Chapter 16

57 3 0
                                    

"RJ gising na, hooy malalate tayo" kanina ko pa ginigising tung lalaking to pero ayaw niya talaga.
"Ano ba RJ!" this time sinigawan ko na siya. Nagulat siya sa sigaw ko, wala sa sariling tumayo at pumasok sa Cr. Natawa tuloy ako sa ginawa niya.

Pumunta na ako sa kitchen at hinintay na matapos maligo si RJ para sabay na kaming kumain. Nakakapanibago yung condo namin. Nasanay kasi akong bumababa pa ng hagdan para pumunta sa kitchen pero ngayon ilang liko nalang nandun na ako. Wala ring walk-in closet kaya sa banyo nalang ako nagbibihis nakakahiya naman kasing magbihis sa kwarto baka makita ako ni RJ.

Napaisip ako habang pinapaikot ko yung kutsara sa kamay ko.
Sana naman may ma meet akong new friend mamaya, sa pagkakaalam ko dun din mag-aaral si Ashley kaso di kami pareha ng course. Napahinto ako sa ginagawa ko ng hinalikan ako ni RJ sa pisngi.

"Good morning" masayang sabi niya at umupo na siya. Bat diko siya nahalatang lumabas ng kwarto ganun na ba ako ka seryoso upang hindi ko siya mapansin.

"Good morning" sagot ko naman dito. Ngumiti naman siya at nag simulang lagyan ng pagkain yung plato niya. Akala ko kakain na siya pero sa akin niya binigay yung plato at kinuha naman niya yung plato ko na walang laman.

"Let's eat" simpleng sabi niya bago siya sumubo. Tumango nalang ako at nagsimula naring kumain.

Minsan talaga ang gentleman ni RJ. Napangiti ako habang kumain.

"Hey why are you smiling?" natauhan ako sa tanong niya. Nilunok ko na muna yung pagkain bago ako sumagot habang siya natigil sa pagkain dahil hinihintay yung sagot ko.

"Naninibago kasi ako sayo" napakunot siya sa sagot ko.

"Ano bang bago sa ginawa ko?" lito niyang tanong.

"Eh kasi hindi ka naman ganyan ka sweet sa akin, minsan ka nga lang mag good morning sa akin. Then mas lalong naging gentleman ka" paliwanag ko.

"Yun lang?" di makapaniwalang tanong niya.

"Anong yung lang? Big deal kaya yun sa akin" sabi ko naman.

"Masanay ka na" simply niyang sagot.

******
"Susunduin kita mamaya dito pag lunch na" sabi niya, hinatid niya kasi ako sa department namin which is way far from their department. Sinabi ko pa nga sa kanya na wag nalang niya akong ihatid pero nagmatigas siya. Siguro late na siya.

"Okay nandito na tayo sa tapat ng classroom ng first class ko, you go na siguradong late ka na." Sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Bye" sabi niya bago siya tumalikod at nga wave nalang ako.

Lahat ng simpleng bagay na ginagawa ni RJ ay kinikilig ako. Masaya akong pumasok sa classroom namin. Pagkabukas ko ay medyu marami na yung nasa loob. Napalingon silang lahat sa akin at nagbulongan. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako sa likod. Wala parin silang tigil sa pagbubulongan. Napansin kong malaki yung classroom, yung mga upuan ay parang sa sinehan.

"See told you nandito siya" napalingon ako sa nagsalita. Napalunok siya habang nakatingin sa akin at yumuko. Bakit parang ramdam kong natatakot siya sa akin. Hindi ko nalang yun pinansin dahil nandito na naman yung instructor namin.

Inikot niya yung paningin niya na parang may hinahanap hanggang sa napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at ngumiti nalang din ako. Parang nagulat siya sa ginawako.

"Ms. Divine sigurado ka bang diyan ka lang uupo?" Tanong nito. Nagtaka ako sa tawag niya sa akin. Nakakahiya, ayaw ko pa naman ng special treatment.

"Yes Sir" sagot ko.
"Also just call me Divine" dagdag ko. Nagulat na naman siya sa sinabi ko.

"Okay Divine I'm sorry" paghingi ng tawad ni Sir. Naguguluhan parin ako sa mga paligid ko.

"Tama ngang nagbago na siya" narinig kong sabi ng nasa harapan ko.


Dahil sa first day pa naman namin ay hindi pa nag discuss yung mga instructor namin. Nagbigay pa lang sila ng overview about the subject. Nakakapagtaka dahil kilala ako ng lahat ng instructor dito, tulad din ng unang instructor Ms. Divine din yung tawag nila sa akin. Napilitan tuloy akong magsalita upang sabihin na Divine nalang.

"Excuse me" tawag ko sa isang babae. Nag alangan siyang sumagot.

"B-bakit po?" Kinakabahan niyang sagot.

"Alam mo ba kong saan to?" tanong ko sa kanya at pinakita ko yung last schedule ko sa umaga. Tumango siya.

"Sumunod nalang po kayo sa akin diyan din po ako pupunta" sagot niya. Napangiti ako sa sagot niya.

"By the way I'm Divine" pakilala ko sa kanya.

"Alam ko po" sagot niya.

"And you are?" Tanong ko.


"I'm Pauline" sagot niya. Pauline nice name.

"Pwede bang wag ka ng mag po sa akin, mukhang magkasing edad naman tayo" sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya at ngumiti. Ang cute niyang ngumiti.
"And also lets be friends" dagdag ko. Napalunok siya sa sinabi ko parang hindi siya makapaniwala.

"Ayaw mo?" malungkot kong tanong.

"Hindi naman sa ganun, naninibago lang ako sayo" paliwanag niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.


"Ang bait niyo na kasi" mahina niyang sagot.



"Isa ka ba sa binully ko noon?" Alangan kong tanong. Tumango siya.
"Really? Oh my God, I'm so sorry" paghingi ko ng tawad.


"Its okay, ang tagal na naman nun." Sagot niya.


"Thank you" masaya ko siyang niyakap.  Marami ang napatingin sa ginawa ko, at halatang hindi sila makapaniwala. Hindi ko nalang ito pinansin, salamat at may bagong friend na ako.

Tulad ng kanina hindi pa din nag discuss yung instructor namin. Masigla kaming lumabas ni Pauline nung natapos na yung klase namin. Sabay kaming bumababa ng building sinabi ko na rin sa kanya na susunduin ako ni RJ. Alam niya ding may asawa na ako.

Muntik na akong matumba ng may bumangga sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin at bumangga na naman sa akin.
"Ano ba tumingin nga kayo sa dinadaan niyo" sabi ni Pauline. Galit na lumingon yung babaeing bumangga sa akin.

"Ikaw" sigaw niya sabay turo sa akin.
"Hindi mo ba ako naalala, walang ka bang naaalala sa mga ginawa mo sa akin noon?" galit niyang tanong.


"I'm sorry wala akong maalala, kung may nagawa man ako sayo noon I'm sorry" paghingi ko ng tawad. Napatawa siya sa sinabi ko.

"Sorry? Nakakainis ka, sana natuluyan ka nalang baka napatawad kita pag ganun" malutong niyang sabi, medyu nasaktan ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at aakmang hahawakan ko yung kamay niya pero umiwas siya at muntik na akong masampal.

"Enough kong ayaw mong ako mismo ang sumampal sayo" galit na sabi RJ, siya pala yung sumangga sa sampal ng babae. Namutla yung babae sa ginawa ni RJ at agad itong tumakbo palayo.
"Are you hurt?" Nag aalalang tanong niya.

"No I'm fine" sagot ko. Pagkatapos kong pinakilala si Pauline sa kanya ay nagpunta na agad kami sa cafeteria gusto ko pa ngang isama si Pauline pero nahihiya siyang sumama.


Amnesia Love Onde histórias criam vida. Descubra agora