CHAPTER 17

368 25 45
                                    

"Three points for Montenegro!"

"WAAAAHHHHHH!!!!!!"

"GO MONTENEGROOOOO!!!!"

"GO BEBE SILVEEEEER!!"

"GO USTTTTTT!!!"

Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw dito sa loob ng gym nang makapag-three points shot ulit si Silver sa limang pagkakataon.

Kahit ako man ay nakatayo na at nagtitili. Alam kong magaling maglaro si Silver kaya siya naging Team Captain, pero di ko naman inaasahan na ganito siya kagaling at halos lampasuhin niya na sa loob ng court ang mga taga ADMU.

"Kyaaaaah!!! Go Silveeeerrrrrr!!!" At halos mamaos na din si Jen kakasigaw sa tabi ko. 

Tinignan ko ulit ang score-board, 92-101, in favor of Silver's team.

Nag time-out muna ang game, readying for the 4th/last quarter.

Tumakbo papalapit si Silver sa mga teammate niya na nasa baba lang namin. Eto naman kasing si Silver, binigyan kami ng upuan pero nasa harapan talaga. Sa sobrang lapit, halos nakikita ko mga pawis nila mula sa noo pababa sa katawan nila. 

"Bes, ba't di mo pa pinapakita tarpaulin mo? Last quarter na oh!" 

Tinignan ko ang tarpaulin na nasa upuan ko lang, nahihiya akong ipakita to. Pero sayang naman kasi pinagpuyatan ko to.

"Sa tingin mo, Jen, okay lang kaya kay Silver pag nabasa niya yung nakasulat?" Nakakamot sa ulo kong tanong.

Hinampas nama  ako mg mahina ni Jen sa balikat at nag roll eyes. "Oo naman bes noh! Ako kaya ang naka-isip sa sinulat mo kaya malamang masisiyahan si Silver pag nakita yan!" 

Yun na nga eh. Si Jen ang nagpumilit sa isusulat ko sa tarpaulin kaya mas lalo akong nagdadalawang-isip kung tama ba na sinunod ko siya.

Di ko na sinagot si Jen at tumingin na kina Silver na seryosong-seryosong nakikipag-usap sa mga teammate niya. Halos isa-isa niya itong kinakausap sabay turo doon sa court. Parang nagpaplano ata siya. Ang coach nila ay nakikinig at minsan sumasabat habang may hawak na parang board na may nakaguhit na basketball court. 

Napatingin naman ako sa kabilang team, ang mga taga Ateneo. Parehas ni Silver ay busy din kakasalita ang Team Captain nila. Halos klaro na ang ugat niya sa leeg kakasalita. Marahil ay tensed na din siya dahil last quarter na at dehado pa sila.

Napalingon ako kay Jen nang kumalabit ito sa akin at may nginunguso. "Tignan mo bes oh." 

Tinignan ko ang tinuturo niya at nakita ko si Silver na papalapit sa amin. 

Mali…

Sa akin pala.

"Cheer for me on the last quarter, okay?" 

Tumango naman ako. Kahit di niya sabihin, susuportahan ko naman siya.

"Oo naman. Galingan mo ah?" Nakangiti kong sabi sa kanya. 

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, si Jen naman ay halos itulak na ako kay Silver habang nagtitili.

"B-bakit?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. 

Dumukwang siya at hinaplos ang buhok kong nakalugay. Inayos niya ito at nilagay sa likod mg tenga ko. I can hear other people's gasp and whispers. Nagtataka siguro sila kung ba't ganito umakto si Silver sa akin. And not to mention suot ko pa ang isang jersey ni Montenegro.

Namula naman ang mukha ko at nagbaba ng tingin sa hiya. Sa pagkakaalam ko ay may Live sa Facebook ang laro, baka makita pa kami dito. 

"W-what are you doing?" 

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon