Chapter 15

59 4 0
                                    

"Ano pa bang kulang?" tanong ko sa kanya. Nililista ko kasi yung kailangan naming bilhin para sa paglipat namin sa condo.

"Sabi ko naman sayo iutos nalang natin yan" reklamo ni RJ. Kanina pa namin pinagtatalunan to. Gusto ko kasing kami yung bibili kasi kami naman ang gagamit, tapos ayaw niya dahil mapapagod lang kami.

"Tayo nalang kasi ang bumili, gusto ko din kasing lumabas" paliwanag ko.

"Oo na, alam ko namang hindi kita matatalo." pagsuko ni RJ. Agad kaming lumabas ng bahay. Nakangiti akong nakasunod sa kanya.

Bukas na pala kami pupunta sa condo malapit na kasi yung pasukan. Excited ako na kinakabahan. Pano kung sobrang hirap ng course ko. Sana naman may makilala akong bagong kaibigan. Speaking of kaibigan kumusta na kaya si Ashley matagal tagal na din kaming di nagkikita. Namimiss ko na siya.

"Divine just stay here may bibilhin lang ako" paalam ni RJ sa akin, tumango lang ako. Tama si RJ mapapagod lang kami, yan tuloy sumakit yung paa ko.

"Buhay ka?" napatayo ako sa gulat ng may nagsalita bigla sa likuran ko.
"Jade ikaw nga" dagdag pa nito at niyakap ako.

"I'm sorry pero sino po kayo?" tanong ko dito, mukhang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

"Sus, acting mo bulok" natatawa niyang sabi.
"Seryoso di mo ako kilala?" tanong na naman niya.

"Excuse me, maybe your just mistaken. Let's go Divine" mabuti naman at dumating na si RJ. Nakahinga ako ng maluwag, hindi kasi ako komportable pag may nagtatanong sa akin kung kilala ko ba sila at alam yun ni RJ.

"Are you okay?" tumango ako sa tanong niya.

"Hindi mo ba yun kilala?" napahinto siya sa tanong ko. Baka lang naman kilala niya, kasi sabi nila palagi raw akong nakadikit sa kanya noon.

"Nope" tipid niyang sagot.

Sa dami ng binili namin talagang napagod kami. Pagdating sa bahay ay agad kaming umupo sa sofa. Kanina pa tahimik si RJ, siguro dahil sa sobrang pagod. Tumayo ako at umakyat sa taas para maligo. Tapos na din kaming kumain at kanina pa ako inaantok. Pagkalabas ko sa Cr ay nadatnan kong nakahiga si RJ sa kama.
Nilapitan ko siya at niyogyog.

"Maligo ka na" mahina kong sabi. Dumilat yung mata niya.

"Inaantok na ako" parang batang reklamo niya.

"Di wag kanang maligo, magbihis ka nalang para makapagpahinga ka na agad" sabi ko. Pero parang hindi niya ako narinig dahil nakahiga parin siya.
"Hooy RJ tumayo ka na diyan" tawag ko naman sa kanya.

"Nakakapagod tumayo, ikaw nalang kumuha ng isusuot ko" sagot niya, pinandilatan ko siya.

"Alam mo RJ para kang bata" reklamo ko.

"Please" pakiusap niya. Wala akong magawa kaya pumunta nalang ako sa walk in closet niya at kumuha ng susuotin niya.

"Ooh ayan na, mag bihis ka na" sinadya kong itakip sa kanya yung damit.
"Wag mong sabihing magpapatulong ka pa sa pagbibihis" parinig ko sa kanya.

"Sana" tipid niyang sabi.

"RJ sapak gusto mo?" Sagot ko. Tumayo siya at tumawa. Tumalikod agad ako dahil hinubad na niya yung damit niya. Kung makahubad parang walang tao.
Umupo ako sa dulo ng kama at sinusuklay ko yung buhok ko. Tapos ko na kasi itong napatuyo kanina. Nagtayuan yung balahibo ko ng may humawi sa buhok ko. Niyakap ako ni RJ ng patalikod at pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. Hindi ako makagalaw sa ginagawa niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Matulog na tayo" nagtayuan na naman ang mga balahibo ko sa binulong niya. This time gumalaw na ako, dahilan upang kumalas siya sa yakap niya sa akin.

Amnesia Love حيث تعيش القصص. اكتشف الآن