Chapter 9: Awkward

23 6 0
                                    

Chapter 9: Awkward

If given her a chance, Naveen would undo the things she said thirty minutes ago.

Sa dami ng pwede niyang dahilan, bakit ba yon pa ang naisip niya?

Ayaw niya talaga umattend ng meeting pero dahil hindi niya magawang bawiin ang sinabi niya, eto siya ngayon, nakaupo sa bandang likod at iniintay matapos ang napaka-engaging at interesting na meeting nila.

"Who wants to join the ball games? Anyone?"

Some of her schoolmates raised their hand while Naveen did not bother to move. There is no way she would join on any of those silly contest. Hindi siya sporty na tao saka sa tingin niya, wala din namang may gusto na makalaro siya. Isa pa, baka isipin lang ng iba na ginagamit niya na naman ang connection niya.

"Friend!" Spade poked her. "Sali tayo sa Ms. & Mr. Tharos."

"Di kita friend."

"Hmp! Ang in denial mo talaga, friend. Dali na, sali na tayo."

Naveen gave him a bored look. "Kung gusto mo sumali, wag mo ako idamay."

"Pero perfect tandem tayo, partner. Sayang naman."

Perfect what? Ayaw niya nga na mapunta sa kanya ang kahit katiting na spotlight tapos aayain siya nitong sumali sa pageant.

"Ayoko." Naveen ended the conversation. "Saka fyi, hindi ako in denial."

Binalik na niya ang tingin sa harap. Mukhang tapos na sila sa paglilista ng players.

"Those who are not going to play, perform and participate, kindly stand up."

Ang dami ng student sa CBA department pero iilan lang silang tumayo. Nasa bente lang siguro o baka nga wala pa.

"Dahil wala naman kayong sasalihan na kahit ano, you are required to do the props. Secretary? List down their names para walang makatakas."

If Naveen could really undo the things, hindi talaga siya aattend ng meeting. Kung ayaw niya magparticipate, what more sa paggawa ng props?

After eternity of discussing their supposedly activities during the entire University Week, Naveen went out.

"Friend!"

"Hindi nga kita friend."

"Awtsu. Uuwi ka na?"

"Obvious ba?"

"Wag muna."

Naveen turned to him. Bakit ba ang kulit ng isang to? "At bakit naman?"

"Tambay muna tayo."

"Ayoko."

She was about to leave when his phone buzzed and as he checked it, his expression changed. Nagbago na naman ang aura nito at bumalik na naman ang magkakahalong emosyon sa mata niya.

If Naveen don't usually care on people around her then she should not care about that guy too. Hindi niya na dapat isipin kung anong dahilan ng pagbabago ng mood nito. Hindi niya na ito dapat kilalanin pa. Hindi dapat. Hindi tama.

But her curiousity betrayed her. "Sino yan?"

"Yung babae kanina, si R-riva. Tinatanong lang kung free ako ngayon."

Bakit ba kasi nagtanong pa siya?

Naveen should be thankful that Riva texted him, pero bakit hindi yon ang nararamdaman niya? Bakit?!

Chasing Dreams, Chasing YouWhere stories live. Discover now