Chapter 5

132 6 1
                                    

Nung nalaman ko na pinsan ko pala si Fate ay mas lalong gusto ko nang bumalik yung mga alaala ko. But at the same time natatakot ako,  pano kung ako ang dahilan kung bakit siya namatay. Tulad nga ng sabi ni Ashley sorbang obsess ko raw kay Renan pano kung ako ang nagpapatay sa  kanya. Wag naman po sana, ang sama ko namang pinsan nun.

Hayyyss andaming tumatakbo sa isip ko ilang araw nalang kasal na namin ni Renan. Di naman sa excited pero ang awkward siguro kung sa iisang bubong kami titira. Tapos di pa ako marunong magluto anong kakainin namin? 

"Divvvvvviiiiinnnneeee" rinig kong sigaw ni Ashley. Humihingal siyang pumasok sa kwarto.

"Bakit? " pagtataka kong tanong.  Mukhang may importante siyang sasabihin.

"He's here" hala nandito si Renan? Napatayo agad ako at pumasok agad ako sa banyo. Kakagising ko pa lang kasi. Ang aga naman ata niya.  Diba tapos na yung photoshoot namin kung baga pre-nup namin.

Nagtataka si Ashley kung bakit ako nagmamadali.

"anyare besh, bat ka nagmamadali?" tanong niya. Hindi ako sumagot,  lumabas agad ako sa kwarto. Hindi ko alam basta gusto ko siyang makita agad.

"Divine" nagulat ako nga may biglang yumakap sa akin. Sino ba tuh? So siya yung ibig sabibin ni Ashley na dumating so hindi si Renan. Di alam pero na dissapoint ako.

"Bes he's Gio, my cousin" sabi ni Ashley.

"Long time no see Divine" pabirong sabi niya.  Mukhang close kami nito noon.

"Stop lying Gio, lagi ka kayang pumupunta sa hospital nung na coma siya" natatawang sabi ni Ashley.

"Okay you win, by the way I'm sorry if ngayon lang ako nagpakita sayo" paghingi niya ng tawad sa akin. Nag smile lang ako sa kanya.

"Siguro kung hindi ka na amnesia pinalabas mo na siguro ako ngayon sa bahay niyo" sabi niya. 

"At bakit naman? " tanong ko. 

"Coz you hate me,  then I have no idea why" patawa niyang sabi.
"let's forget it, sulitin ko nalng lahat habang wala ka pang naalala" sabi niya then he smiled. Okay I'm telling you he's handsome.

Dahil sa ang aga nila dito sa bahay ay dito nalang din sila nag agahan. Nag volunteer pa nga si Gio na magluto pero hindi pumayag si Mommy. Honestly I like him,  he's so jolly and friendly.  Andami na nga niyang na sabi sa akin.  And Ashley said na chef daw si Gio sa Canada a very well known chef,  at a very young age may sarili na siyang restaurant with a hundred branches from the different countries. See ang successful niya, tama ngang sobrang busy niya. Umuwi lang siya dito para sa kasal namin ni Renan.

"Bes I have to go may emergency kasi sa company namin,  I'm really sorry. Don't worry mamaya pa naman uuwi si Gio. Promise pupunta ako dito bukas" nagmamadaling nagpaalam sa akin si Ashley.  Naiwan na kami ngayon ni Gio sa sala, busy din kasi si Mom paea sa preparation ng kasal namin ni Renan.  Gosh ang lapit na pala.

"Hey are you listening?" nagulat ako sa sinabi ni Gio. Kanina pa pala niya ako kinakausap pero di ako nakikinig sa kanya.

"I'm sorry, ano nga ulit yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm asking if sigurado ka na ba talaga sa kanya" medyu nagulat ako sa tanong niya.

"I'm not, siguro kung hindi ako na amnesia hindi ako maguguluhan ng ganito"

"basta if you want to escape I'm here" pabirong sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya.
"Pano kung hindi mo ba pala siya gusto, tapos magsisi ka lang sa huli" dagdag niya. This time ang seryoso na niya, pinipigilan ko yung tawa ko para kasi siyang babae kung magsalita.

"May annulment naman don't worry" pabiro ko namang sabi.  Natawa siya sa sinabi ko.  Kahit ngayon ko lang siya nakasama gumaan na agad yung loob ko sa kanya.

"di mo ba talaga ako naalala? " malungkot niyang tanong. Ang bilis naman niyang maka change topic.

"Hindi talaga I'm sorry " sagot ko.

"Ouch, pero mas okay na hindi ka nakaalala kasi sa wakas kinakausap mo na ako" malungkot na naman niyang sabi.

"ganon ba talaga kita ka hate?" tanong ko. Tango nalang yung sinagot niya sa akin.

***

Ilang days nalang kasal na namin ni Renan. Kaya walang tigil si Ashley sa pagturo sa akin kung paano raw maging isang mabuting asawa. Infairness ang galing niya, nakakatawa mang sabihin pero lahat ng sinabi niya ay sinulat ko para diko makalimutan. Sa ilang days na lumipas ay hindi kami nagkikita ni Renan. Busy kasi daw siya di naman sa namimiss ko siya pero parang ganun na nga. Nasanay na kasi ako na palagi ko siyang kasama kahit pa ang sungit niya kahit pa ang bipolar niya.
Kaya diko masisi yung sarili ko kung bakit ako nainlove ng sobra sa kanya noon or baka nga hanggang ngayon.

Naisipan kong mag lakad lakad sa kahit saan pero syempre may nakabantay sa akin sa malayo. Hindi na ako nagpasama kay Ashley kasi gusto ko na munang mapag-isa. May nakita akong Ice cream vendor kaya bumili ako, hindi pa nga ako pinayagan ng mga guard ko nung una pero wala silang nagawa. Nagulat ako ng may biglang may lumapit sa akin na babaeng nagtitinda ng sampaguita. Sinapak niya ako bigla kaya naalerto yung mga guards ko pero pinigilan ko sila baka kung anong gawin nila sa kanya.

"Jade kumusta ka na ba? Mas lalo ka atang gumanda" nagtaka ako sa tanong niya.
"Di mo na siguro ako ngayon kilala, okay lang basta nakita na kita ang tagal mo kayang nawala" dagdag niya. Hindi ako nakagalaw, kakilala ko ba tuh siya noon?  Hayyss ang gulo.

"sorry na amnesia kasi ako kaya di kita makilala" sagot ko.

"Ahh kaya pala,  okay lang sige alis na ako ibibinta ko pa tuh" sabi niya sabay turo sa paninda niya. Kaya naisipan kong bilhin yung paninda niya. Sa sorbang tuwa niya ay niyakap niya ako.

"Di ka parin nagbabago ang bait mo talaga. Salamat" napangiti ako sa sinabi niya.  Ngayon lang ako sinabihan ng mabait simula nung nagising ako.  Nagtataka ako kung totoo ba talaga lahat ng sinabi nila sa akin. Kasi kung ang suplada ko noon pano ako magkakaroon ng kakilalang nag  titinda ng sampaguita? Tapos ang sabi di daw ako pinapayagang gumala. Tapos Jade yung tawag niya sa akin. Akala ko ba si Lolo lang yung tumatawag sa akin ng ganyan.

Sino ba talaga ako?

Amnesia Love Where stories live. Discover now