♡ChApTeR~ 94♡ (He Like Her?)

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang umaga. Nagising amg diwa ko at nag mulat ng dahan dahan ang mata ko. Pero ganun nalang ang gulat ko ng makita si Jack na nakangiting nakatingin saaken na para bang buong gabi akong tinitigan. Napaigtad ako sa gulat at napa atras.  Lumapit sya at hinalikan ang ilong ko.

"Good Morning My Baby" nakangiting sabi nya.

"Mmm" tumango ako at ngumiti. Ginawaran ko siya ng marahang halik bago ako tumayo. "Kanina kapa gising?" Tanong ko.

"Yeah" mayabang na sagot nya.

Tsk! Mukha talagang ulul tung boyfriend ko promise!

Napailing ako at pumunta sa banyo para mag sipilyo. Pag ka tapos kung mag hilamos ay lumabas na ako. Pero ganun nanaman ang gulat ko ng makita si Jack na nakasandal sa pader at naka cross arm at deretsang nakatingin saaken. Napahawak ako sa dibdib sa gulat.

"Ano bang problema mo at kanina kapa nang gugulat?" Mariing tanong ko..

"Nothing" nakangisi nyang sabi.

Lumabas nalang ako at naka sunod nanaman sya.

Ngingisi ngisi pa syang pindutin yung elevator.

Bakit kaya kanina pa siya naka ngiti?

Hanggang sa makababa ito ay naka ngiti paren sya.

Nang bumukas ito ay bumungad saamin sina Alexa at Khimberly. Tulog naman si Zelle sa mahabang sofa. Sunod na bumukas ang elevator ng mag lakad kami at iniluwal sina Simon at Dianne. Sumunod pang oras ay si Ethan na anfg lumabas kasunod si Felex.

Wala sina Tasia at Finley dahil Day off daw nila sabi ni Sean.

"Good morning! Philippines!!" Malakas na sigaw ni Felex. Na uunat unat pa.

"Nag sipilyo kana ba?" Nang aasar na sabi ni Etha.

"Bakit ? Kailangan ba yun?" Nakangiwing sagot ni Felex.

"Yak!" Nandidiring sabi ni Simon.

"Grabi!!! Kagabi nag toothbrush ako!"

"Eh ngayun?" Tanong naman ni Jack.

"Syempre.. hindi pa. Mamaya na" dumetso sa kusin si Felex at kumuha ng tubig at ininom yun.

Lumabas naman si Xyra at Sheena.

"Good Morning" nakangiti nilang sabay na bati.

"Morning" nakangiting bati ko dahil ako ang una nilang tinignan.

"Tulog  pa yan?" Turo ni Ethan kay Zelle.

"Gising ako" nagulat pa ako ng magsalita si Zelle na nakapikit. Bago nag mulat ng mata habang naka cross arm na umupo sa sofa. Tumabi naman sina Xyra at Sheena sa kanya.

Lumingon naman ako kina Dianne at Simon. Pinupunasan ni Dianne yung salamin ni Simon. Napangiti ako dahil ang cute nilang tignan.

"Nagugutom na ako" naka ngusong sambit ni Felex.

"Tsk! Lagi ka nalang gutom" angil ni Sheena.

Inismaran lang sya ni Felex.

Lumipas ang alas diyes pero walang bumababang Sean at Mckenzie.

"Tsk! Naiinis na ako!... puntahan kaya natin sina Sean sa taas?" Si Felex.

"Hayaan mo na ano kaba. Mag order na lang kayo" Sambit ni Sheena.

"Alas diyes na kaya wag kang epal" ani Felex.

Epal daw?

"Tsk! Oo na tara na gisingin na natin" sabat ni Dianne.

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now