Chap 19

22 0 0
                                    

"Woi! Isa ka raw na tahanan, Unique Paasa!"

'Yan agad ang bungad ni Frances nang sagutin ko ang video call request niya sa GC namin pagkatapos akong i-mention nang ilang beses para sagutin siya.

"Ano meron?" halos sabay-sabay na tanong ng mga ibang kapapasok lang.

"Ha?" Ako na hindi maintindihan sinasabi ni Frances.

"Hakdog. Joke. Anyway. Nakita mo story ni Zero sa insta?"

"Asan?"

"Sa instagram story niya nga!"

"Aah . . ."

"Naks, Unique," komento ni Harley na kaagad ishinare ang screen niya. Kita naman doon ang story ni Zero na picture ng kalsada na nilakaran namin ni pauwi ni Grey galing sa ihawan. At nahagip nga ako ng camera niya doon.

— HOME 🏡

'Yan din ang nakalagay doon na parang nakaturo sa'kin.

"Hindi ko pa siya fina-follow diyan, eh."

@hizer0l

'Yan ang nakalagay na username niya sa pinapakita ni Harley. At parang ako lang ata talaga ang hindi naka-follow sa kanya dahil nang tingnan ko ang profile account niya ay naka-follow halos lahat ng kaibigan ko sa kanya. Pati kapatid ko . . . at pati si mudra?!

Nice. Excluded na naman ako.

"Hala siya. For the first time ever since, ikaw ata ang unang story ng itlog na 'to," daldal pa ni Frances habang 'yung iba ay patuloy na nanunukso.

"Gaga, pag-uwi niya 'yang pinost diyan. Nakaharang lang ako."

Eh, parang kalahating side view ko lang naman kasi ang kita doon. Literal na parang nahagip lang ako ng camera niya.

"Kasama ka pa rin. Pinili niya pa ring i-post."

Ok.

Hindi na ako nakipag-argue pa sa kanila kasi kung ano ang gusto nilang interpretation sa sitwasyon na 'yun ay 'yun din naman ang paniniwalaan nila. Agad din akong nagleave dahil mas dumami ang tanong nila nang makita ang story ni Darz kasama si Zero sa celebration dito, at oo, kita rin ako sa background nila. Walang katapusang mention sa'kin sa GC ang naganap kaya napa-mute ako sa kanila.

Hindi ko pa kayang magkwento kahit kanino. Ni hindi ko pa nga napa-process ang katotohanang nakita at naka-usap ko ng personalan si itlog after almost 2 years. Kung pupwede lang ay tititigan ko siya ng matagal hanggang sa mag sink in sa'kin na meron nga siya. Kaso after ng interaction namin kanina ay iniwasan ko na siya.

"Woi, Unique. Pansinin mo raw sila Megan at Frances."

Napatingin ako kay Darren na palabas na ng bahay na may hawak na tray at nakatingala sa pwesto ko sa hagdan. Hindi ko man lang napansin na meron siya.

"Wala rin akong masasabi sa kanila."

"Tungkol kay Ze?"

Tumango lamang ako at siya naman ay nagpaalam na bago tuluyang lumabas ng bahay. Wala pang ilang minuto ay bumukas ulit 'yung pintuan tapos sumilip si Darren.

"Nasa amin siya." Tinitigan ko lang siya na mukhang kinakabahan. "Kung gusto mo lang naman."

"Baka kung may free time na ako. Huwag muna ngayon."

Hindi ko pa pala kaya.

Alam ko namang palagi akong ganito pagdating kay Zero. Sa una, atat na atat akong makita siya, tipong ako pa ang gagawa ng paraan. Pero kung nandiyan na 'yung katotohanang, nasa harap ko na siya't lahat lahat, umaatras ako. Nakakaduwag. Nakakainis sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Status: LockdownWhere stories live. Discover now