Midnight Sky

22 1 0
                                        

Abala ako sa pag-aayos nang mga gamit na dadalhin ko. It's a summer season at walang pasok. It means, I have a lot of time for vacation.

"anak, naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni mommy.

"ah yes mom, tapos na." sagot ko sa kanya at sinara na ang maleta ko.

"tara na?" nakangiting tanong ni mommy sa akin.

Alam kong excited na siyang umuwi ng province. It's been 6 years after all, simula ng pumunta ako nang Romblon. Siguro marami na ang nagbago doon.

"Haha okay mom, I know you're too excited." sabi ko sa kanya.

"of course! I can't wait to feel and breath the fresh air of Romblon." natatawang sagot ni mommy.

"Hintayin nakita sa baba ah," paalam ni mommy bago lumabas ng kwarto.

Kinuha ko na ang maleta at backpack ko. Palabas na sana ako ng maalala ko yung earphones ko na naiwan ko pala sa study table, binalikan ko ito ng mapansin ang picture na kuha ko sa tabing dagat ng romblon.

Makikita rito ang napakagandang tanawin, na mas lalong pinaganda nang sobrang linaw na dagat. Soon.. Kinuha ko na ang earphones ko at agad na bumaba.

"nak! halika na, lagay mo na gamit mo doon sa likod. Bilisan mo at baka mahuli tayo sa flight." sabi ni mommy.

Agad kong nilagay ang mga gamit ko at sumakay na ng van. Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa airport.

- ☆ -

Nagising ako ng may tumatapik sa akin.

" nak! huy! Ivan," pang-gigising sakin ni mommy.

"hmmm~..." tanging sagot ko sa kanya.

" huy nako'ng bata ka! bababa na tayo, baka gusto mong maiwan dito sa eroplano?" inis na tanong ni mommy na nag pa gising sa akin.

"ayan, gigising ka din pala. Kunin mo na mga gamit mo, bababa na tayo" sabi niya at nauna ng bumaba.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya. Pagkababa namin ng eroplano ay sumakay na kami ng van na na-book ni mommy papunta ng pantalan patungo na sa isla.

~ ☆ ~

Hayss sa wakas at nakarating narin kami. Ganun parin ang bahay ni lolo walang pinagbago.

Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa tapat ng bahay at nag paalam kay mommy na maglilibot muna ako.

Habang nag-iikot ako sa paligid ng bahay ay nakita ko si lolo nakaupo sa garden niya. Pagpasok ko ng garden ay agad akong napansin ni lolo.

"Apo! andito na pala kayo," masayang bati ni lolo sakin. Agad akong lumapit at niyakap siya.

"I miss you po lo. Kamusta naman po kayo dito?" tanong ko sakanya.

"Ok lang ako apo. nasaan pala ang mommy mo?" biglang tanong ni lolo saakin kasabay naman ng pagdating ni mommy.

"Papa! I miss you!" naiiyak na niyakap ni mommy si lolo.

"Apo, gusto mo bang mamasyal muna? Mag kukwentuhan lang kami ng mommy mo." sabi naman ni lolo.

"sige po Lo." sagot ko naman at naglibot-libot narin.

Habang naglalakad ako ay naririnig ko na ang hampas nang alon sa dagat. Agad akong tumungo doon, sobrang ganda at sobrang linis parin ng dagat.

Nilabas ko na ang phone ko to take some photos. I was busy taking photos ng mapansin kong may taong nakaupo sa dalampasigan.

The last time I remember si Lolo ang may bahay dito na malapit sa dagat.
May resort na ba dito? Agad ko naman nilibot nang tingin ang lugar, then I saw a big house malapit lang din sa bahay ni Lolo.

Midnight SkyWhere stories live. Discover now