Chapter 13

60 3 0
                                    

"Divine wake up" rinig kong tawag ni RJ sa akin pero tinalikuran ko lang siya. Inaantok pa kasi ako, ang aga aga ang ingay niya.

"hey" this time niyugyog na niya ako.

"Ano ba inaantok pa ako" reklamo ko. Pero ayaw niya talagang paawat, dahil hinila na niya ako paupo. Nakapikit parin ako.
"ano ba kasi yun?" mahina kong tanong.

"Pumasa ka" masiglang sabi niya.

"Okay" pagkatapos ay humiga na ulit ako. Pero agad akong napaupo, ngayon ko pa narealize yung sinabi niya.

"for real?" tanong ko. Tumango siya. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya.

"good morning" natauhan ako sa sinabi niya. Nahihiya akong humiwalay sa yakap. Ang gulo gulo ng buhok ko kaya agad akong pumasok sa restroom para mag hilamos.

"ngayon ka pa nahiya sa mukha mo samantalang araw araw ko na yan nakikita" natatawang sabi niya. Anong araw araw,  ngayon lang ako nagising ng huli sa kanya.

Pagkalabas ko ay wala na siya sa kwarto kaya bumaba na ako. Nadatnan ko siyang nagluluto sa kusina.

"Let me do it" sabi ko sa kanya,  pero mukhang wala siyang narinig dahil nagpatuloy parin siya sa kanyang ginagawa.
"Ako na sabi" sabi ko na naman.

"Ako na, malapit na tuh" sabi niya. Wala akong nagawa kaya uminom nalang ako ng tubig.

"ang bait mo ata ngayon" napalingon siya sa sinabi ko.

"enrolled kana" rinig kong sabi niya. Minsan talaga ang layo ng sinasabi ni RJ sa topic namin. Okay na rin yun atleast medyu madaldal na siya.

"okay thank you" pagkatapos niyang magluto ay tinulungan ko siyang maglagay ng pinggan at pagkain sa lamesa.
"Oo nga pala pupunta ako mamaya kila Mama, medyu matagal ko na kasi silang hindi nakakasama"

"ooohh" sagot niya, ayan na naman siya sa mga tipid niyang sagot.

Hindi na ako nagsalita pa, alam ko namang wala siya sa mood na magsalita ngayon. Ako nalang mag aadjust.

"Di mo sasagutin?" natauhan ako sa tanong niya. Kanina pa pala tumutunog yung phone ko.
Nakita kong unknown number yung tumatawag.

"Hello, sino sila?" tanong ko. Narinig kong tumawa yung tumatawag sa akin.

"Ang aga aga pinapatawa mo na agad ako" sagot nung tumatawag, familiar yung boses niya. Tiningnan ko si RJ, agad din siyang umiwas ng tingin. Bakit parang may kasalan siya sa akin.

"Gio ikaw ba tuh?" tanong ko.

"Oo, nawala lang ako ng matagal di mo na naalala, tapos dipa nakaregister yung number ko sa phone mo" sabi niya.

"I'm sorry, sa pagkakaalam ko hindi ko nabura yung number mo" sabi ko sabay tingin kay RJ. Umiwas na naman siya ng tingin. Dali dali siyang tumayo, ang bilis naman niyang matapos kumain.

"Okay lang, kumusta ka na" tanong niya.

"Okay lang, ikaw?" tanong ko naman.

"ito palaging busy ngayon pa nga lang ako nagka oras para kamustahin ka" sabi niya. Medyu natagalan yung usapan namin ni Gio.

Nagulat nalang ako ng nililigpit na RJ yung pagkain, hala di pa kaya ako tapos kumain.

"Hey, di pa ako tapos kumain" awat ko sa kanya nang kukunin na sana niya yung pagkain ko.

"Hey? Wag ka ng kumain busog ka na ata" sagot niya. Ang sarcastic naman ng sinabi niya.

"problema mo?" tanong ko. Imbes na sagotin ako ay tinalikuran niya lang ako.

Umakyat siya sa taas, nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. Problema nun. Sinundan ko siya sa taas.

"RJ anong ba...... oooppss I'm sorry" agad akong lumabas ng kwarto nadatnan ko kasi siyang nakahubad. Bat ba siya nakahubad, may walk in closet naman siya aahh. Pinagpawisan ako dun. Just kidding.

Siguro naman tapos na siyang magbihis kaya pumasok na ako. Pero agad din akong tumalikod.

"Ano ba RJ magdamit ka nga" utos ko sa kanya habang nakatalikod parin.

"ano bang meron? Mag asawa naman tayo masasanay ka rin" sagot niya. Siguro kong magkatabi lang kami ngayon baka nasapak ko na siya.

"anong masasanay? Umayos ka nga alam nating dalawa na nakasal tayo dahil sa kagustuhan ng mga magulang natin. Hindi ibig sabihin nun ay pwede na nating gawin yung ginagawa ng mag asawa." deretsu kong sabi.

"anong kagustuhan ng mga magulang mo?  Kagustuhan mo tuh." natatawang sabi niya.

"Hindi, wala akong maalala" palusot ko.

"Anong sabi mo na hindi natin pwedeng gawin yung ginagawa ng mag asawa?  Bakit ano bang ginagawa ng mag asawa?" makahulugan niyang tanong.
Hindi ako nagkapagtimpi at hinarap ko na siya.

"Hindi tamang maghubad ka sa harapan ko, ayaw ko nun. Hindi ako kumportable" reklamo mo.

"Talaga sa lagay na yan dika pa kumportable? Nakatingin ka na nga" pag aasar niya. Umiwas ako ng tingin.
Pero ang timang tumayo.

"Tanga wag kang lalapit sa akin" taranta kong sabi. Pero hindi talaga siya nag pa awat.

"ngayon ka pa lang ata nakakita ng abs" pang aasar na naman niya. Ang lapit na tuloy niya sa akin.

"Anong abs, walang kang abs" sabi ko, agad akong tumalikod sa kanya. Pero hinila niya ako papalapit sa kanya. Nahawakan ko tuloy yung abs niya ay mali dibdib niya pala. Sorbang lakas ng tibok ng puso ko.

"wala ba?" tanong niya habang nakatitig sa akin sobrang lapit ng mukha namin. Agad ko namang inalis yung kamay ko at umatras. Pero hinawakan na naman niya yung bewang ko para mapalapit lalo ako sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin, habang diko alam ang gagawain ko. Parang sasabog yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Inilapit niya yung mukha niya sa akin. Hanggang sa mag abot yung mga ilong namin. Ang tangos naman kasi ng ilong niya. Tanga yan pa talaga yung inaalala ko, yan tuloy nahalikan na niya ko. Hindi ako makagalaw napapikit nalang ako. Naalarma ako ng magsimula nang gumalaw yung labi niya. Napabuka ako at pilit ko siyang tinutulak pero ako na tuloy yung naitulak sa pinto habang hinihintay niyang tumugon ako sa halik niya.

"respond kung ayaw mong kagatin kita" mahina niyang sabi habang hinahalikan pa rin ako. Kinabahan ako sa sinabi niya, lagot na. Nakagat ko na pala siya dati. Hindi parin ako tumugon at mas nilakasan ko pa ang pagtulak sa kanya. Pero ang lakas niya talaga.

Pumikit nalang ako at tumugon sa halik niya. Napangiti siya sa ginawa ko. Medyu natagalan bago natapos yung halik kaya habol hininga kaming nagtitigan. Sobrang lapit parin ng mukha namin. Mas lalong lumakas yung kabog ng puso ko.

"lasang bacon, isa pa baka lasang hotdog na naman" sabi niya kaya agad ko siyang siniko, napaaray siya sa ginawa.

"aalis na ako, hinihintay na ako nila Mama"  sabi ko at nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

"diba may sasabihin ka sa akin" pang aasar niyang sinabi. Oo nga pala, mamaya nalang.

"Mamaya na" sigaw ko, naka baba na kasi ako habang nakadungaw siya sa taas.

"Ganyan ba ako kasarap humalik at nakalimutan mo ng magbihis" natatawa niyang sabi.  Dun ako natauhan. Kaya bumalik ako ng akyat. "Sabay na tayong maligo" salubong niya sa akin.

"tigilan mo nga ako RJ" awat ko sa kanya. 

"anong meron dun, mag asa.." hindi ko na siya pinatapos.

"ayan ka naman sa mag asawa mag asawa na yan, isa pang siko gusto mo?" sabi ko at agad akong pumasok sa banyo para maligo.

"make it sure na nakalock yan, pinapaalala ko sayo wala na akong damit" nang aasar niyang sabi. Agad ko namang cheneck yung lock. 

"BALIW" sigaw ko sa kanya. Narinig kong tumatawa siya.

Amnesia Love Where stories live. Discover now