Chapter 19: Dreaming

Start from the beginning
                                    

"Araaay ---bakit mo ako sinipa?"

"Gago, anong ginagawa ko dito ---sa kwarto mo?"

Tumayo muna ito mula sa pagkakahulog sa kama at tiningnan siya ng masama. "Ano sa tingin mo? Malamang natulog."

"Natulog lang?" Hinawakan niya ang katawan niya, may suot pa naman siyang damit. "W-walang nangyari sa ..atin?"

"Baliw ka ba? May taste naman ako."

Insulto ba yon?

"Yeah right, pareho nga kayo ng taste ng kapatid mo, diba?"

Burn. Natigilan ito sa sinabi niya kaya napahalakhak siya ng bongga. Ah, pikon!

Binato siya nito ng unan kaya napahiga ulit siya sa kama. Watdaef? Bumawi naman siya at binato niya din si Franco kaya ang ending ...pillow fight.

"Ano maghaharutan lang kayo diyan?"

Sabay silang napatingin kay Spade na halatang wala sa mood at kay Riva na mukhang ready to go na.

"Mukhang may nagseselos," bulong ni Franco bago pumasok sa cr at naligo.

Matagal ang naging biyahe, bukod sa malayo, grabe ang traffic. As in. Pero sulit naman dahil sa ganda ng view ng taal volcano. Nakakawala ng stress.

"Mamaya ka na mag sightseeing, mag check-in muna tayo." said Franco.

Pansin niya na siya lang ang wala masyadong bitbit na gamit. Phone lang saka purse. Yung couple, parehong naka-maleta. Si Franco naman, naka-backpack. Yung totoo, ilang araw ba sila mawawala?

"For three days and two nights po? Okay. Room 709. Eto po ang susi." nakangiting sabi ng receptionist.

Her eyes widened as she look at Franco. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Baka kasi magbago isip mo, edi magiging third wheel na naman ako."

Oh, fudge. 3 days and 2 nights?! Watdaef?!

'Medyo' nawala ang inis niya kay Franco nang makita ang loob ng hotel room na tutuluyan nila. Pagkapasok, kita agad ang overlooking view ng taal dahil sa glass wall. May tatlong bedrooms, sofa set at kitchen.

Wow. Mukhang masusulit niya naman pala ang three days at two nights.

"We already made a reservation for our lunch," Riva said. "Walking distance lang naman yon dito then after when can start roaming around na."

She just smile and nodded. Being close with those couple made her think na mukhang magiging isang malaking torture ang three days niya.

"Okay ka lang?"

Napatingin siya kay Franco na nakasuot na ngayon ng jacket. "Mukha ba akong hindi okay?"

"Hanggang ngayon indenial ka pa din?"

"Hanggang ngayon epal ka pa din?"

Natawa ito. "Consistent ka talaga sa kasungitan mo."

She just rolled her eyes. Maya-maya lumabas na din si Riva sa kwarto kasunod si Spade. Nagpalit lang din sila ng damit.

"Oh Naveen, you're not going to change?"

"Hindi, wala kasi akong dalang extra na damit." Tiningnan niya ang suot niyang black hoody at pants. "Saka okay na ako dito."

"Nah-uh, I'll let you borrow my clothes nalang." Hinila siya nito papunta sa kwarto nila. "You should wear something light, like this one."

In the end, wala siyang nagawa kundi magpalit. Fitted na sando, high-waisted shorts with a cardigan on top. Puro pastel ang shades. Pati sneakers niya hindi pinalagpas at pinalitan ng 3 inches sandals.

Chasing Dreams, Chasing YouWhere stories live. Discover now