Entry#8: Her Guide

231 3 4
                                    

 

"Anong—" Namilog ang mga mata ni Precious nang maramdaman niyang nakahiga siya sa buhanginan. Napabalikwas siya, dala na rin ng pagkataranta. "What happened?"

 Iginala niya ang mga mata sa paligid. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang cabin na pag-aari niya.

"Akala ko ay nawawala na ako. Nakatulog lang pala," sabi niya sa sarili. "Sand in my feet, salt in my hair...kaloka!"

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kanang kamay. Natigilan siya nang mapansin niyang humaba ito. "Bakit kulay itim na ulit ang buhok ko? At bakit parang ang haba?"

Mabilis siyang tumakbo papunta sa cabin. Hindi na niya ininda ang mga buhanging dumikit sa binti niya. Dumiretso si Precious sa banyo, at hinanap niya roon ang paborito niyang salamin. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan nang makita niyang wala roon ang salamin.

Dali-dali siyang lumabas. "Oh my—" Kung ano-anong mura ang lumabas sa bibig ni Precious nang madatnan niyang nakaupo ang isang istranghero sa paborito niyang upuan. "Who the hell are you?"

Maamo ang mga mata ng istrangherong babae. Matangos din ang ilong, at ubod ng ganda. Sa sobrang ganda ng istranghero ay hindi na malaman ni Precious kung sisindakin ba niya ito o kakaibiganin.

"Upo ka muna, A—I mean...Precious," tugon ng babae.

Tumaas ang isang kilay ni Precious. Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa.

"Bakit mo ako kilala?"

Ngumiti lang ang babae, at binaliwala ang tanong niya. "Upo ka na para makapagsimula na tayo."

"Anong sisimulan? Are you crazy? Ni hindi nga kita kilala, e. Anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Paano ka nakapasok?"

 "Ako nga pala si Angela. Ako ang guide mo," sagot ng babae. "Pumirma ka na para hindi na ako magtagal."

"Guide? Pipirma? Ha? Ano? Naguguluhan ako!" reklamo ni Precious.

"Basta pirmahan mo na lang 'to." Inabot sa kanya ng babae ang isang papel na walang kasulat-sulat, at isang kulay pink na ballpen. "Kontrata 'yan," dagdag pa ni Angela.

"Contract? Nothing is writed here. Niloloko mo ba ako?" Ibinalik ni Precious ang papel at ballpen kay Angela. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang inis sa babae. "Saang dimensyon ka ba galing? Umalis ka na nga!"

"Kailangan mong pirmahan ang kontrata, Precious. Mahalaga ang kontratang 'yan."

"Ano bang klaseng kontrata 'to? Tigil-tigilan mo nga akong babae ka! 'Wag mong sabihing nanalo ako ng isang milyon, dahil wala akong sinalihang contest. Isa pa, mas mahal pa sa isang milyon na 'yan ang kaya kong isampal d'yan sa mukha mong trespassing ka. Alis!" taboy ni Precious sa babae.

Hindi pa rin ito natinag. "Sign the contract first."

Ginulo ni Precious ang kanyang buhok. Hinablot niya 'yung papel, at pinilas 'yon sa harap ni Angela. Bahagyang natigilan si Angela. Umawang ang bibig nito at parang hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Happy? Alis na!"

Hindi inasahan ni Precious ang sumunod na nangyari. Naglabas ulit ng papel si Angela galing sa bulsa ng coat niyang kulay puti.

"Pirmahan mo na," mahinang sabi ni Angela kay Precious. Tinitigan ni Precious ang hawak niyang papel, at kulay pink na ballpen. Hinablot ulit ni Precious ang papel, at pinilas 'yon.

"Ano? Ilang bond paper pa ba ang laman ng bulsa mong babae ka? Wala na ba?" tugon ni Precious.

Naglabas ulit ng isa pang papel si Angela. "Hangga't hindi mo pinipirmahan 'yan ay hindi ako aalis."

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESWhere stories live. Discover now