Aangal pa sana siya pero agad siyang natigilan nang makita ang ginagawa ko. I felt my eyes changed.

I felt the warm and familiar feeling in my hands. Unti-unti kong ginamot kahit pa paano ang mga sugat ni August. Umapoy nang kaunti ang braso niya pero hindi siya nakararamdam ng paso o sakit, kabaliktaran ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.

Kahit hindi ko nagawang isara nang tuluyan ang mga sugat niya ay nabawasan ko naman kahit pa paano ang sakit nito at napaliit ko ang pinsala.

Naiwang nakaawang ang mga bibig ng mga kasama ko nang matapos ako sa ginagawa ko. Lahat sila maliban lang kay Law na nakita na ang kakayahan ko.

"W-Woah," namamanghang reaksyon ni Zeldrick.

"Wow! You're amazing Scarlet!" dagdag ni Lemon.

Isang ngiti ang sinagot ko sa kanila at pinatakip ko kay Lemon ang mga sugat ni August na hindi tuluyang nagsara.

"T-Thank you," mahinang sambit ni August na nahihiya akong tapunan ng tingin.

Napabuntong-hininga ako rito at napangiti. Hindi ako sanay na pinasasalamatan ako ni August.

Nagsimula na ulit ang susunod na battle at ilang oras din ang lumipas bago maging isang myembro ulit ng Grim Reapers ang susunod na lalaban.

"Yey! Ako na!" masiglang sambit ni Lemon nang makita ang pangalan nito ang nakalagay sa screen.

Kabaliktaran nito ay hindi ko nagawang makangiti man lang na siya na ang susunod. Isang Deity muli ang kalaban niya.

It's him again... the rookie with the gift of the God of thunder.

Muli kong naalala ang unang laban nito. Baliwala itong nakagawa ng ilang dosenang palaso. Hindi ko magawang kabahan para kay Lemon.

Sa kabilang banda ay parang baliwala lamang kay Lemon ang kalaban niya dahil hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Mas lalo akong nanghina nang makitang si Chelsea lamang ang dala-dala niya papunta sa field.

"L-Lemon, wait-"

Sinubukan kong tawagin si Lemon nang pigilan ako ni Law.

"Oi, oi. Let her be."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"W-What the fuck? Seryoso ka? Sa tingin mo mananalo si Lemon gamit lang ang pusa niya?" giit ko.

Napabuntong-hininga si Law sa sinabi ko at hindi ako sinagot. Napaismid ako sa ginawa nito at tinuon ko na lang ang pansin ko sa field.

Umalingawngaw na ang pito ng announcer at sinimulan na 'kong kabahan. Bumigat bigla ang paghinga ko at nakararamdam ako ng tensyon.

Jeez, bakit si Chelsea pa kasi ang dinala ni Lemon? She can use any other animals for pete's sake!

Tila napansin ni Gin na hindi ako mapakali kaya sinibukan nito akong pakalmahin.

"Relax, Scarlet. She may not look like it but she's still your senior," aniya.

Hindi gumaan ang loob ko sa sinabi niya bagkus ay mas lalo pang kumunot ang noo ko.

"Relax?! She can control any animals! She just can't win using a cat!" giit ko.

Hindi ko na pinansin si Gin at tinuon ko na lang ang tingin ko sa field. Nagsisimula ng maglaban ang dalawa pero ang ikinabahala ko ang unang atake ni Alvis.

Mukhang hindi katulad no'ng nauna niyang laban na pinatagal niya ang balak niya ngayon. It looks like... he'll finish the battle with just one attack.

Alvis made a huge spear made of lightning and pointed it at Lemon. Nanlumo ako nang makitang walang bakas sa mukha ni Alvis na pahihintuin niya ang atake niya.

Isa pa sa ikinaawang ng bibig ko ay hindi man lang gumalaw sa pwesto niya si Lemon. Bagkus ay binitawan lang nito si Chelsea at nakangiting inabangan ang atake ni Alvis.

What the heck?!

Wala sa sarili akong napatayo. Parang bumagal ang oras nang pinakawalan ni Alvis ang sibat papunta kay Lemon. Tanging pagpikit nang mariin ang nagawa ko.

Ilang segundo rin ang tumagal bago ko nagawang imulat ang mga mata ko. Nagkaroon ng sandaling katahimikan—parang walang humihinga sa stadium.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nakatarak sa dibdib ni Lemon ang sibat.

"L-Lemon!" nauutal na sambit ko.

What the fuck?! Akala ko bawal ang pumatay rito?!

Akmang pupunta na 'ko sa field nang pigilan ako ni Law. Agad niyang hinawakan ang braso ko.

"Oi, oi. Hood, chill," walang kaemo-emosyong sambit ng kasama ko.

Napaawang ang bibig k. "A-Anong chill ha?! Hindi mo-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tapunan ko ng tingin si Lemon. Labis akong nagtaka nang makitang tumatayo ito. Hindi ako makapaniwala na may lakas pa siyang tumayo at ni isang dugo ay walang tumutulo sa butas niyang dibdib.

"Woah! That rookie is good! Akalain mong napansin niya na agad ang totoong katauhan ni Lemon?" namamanghang sambit ni Zeldrick.

My forehead furrowed and I gave him a confused look.

Totoong... katauhan?

"Lemon is not an heiress of Artemis," sambit ni Gin habang nakatingin sa field.

"Her gift is not controlling any animals that she touched," dagdag niya.

"She likes pranking new comers using her gift. In short, you've been fooled," kumento ni Law.

Prenteng sumandal sa upuan si Gin, hindi nawawala ang tingin sa laban. "Lemon is not a girl that likes sweets and playing dolls."

"She sold her body to the demons in exchange for revenge."

"Lemon Kievah Charlotte is a cat that controls human puppets."

Lunar Academy: School For The HuntersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ