Entry#30: Ang Alamat ng Hintuturo

885 13 4
                                    

Hallu mga kids! Isang bright like a diamond na umaga na naman sa inyong lahat! Gusto n'yo ba ulit makarinig ng story? Hay naku, date check muna tayo . . . ten, sixteen, fifty sixty eight. Okipayn, buti na lang at wala akong date ngayon. Nilimitahan ko na rin kasi ang pagkikipagdate. Yung dating six times a week binawasan ko ng isa, para naman madagdagan ang aking beauty rest. Napakastressful kasi makipagdate buong araw (six times a week) sa labing lima kong manliligaw, and you know, nagsawa na rin kasi ako sa plastic sauce, plastic fries, plastic paties, at plastic pasta ng mga fastfood chain na 'yan. Buti pa noong kapanahunan ng lola ng lola ng lola ng lola ko sa tuhod . . . noong hindi pa uso ang dinner date sa mga fastfood chain, at bago pa maimbento ang mga flying jeepney, blackcherryapple immortal phone, portable aircon, at bago pa maging edible ang plastic. Hindi pa kasi indangered ang mga pigs noon, kaya naman malaya pang nakakakain ng pork ang mga tao. O diva? Sarap talagang magbaliktanaw sa nakaraan 'no, mga kids? And speaking of nakaraan, 'yan ang setting ng story natin ngayon.

Alam n'yo ba kung bakit tig-apat lang ang daliri natin sa magkabilang kamay, samantalang tig-lima naman sa magkabilang paa? At alam n'yo ba kung bakit middle finger ang tawag sa pinakamalaking daliri natin sa kamay samantalang hindi naman ito nasa ginta? Did you kids ever heard of the word 'Hintuturo'? Kung hindi pa, dahil kayo nga'y mga julilit pa, at bagong sibol pa lang sa may edad nang mundong ito, listen up, at ikukwento ko sa inyo ang kwentong pinamagatang 'Ang Alamat ng Hintuturo'!

Long long ago, longer than the talong of Mang Teryong, pagkatapos ng panahon ng mga poging Kano at Hapon, lima pa ang daliri ng tao.  Ang daliring nasa pagitan ng middle finger at thumb ay tinatawag na 'Hintuturo'. Napakaimportante ng daliring ito dahil hindi pa uso noon ang all-purpose remote. Ginagamit itong pampindot sa buton ng elevator, sinaunang elektrikpan, malapad na ilong, at iba pang pwedeng dutdutin. Ginagamit din itong pansundot . . . pansundot sa butas ng ilong, tenga, o sa tirang Nutella sa garapon.  At higit sa lahat, panturo . . . ito talaga ang pinakagamit nito. For example, pineapple, nasa palengke tayo, at hinahanap natin ang tindahan ng talong ni Mang Teryong, and finally nakita mo na ito, ilabas mo lang ang iyong hintuturo at itutok kay Mang Teryong sabay sumigaw, "Hayun ang talong ni Mang Teryong!"

'Yan ang dahilan kung bakit siya tinawag na hintuturo. Ngunit bakit nga ba ito nawala? Ganito kasi 'yon . . .

Noong mga panahong iyon, super hagard na si mother earth dahil sa kagagawan ng madlang pipol. Sirang-sira na ang mundo, at halos mabiyak na ito into thousand pieces. Halos wala nang pinagkaiba ang day and night dahil sa dilim ng kapaligiran na dulot ng makapal na usok (mula sa mga sasakyan at pabrika at iba pa) na namuo na sa kalangitan. Maririnig ang kalam ng sikmura sa bawat tahanan, ng mayaman man o poorita, dahil sa kakapusan ng pagkain. Halos wala nang halaga ang moneykels. Closed na ang halos lahat ng establishments, at wala na ring awtoridad ang echoserang gobyerno. Punong-puno ng karahasan ang mundo. Maririnig mo, every minute, every where ang pagtangis . . . mula man 'yan sa mga gutom na sanggol, o mula sa mga magulang na wala nang mapagpilian, kundi ang gawing pantawid-gutom ang kanilang sanggol.

Samatala, sa isang parte naman ng mundo, nabuo ang isang grupo na kung tawagin ay 'Pag-asa'. Walang itong kinalaman sa mga storm signals at  low pressure area, ang grupong ito ay naglalayong pagkaisahin ang madlang pipol para humingi ng tulong kay Bathala--ang kanilamg Diyos ng paglalang.

Mabilis na lumaganap ang grupo sa buong mundo na para bang gutom na apoy sa gitna ng mga tuyong dayami. Hanggang sa lahat ng party pipol sa kulubot na balat ng lupa ay naging kasapi na nito.

And then, nang dumating ang araw na sa tingin nila'y handa na sila,nagtipon silang lahat para makibahagi sa paggawa ng orasyon, sa pangunguna ni Dante (ang machong-machong papa ko, este, founder ng Pag -asa), para manawagan kay Bathala. Naghanda sila ng very-very-big na palayok, at ang bawat isa ay kailangang maglagay roon ng isang hot malunggay pandesal at one glass of fresh carabao milk. Then, nang mapuno na ang palayok, sinindihan na nila ang gatong, at nang sandaling kumulo na ito,  binigkas nila ang orasyon sa pamgunguna pa rin ng machong si Papa D.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESOù les histoires vivent. Découvrez maintenant