog. Salubong ang makapal niyang kilay at talaga namang nakanguso pa siya.

"Sana ay ok lang tayo, hmm?" bulong ko tsaka siya hinalikan sa pisngi.

Status: LockdownWhere stories live. Discover now