CHAPTER 29

440 22 64
                                    

 WARNING: SLIGHTLY MATURE CONTENT.

Silver was helping me to put on my life jacket. Yung mga ibang kasama naman namin ay ganun din ang ginagawa habang yung tour guide ay nagsasalita sa harapan. 

Ngayon ay pupunta kami sa Underground River na sa tv ko lang always napapanood. Si Silver naman ay di na daw excited kasi nakapunta na daw siya dito noon with his parents.

"Paalala lang po ulit, wag pong ibubuka ang bibig pag nasa loob ng kweba. Madaming paniki kaya pwede po kayong maihian at baka maging kubeta pa ang mga bibig niyo." 

Tumango kami lahat sa paalala nung tour guide at isa-isa na kaming sumakay sa bangka. Magkatabi kami ni Silver na may hawak na DSLR. 

Simula nung dumating kami dito sa Palawan ay palagi niyang dala ang DLSR niya. 

"Ba't mo ba palaging dala yan?" Tanong ko sa kanya.

"To capture our special moments together." He said with a wink. 

Narinig ko pang paimpit na tumili ang dalawang babae sa likod na mukhang narinig ang sinabi ni Silver. 

I rolled my eyes. Ako lang dapat kiligin eh!

Habang papasok kami sa kuweba ay panay ang picture ni Silver. Nahihiya na nga ako sa ibang kasama namin dahil pinagtitinginan na kami dalawa. 

"Babe, you pose like you are enchanted by the beauty of nature. Candid style." 

Katulad ng ganyan, kanina pa niya ako pinapa-pose. Nahihiyang ngumiti ako sa mga kasama namin at hinampas si Silver.

"Mamaya na yan! Nakakahiya kaya. Pinagtitinginan na tayo, lakas pa naman ng boses mo." 

Napakamot nalang siya sa ulo niya at di na ako kinausap dahil nasa loob na kami ng kweba. 

Katulad nga ng naririnig ko sa tv, madaming imahe ang makikita mo sa loob. You just need to visualize and widen your imagination.

Nakangiting tinignan ko si Silver na ngayon ay nakatingin din sa akin. I am so thankful that he's with me to watch this beautiful scenery.

Lumapit sa akin si Silver at pinagsiklop ang kamay namin. He covered his mouth with his hand and speak.

"You see that image right there?" He whispered while pointing somewhere.

Tinignan ko naman ang itinuro niya at tumango. "Yeah. Why?" I asked him while also covering my mouth.

"That's a Cathedral. There's a belief that if two couples will wish together infront of the Cathedral. Their wishes will be granted. Some even says that the couple will never break apart." 

Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Really? Gusto mo gawin natin yun?" I told him excitedly.

Natawa naman siya sa reaction ko. "Sure, babe. Let's do it." 

Hinintay muna namin na madaanan ang Cathedral bago kami pumikit at humiling.

"Kung totoo man ang kwento ni Silver. Gusto ko sanang magpasalamat dahil binigay niyo siya sa akin. Hiling ko sana ay gabayan niyo kami dalawa. Bless our relationship and if ever the two of us got lost in our journey, please find a way and let us find each other again. Thank you." 

*****

"One, two, three and smile! Pose another one!" 

Nag change kami ng pose ni Silver. Naka-akbay na siya sa akin habang ako naman ay nakayakap sa bewang niya. 

Nag-smile naman ang amerikanang babae na nag picture sa amin. Naglalakad lang kasi kami ni Silver nang maisipan niyang mag picture kami and he randomly looked for a person na pwedeng mag-picture sa amin. Timing naman na dumaan ang babae. 

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon