Entry#9: Halimbawa: Precious

250 6 4
                                    

MAKASALANAN ang tao, isip-isip ni Nards nang makauwi. Hinatid niya ang pari sa simbahan pagkatapos ng pamimigay nito ng groceries, dumiretso sa apartment at nang mag-gabi, pumunta sa isang bahay-aliwan.

Nakaupo, naalala niya ang nangyari kanina sa pagpunta nila sa squatter kasama ang pari, nakita niya ang pagkakagulo ng mga naninirahan. Marami ang nag-uunahan para makakuha ng mga supot-supot na groceries. De lata, noodles, ilang kilong bigas ang laman ng plastic at kayamanan na ‘yon para sa mga taga-roon. Kaya nga, siguro, gano’n sila kung magkumahog makauna. Walang pinapasingit, nagbabalyahan, nagmumurahan–walang nagbibigayan.

Makasalanan din ang may katandaang pari na kasama niya, si Father Alfonso, na walang kaalam-alam ang mga mahihirap na sa pag-uwi nito, panay ang mura at panghuhusga sa mahihirap. Mga wala raw moralidad, mga makakasalanan dahil mga patapon ang buhay. Sinubukan niya magsalita, pagsabihan ang pari, pero walang boses na lumabas.

Makasalanan din siya, kanina pinaglalaban niya ang karapatan ng mahihirap sa isipan, pero ngayon, pinaglalaban niya ang tawag ng laman. Ang pandagdag init sa katawan. Ang pampamanhid ng isip para maging bulag pansamantala.

“Me likes you,” rinig niya ang malambing na boses ng babae sa kabilang table.

“Waz your name?”

Tumingin na siya sadayuhan na ka-table ng babae. Dilaw ang buhok nito, matangos ang ilong at maputing-maputi ang kulay. Malayo sa kanyang Pilipinong katangian.

Pesteng mga foreigner! Feeling matataas!

“Precious, me is name,” sabi ng babae na naka-bra’t panty lang. Sa dim na ilaw, kitang-kita pa rin ang hubog ng katawan nito. Matambok ang puwetan, malaki ang hinaharap at maliit ang beywang. “Me thinks we do…” humalinghing ang tawa nito kasama ng himas sa matipunong dibdib ng lalaki, marahan, pababa nang pababa hanggang pantalon. Napalunok si Nards. “You know,” dugtong ng Precious ang ngalan.

“Oi, ano? Hihimas-himasin mo na lang ba ako?” Natuon ang pansin niya sa babaeng ka-table naman niya. Hindi niya na napansin ang ginagawa niya rito. “Ayun si Mama, ite-take out mo ba ako?”

Bumuga siya ng hangin, sa gilid ng mata nakita niya ang pagtayo ng dayuhan at ni Precious.

“Mamaya,” maikling sagot niya pero ang mata’y nakatuon sa kaliwa, sa palakad palayong babaeng nakakuha ng atensyon niya.

Sinadya niyang malaglag ang bote ng beer sa saktong susunod na yapak ni Precious. Napatili ito, nagkasalubong ang kanilang tingin.

“Sorry, sorry,” kunwari niyang sabi.

Umismid lang sa ito. “Next time, you care!  See foreigner me my side?”

“Ha? VIP ba sila? Pare-pareho lang ang mga lalaking nagpupunta rito,” tumayo siya, tinitigan sa mata si Precious, “hinahanap ang katulad niyo.”

“Waz your problem?”

Binaling niya ang tingin sa nagsalita, si blonde. “You are–“

“W-wala. N-nothing. He is, you know,” malakas na sabi ni Precious at umakto na tumutungga ng bote, “lashing lang. You know that? Me thinks we go.”

Humuling sulyap ito sa kanya, umirap, bago umalis.

Umupo siya muli, pinagmasdan ang mga sumasayaw sa entablado. Pero iba ang nasa isipan, ang babae lang kanina. Si Precious na parang stick marshmallow at chocolate fountain, malambot na malambot at matamis na matamis sa kanyang isipan. Si Precious na kulay tsokolate ang buhok. Si Precious na pakiramdam niya’y isang unan.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu