CHAPTER 7

426 28 13
                                    

"Are you sure you're okay?"

Napalingon ako kay Silver nang bumulong ito sa tenga ko. I was busy listening to my professor in front.

"H-huh?" Nagulat ako nang paglingon ko, malapit lang pala ang mukha niya sakin. Napaatras tuloy ako ng wala sa oras.

Ba't kinakausap na ako nito ngayon?

"Are they always like that to you?" Seryoso niyang sabi. I can even see his jaw clenching.

"H-hindi naman. K-kanina lang." Nakaka-ilang pala siyang kausap. Lalo na pag malapitan.

He just stared at me for a moment and sighed. Nakita kong napa-iling siya at nakinig na ulit kay prof.

Napalingon ako sa harapan at nakita na nakatingin si Jen sa akin mula sa harapan. Nakangisi ito at may mapaglarong ngiti sa labi. Pabalik-balik pa ang tingin niya sa akin at kay Silver.

"Ano?" Bulong ko sa kanya.

Umiling lang siya at humarap na ulit.

Weird. Bakit ngingisi-ngisi siya eh—

"Ms. Dela Fuente!" Nagulat ako nang biglang sumigaw ang professor namin, napatayo tuloy ako sa gulat.

"P-po?!"

Kanina ba pa niya ako tinatawag?

"Are you listening Ms. Dela Fuente?!" Nakikita kong naniningkit na ang mata ni Prof.

"Y-yes Sir." Tumaas naman ang kilay ni Sir. Mukhang hindi ata naniniwala sa sinabi ko.

"By all means, can you repeat what I've discussed earlier, Ms. Dela Fuente?" Mas lalo akong nataranta.

I gulped.

Hala. Ano bang pinagsasabi ni Sir kanina?!

Mas lalo pa akong kinabahan nang makitang nakatingin na lahat ng mga kaklase ko sa akin, inaabangan ang sasabihin ko.

"A-ahm.. M-marketing is the..."

Shit. Anong kasunod?!

"Yes? Marketing is what, Ms. Dela Fuente?" Naiinip na tanong ni Prof.

"M-arketing is the—"

"Marketing is the activities that are involved in making people aware of a company's products, making sure that the products are available to be bought, etc."

Napalingon kaming lahat kay Silver nang bigla itong tumayo at sinagot ang dapat na sagutin ko.

Nakapamulsa lang ito at seryosong nakatingin kay Prof.

Eh di siya na matalino.

Nakita kong ngumiti si Sir as a sign of admiration and approval of what Silver have said.

"Hmm... What about marketing research, Mr. Montenegro?"

" Marketing research is a research into the means of promoting, selling, and distributing a product or service, Sir."

Tumango-tango naman si Sir, mukhang good mood na ulit.

"Very good, Mr. Montenegro. As expected from you. Take your seat , and you too Dela Fuenta. Stop daydreaming next time."

Tumango lang kami ni Silver at umupo na. First time kong mapahiya sa klase. Di ko tuloy anong mararamdaman ko, mahihiya ba ako sa mga kaklase ko, sa sarili ko, o sa lalaking linigtas na naman ako ulit sa kahihiyan.

"Class dismissed."

Niligpit ko ang nga gamit ko sa bag pagkalabas ng Prof namin. Lumapit naman agad sa akin si Jen at kinurot pa ako sa beywang.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon