33. Held

6.3K 434 28
                                    

Fabian doesn't blink. His gaze, shifting from me to the guy next to me, seems like hard marble slowly breaking into powder. He swallows the lump in his throat and sighs deeply.

Pinutol ang eksenang iyon ng isang malakas na boses babae mula sa likuran ni Fabian, "All deadlocks, follow me!"

Si professor Zoe Glynnie iyon na nakasuot ng mahabang manto na kulay ube. Nakalugay ang lagpas balikat nitong alon-alon na buhok. Mukha itong buhay na manika habang nakasukbit sa kanang tagiliran nito ang isang makapal na libro. Ayon kay Myra, isa siyang purple caster at isa sa pinakamagaling sa purple focus at isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan ni provost Renate.

"Stella!" malakas na tawag saakin ni Myra na nasa likuran lang din pala ni professor Zoe. Nasa tabi nito ang tila tulirong si Oswin.

Napatitig saakin ang lalaki at wala sa sarili ang banayad na pag-iling-iling.

Patuloy sila sa paglalakad hanggang sa matapat ang propesor sa kinatatayuan namin. Nilingon ako nito saka tinaasan ng kanang kilay. Walang bakas ng galak sa mukha nito. A blank stare.

"What's going on?" naibulong ni Chase sa tabi ko. I can sense from his voice the lack of guilt. Just pure probity.

"You," turan ni professor Zoe saakin habang nakaturo ang daliri nito saakin, "you, and you, follow me!"

Tila isang malakas na magneto ng orasyon ang mg salita ng babae na kusang sumunod sina Zeri at Faey. Hindi man ako tinatablan ng orasyon ng professor, ramdam ko naman ang nakaantabay na panganib dahil sa mga kaganapan.

It's real. The fear. It's getting real. So real.

Real.

The events. One after the other, adding fear, confusion, and consternation to all of us who have witnessed it. I can feel it. Slowly penetrating my skin. My flesh down to my fragile bones.

Again.

"Follow her, Stella. I'll check with the provost kung ano ang nangyayari." Mahinahon ang boses ni Chase.

Walang bakas ng ngiti sa mukha ng lalaki. Nakapinta dito ang labis na pag-aalala. Tumango ito ng bahagya para magpaalam.

Napalunok ako nang magdesisyong sumunod kay professor Zoe. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng mga deadlocks na nasa likuran lamang ng huli. Walang imik naming binaybay ang daan.

"Saan tayo dadalhin ng babaeng 'to?" tanong ni Zeri na nasa aking harapan.

"Hindi ko alam," mahina kong usal. Ramdam kong hindi sa library o kahit isa sa mga house camps ang tungo ng daang tinatahak namin. Nalagpasan na rin namin ang function hall at wala nang gusali ang naroon sa pagkakaalam ko. Tanging makapal na palumpong ng mga halaman at isang mataas na lumang brick wall ang naroon.

"P-professor Zoe, saan niyo kami dadalhin?" Myra braves to ask.

"Silere omnia!" Hindi kasagutan sa katanungan ang namutawi sa mga labi ng propesor bagkus ay isang spell na nagawang patahimikin kaming lahat. Nagpatuloy ito sa paglalakad na tila walang narinig.

Ilang minuto pa ang inabot namin bago kami tuluyang makarating sa mataas na bricked wall na binalot na rin ng makapal na pulumpong ng wild berries. Tumigil ng bahagya si professor Zoe bago ito muling nagsalita, "Apertum!" Hinawi nito pahalang ang kanang palad at kusang umurong ang mga nakaharang na halaman.

Nagbukas ang isang hugis balag na gawa sa mga sanga at dahon habang ang nga bato sa bricked wall ay umusli sa iba't ibang direksyon upang tuluyang buksan ang lihim na lagusan.

"Move!" Malakas na untag ng babae habang palipat-lipat ang tingin nito saamin naroon.

Naunang naglakad papasok ang iba pang deadlocks kasunod sina Zeri at Faey. Panay ang lunok ko sa aking lalamunan habang pinapasadahan ang bukas na lagusan. nanunuyo na kasi ito sa sobrang kaba. Hindi mapuknat ang malakas na kabog ng dibdib ko habang tinatanaw ang nasa harapan.

Dark MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon