CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE

Start from the beginning
                                    

"Ibang klase ka Angel, Ang lakas ng loob mong salubungin ang tingin ko kahit nagsisinungaling ka na! Ibang klase ka ang husay mo man loko, napaniwala mo kami, napaniwala mo ako,"

Tuluyan na akong nanghina ng sobra dahil sa sinabi ni Justin. Nanghina ako ng sobra dahil ito ang unang pag kakataon na nakita ko si Justin ng umiiyak dahil saakin, sa nalaman niya

Hindi ko siya matignan sa mata kasi imbes na galit 'yong nakikita ko,  malungkot siya... shit i can't take it. Huminga ako ng malalim upang huwag tumulo ang mga luha na namumuo sa mata ko. Bakit?! Dapat magalit siya sakin! Pero bakit? Bakit malungkot pa siya?

"How could you do this?" sa pagkakataong 'yon basag na ang boses niya na nakapagpapabigat sa dibdib ko."Angel, please tell me... bakit  mo nagawa 'to?... Bakit?"

Hindi ako makasagot. Sa pagkakataong iyon parang kinuha ng pusa yung dila ko at nawala ako sa tamang pag iisip. Hindi ko masagot yung simpleng tanong niya! Nawala yung tapang ko! King ina. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.

"Tell me!" sigaw niya na sakin at napayuko ako ro'n at mariin na napapikit nalang ako. Shit!.

"Sorry..." iyan ang lumabas na salita mula sa labi ko. Iyan lang kahit na ang dami dami kong gustong sabihin! Iyan lang kasi ang katanggap tanggap na sasabihin ko.

Narinig ko ang mahinang pag tawa niya pero mahihimigan mo do'n ang pag kadismaya."Sorry? Satingin mo nababawi ng sorry mo ang mga nangyari na?" tanong niya sakin.

Napailing naman ako. Alam kong hindi na.

"Tumingin ka sakin! Tignan mo ako sa mata Angel," malalalim na ang pag hinga ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo nalang paalis rito at 'wag ng bumalik at magpakita pa sakan'ya pero parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko at kahit na gusto kong igalaw 'yong paa ko pero hindi ko magawa!

Tinignan ko siya sa mata. Nagsalubong ang mata namin at nakita ko na bumagsak na ang mga luha niya.

"So, ano 'yon? Matagal ka ng nageespeya samin? Matagal ka ng nagtratraydor? Matagal ka ng naging peke---"

"Hindi..." umiiling na putol ko sa sinabi niya.

"Hindi? Nagpapatawa ka ba? PwesHindi nakakatawa. Angel, we trust you! Sa pagtitiwala namin sayo humantong pa na naging myembro ka namin! Nagtiwala kami sayo..." pinunasan niya gamit ang likod ng palad niya ang mga luha niya na hindi matigil sa pagbuhos. At pinapatay ako no'n. Umiiyak siya, this is the first time that  saw him crying.At kung hindi lang ito ngayon ang usapan namin malamang kanina ko pa siya pinagtawanan kasi para siyang bata na umiiyak pero hindi ko magawa kasi maski ako nasasaktan din.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now