39. Flicker

5.3K 369 26
                                    

Kusang humiwalay si Chase nang maramdaman at marinig namin ang tila sunod-sunod na pagsabog sa kalangitan.

It's like random lightning on the dark mantle of clouds are trying to pierce through its every surface. Tiny vortices surrounded by lightning to be precise. One vortex from a corner with dark purple and blue hues then another like fireworks are on a display.

"Oh gosh, Stella. D--did you kiss?" mahinang tanong ni Myra. Halos idikit na nito ang bibig sa aking tainga. "Ang hot naman kasi talaga ni Chase tapos sobramg lamig."

Tumango ako habang nakatanaw sa mga kaganapan sa kalangitan.

"A kiss that launched a thousand dark vortexes! Mukhang naramdaman nila tayo!" mahina at kontrolado pa ring usal ng kaibigan ko habang pinagmamasdan ang tila isa-isang pagguhit ng mga itim na pwersa sa kalangitan. "They're here!"

"Chase, what did you do?" galit na galit na usisa ni Isabel. She immediately loads her bolt action rifle. Tiny shreds of light surrounds the surface of her gun. I have seen how her rifle works. Mukhang seryoso nga ang kaganapan.

We messed up.

With a single kiss.

"We kiss! Okay? We kissed!" malakas na untag ni Chase. Walang tono mg pagsisisi mula sa lalaki.

"I'm sorry," mahina kong sambit.

"No, Stella. It's fine. Nobody should feel sorry for following their heart's desire," muling bulong ni Myra na napahigpit ang kapit sa aking braso.

"Holy vortices! It's like an army is sent down to hunt us!" bulalas ni Oswin.

Lahat kami'y nakatunghay sa isa-isang pagguhit ng mga mumunting liwanag sa kalangitan na tila bawat guhit o vortex ay may lumalabas na mga magkahalong itim at pulang usok na tila mga sugo ng kadiliman.

"Chase naman kasi!" reklamo ni Mira na tila nabitin ang pamamahinga, "di makapagpigil?" Saka ako nito inirapan ng matindi.

"What do we do now?" Myra asks.

"I'll cast a spell whether you like it or n--"

"No, sis. It's too early for a spell. They'll find us easily. For sure they have no clue yet where they can exactly locate us," seryosong sambit ni Fina. Sa reaksyon nito'y tila malala na nga ang sitwasyon.

Dumagundong ang dibdib ko habang nakatunghay sa mga guhit na sumusulpot sa itim na kalangitan. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso. Pero nagulat ako nang may marinig akong mga bulong sa buong pailid.

Tinatawag nila ang pangalan ko. Naalala ko ang pagtawag saakin ni Sandro noong nakaengkwentro namin ito sa Mt. Noah. It feels like hundreds of Sandro are sent down to whisper my name and make me feel nauseas.

"Stella..." paulit-ulit na mga bulong sa hangin mula sa iba't ibang direksyon ng kagubatan. Evil whispers echoing everywhere.

Habang nadaragdagan ang mga lumalabas na itim na pwersa sa kalangitan ay mas lalong lumalakas at dumadami ang pagbulong. Tinatawag nila ako. Nahihilo ako at naduduwal. Parang umiikot ang mundo ko.

Napatakip ako ng tainga. Parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit dahil sa paulit-ulit na pagtawag mula sa mga dark forces. Napaawang ako at kaagad iyon napansin ni Chase. Halos matumba ako sa kinatatayuan pero nasalo ako ng lalaki.

Dahilan para muli kaming magliwanag.

Sabay-sabay napamura ang mga kasama namin maliban kay Myra.

"Chase! Bitiwan mo siya!" awtomatikong sambit ni Myra na nagawang itulak ang lalaki upang matigil ang pagliliwanag ng aming katawan. Inalalayan ako ng babae at binuhat kahit na mas maliit ang katawn nito sakin.

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon