Chap 16

45 0 0
                                    

Chapter Sixteen!!!

"Hoy! Tumigil ka sabi, eh! Darren Espiritu!" nanggigigil na sigaw ko. Sapat lang din naman para hindi magambala ang buong barangay.

Ang aga-aga naman kasi tapos mambi-bwisit ang lalaking ito!

Ang laki ng bawat hakbang niya kaya kinailangan kong tumakbo ng mabilis at unahan siya bago makapasok sa gate nila at pagsarhan na naman ako.

Ihinarang ko ang katawan ko sa daraanan niya at talagang pati ang dalawang braso ko ay nakataas sa magkabilaang side habang hinihingal pa ako. Sumilay naman kaagad ang mapang-asar niyang ekspresyon kaya mas lalong nakakainis.

"Ang cute mo pero nakakainis ka pa rin kaya pwedeng umalis ka diyan kung ayaw mong—"

"Ano?" hamon ko kaagad. "Banggain ako?"

"H-hindi! Kung ayaw mong b-bawiin ko 'yang macaroons mo."

May gano'n? Ibibigay tapos babawiin? Tsk.

Inabot ko sa kanya 'yong binigay niya. "E'di kunin mo!" Pero huwag.

Hindi niya pinansin ang isinasauli ko at bumalik na naman ang pagkainis niya. "Alis na nga kasi, Unique."

Pinilit niya akong hawiin sa dinadaanan niya kaso nagmatigas ako at hindi siya pinayagan. Binababa niya ang magkabilaang braso ko o 'di kaya naman ay kikilitiin ako pero hindi siya nagwawagi. Kahit na lumusot siya sa mga spaces na pwede ay hinaharangan ko kaagad.

Naiinis niyang sinuklay ang buhok at napaatras. "Unique naman eh! Kung tungkol 'to kay Zero, ayaw ko pa ring sabihin kahit anong gawin mo. Ang kulit mo."

"Magsorry ka sa'kin," pagseseryoso ko. Kumunot naman ang noo niya. "Magsorry ka sa pagsisinungaling mo sa'kin at papatawarin din kita. Magiging goods na rin tayo, magiging ok ako. Magsorry ka lang."

"Kusa akong magso-sorry sa'yo. Huwag kang demanding." Halos walang ekspresyon na sumbat niya.

Napaiwas kaagad ako ng tingin at parang bigla akong nawalan ng gana sa sinabi niya. Narinig ko naman ang malakas na pagbuga niya ng hangin. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko kaya mapait akong napangiti bago siya tiningnan muli. Kaso napasimangot na lang ako lalo nang lumapit siya at guluhin ang buhok ko.

"Huwag ka nang magalit at magtampo. Huwag mo rin muna siyang isipin. Birthday mo ngayon kaya magfocus ka sa sarili mo," ngiti niya tsaka ako binigyan ng malakas na kurot sa pisngi bago siya kumaripas paloob ng bahay nila.

Sino ba namang hindi maiinis?! Ang sakit ng ginawa niya.

Pero napaisip rin naman ako sa sinabi niya at tama siya. Kaarawan ko ngayon pero nauuna na naman kasi ang drama kaya bago ang maliit na salo-salo mamayang tanghali ay gusto kong gawin ang lahat para sa sarili ko sa espesyal na araw na ito.

Nakatanggap ako ng ilang notifications, messages, at tawag mula sa mga kaklase at kapamilya ko para batiin ako. Nakipag-video call naman ako sa mga kaibigan na kung saan ay wala si Frances pero buti na lang ay meron si Mika na kung titingnan ay glowing at maaliwalas ang mukha. Walang-sawang tawanan at kwentuhan din ang ginawa namin dahil hindi ata sila makakarating sa handaan. Hindi ko naman inaasahan na makakatanggap ng bati mula kay Archie, ang kaibigan ni Darz, tapos ay nagsorry din siya sa'kin.

"Sinama ba naman ako sa plano. Gago talaga 'yang ex mo. Gusto kang magalit sa kanya, eh kahit naman wala ako ay kaya ka pa rin niyang galitin," halakhak niya.

Natawa na lang din ako kasi nga naman totoo. Noon pa lang ay may kakayahan na siyang bigla na lang akong gagalitin kahit wala siyang masyadong nagagawa. Pero charot lang, paiba-ibang vibes ko lang din siguro 'yon.

Status: LockdownUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum