Chapter 17: Twist

16 6 0
                                    

Chapter 17: Twist

The unfamiliar feeling of jealousy and insecurity was not a good feeling at all. Really.

She never felt insecure before. Never in her life. Ngayon lang. Kay Riva lang. And that feeling was slowy taking her confidence off.

Naveen was in the midst of confusion and seeing them clinging onto each other made her entertain the idea na baka nga nagseselos siya.

Pero bakit? Walang siyang dahilan. Wala siyang karapatan.

"You two ...look good together." Riva teasingly smiled. "Bagay kayo. Why don't you start dating?"

Muntik niya na maibuga ang iniinom na tubig sa sinabi nito. "D-date?"

"Yeah, dating is fun so why don't you guys try it? Wala namang mawawala."

Naveen shot glance at Franco. Naiiling lang ito at natatawa habang tuloy pa din sa pagrereview. Mukhang sanay na sa pangungulit ni Riva.

"Come on babe, mukhang busy sila." Hinawakan nito sa braso si Riva at inalalayan tumayo kahit kaya niya naman tumayo mag-isa. Teka, bakit parang ang bitter niya? "Baka nakakaistorbo tayo."

At ayon, umalis nga sila. Nakasimangot na tinuloy niya nalang ang ginagawa niya. 3 more activities left!

"Hindi pala nagseselos ha." Franco broke the silence.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Bully ka."

"Uy hindi dineny!" Lalong lumawak ang ngiti nito.

"Leche ka."

"Uy pikon!"

"Gago." Kinuha niya yong calcu sa mesa at ibinato kay Franco na agad din naman nitong nasalo. "Tigilan mo nga ako."

"Masyado ka kasing halata." Inikot-ikot nito ang calcu sa kamay niya. "Yung mga tingin mo kanina, halatang nagseselos ka ---oh wag mo na ideny."

Naveen gulped. Halata na ba talaga? "H-hindi kaya."

"In denial."

"Hindi naman kasi talaga."

"Okay, kunwari naniniwala ako."

"Okay." Naveen made face while mocking him. "Kunwari may pake ako kung naniniwala ka."

Para silang bata. Binelatan pa siya nito bago bumalik sa pagrereview. Binato niya naman ito ng scratch paper bago tinuloy ang pagsasagot ng seatworks.

"Paano ba pumili dito?" tanong niya at itinapat kay Franco ang libro. "Nakakalito kasi."

Tiningnan nito ang illus pagkatapos ay may sinulat sa sticky note. "Ganito lang yan Ms. In denial---"

"Alam mo, leche ka."

Ngumiti ito ng pang-asar. "Alam ko."

"Wag na nga lang." Hinila niya pabalik yung libro pero hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kabilang dulo.

Letting out a long sigh with matching rolling eyes pa, Naveen leaned closer. Pero dahil ang laki ng mesa, halos kalahati ng katawan niya nakapatong don. People might get the wrong idea if they will see them or her in that position.

"Diba ang sabi ko, tandaan mo lagi ang rules para hindi ka malito."

"Oo nga pero hindi naman kasi yan simpleng entry." Naveen explained habang tinuturo ang problem 30-45. "Nalilito ako kung 20,000 or none. Kasi diba kapag amortized cost, wala namang gain or loss."

Chasing Dreams, Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon