Entry#11: WHAT ARE WE?

916 11 3
                                    

I love him. I care for him. He makes me smile. But this question always bother me, ‘What are we?’

“I love you. Tulog ka na.”

Napangiti ako sa sinabing yun ni Hanz. Gusto kong tumili sa kilig na nararamdaman ko. Nag-uusap kami ngayon sa phone. Mga isang oras na siguro.

“Sige, tulog ka na din. I love you too.”

Agad kong tinapos ang tawag dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang kilig. Pero lilinawin ko lang, hindi ko siya boyfriend, hindi niya ako girlfriend at lalong di kami mag-asawa. Wala lang. Hindi ko kasi alam kung ano kami pero okay lang as long as masaya kami at pinapahalagahan namin ang isa’t-isa.

Gustuhin ko mang mag-tanong, wag na. Natatakot akong masaktan sa pwede niyang isagot. Gustuhin ko man ng kasiguraduhan, kontento na ako. Kontento ako kung anong meron kami. Kung anong namamagitan sa amin. Kontento na akong mahal namin ang isa’t-isa.

“Ngiting aso ka na naman diyan.”

Umiiling na sabi ng ka-dorm slash classmate slash kaibigan kong si Marianne. Nag-re-review siya dahil may quiz kami bukas pero ako? Cool lang.

“Ihhhh, nag-I love you na naman si Hanz.”

Gumulong-gulong ako sa kama ko.

“Hay naku, Aubrey Lou, wag kang mag-assume or mag-expect. Baka sa huli, masasaktan ka lang.”

Binuklat niya ang libro naming sa General Psychology at nagsimulang magbasa.

“Hoy, Marianne wag mo nga akong idamay sa pagka-bitter mo.”

Inirapan ko na siya. Kainis naman e! panira ng mood ‘to. Porke’t di na siya pinapansin ng long time crush niya. Take note, crush lang.

“It’s not about me being bitter. It’s about you being stupid.”

Di ko nalang siya pinansin. Kasi alam kong may punto siya. For the nth time, nakaramdam ako ng kaba. Kaba dahil maaring magka-totoo ang sinabi niya.

THURSDAY, lunch time. Nasa school parin ako para mag-aral siyempre. Hindi tulad ng iba na pumapasok para Makita ang crush, para Makita ang boyfriend o kung ano pang rason na pwedeng ibigay.

“Hey.”

Napangiti ako nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Lumakas ang pintig ng puso ko. Sino pa ba e di si Hanz.

“Kumain kana?”

Tanong ko nang magsimula kaming lumakad. Ganito kami araw-araw.

“Not yet. Hinihintay kasi kita.”

Muli, nagdiwang na naman ang puso ko. Ang sarap pakinggan. Nagtungo kami sa school canteen.

“What do you want to eat?”

Ikaw. Hehehe. Joke lang siyempre.

“Kahit ano.”

Ngumiti ako sa kanya. Tumango siya at nakipila na para um-order ng kakainin namin. Spaghetti at big mac ang in-order niya. Alam talaga niya ang gusto ko.

“Kumain ka ng marami. Ang payat mo.”

Umirap na lang ako at nagsimula nang kumain. Lagi niyang sinasabing payat ako pero para sa akin sakto lang kesa mataba.

“Wait, stay still.”

Nakangisi niyang sinabi habang nasasarapan akong kumain. Napakunut-noo pa ako. Nagwala ang mga insekto sa tiyan ko. Kumalabog ng todo ang puso ko. Pinunasan niya ang sauce sa gilid ng labi ko using his thumb.

BOSS 2 | COMPILATION OF ENTRIESWhere stories live. Discover now