Umiwas siya ng tingin at binigyan ako ng maliit na ngiti. "I mean, we have to be there for around a month." He scratched the back of his neck and turned to fix more of his necessities sprawled over the floor.

"Anong maitutulong ko?" Tanong ko at luminga-linga para tingnan ang lugar. His clothes were everywhere and most of them were jackets and hoodies.

"Nothing...just stay there." Mahinang sagot nito habang nilalagay sa pouch ang mga bath essentials niya.

I tilted my head and frowned. "Akala ko pinapunta mo 'ko rito para tulungan ka. I'm willing to help!"

May tiwala naman ako sa kan'ya kaya dapat hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano. That'll make him ruin his trust and I don't want that.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "That was an excuse. I want your presence...just your presence."

Agad akong kumuha ng maliit na unan at pabirong binato sa kan'ya. "Nakakainis ka!"

He caught the pillow and kept laughing. "Bakit ka namumula? Kinikilig ka ba?" he teased.

"Asa ka!" I scoffed, trying to hide my crimson cheeks.

Pinagmasdan ko lang siya habang nag-iimpake. Kapag naman tatayo ako at sasabing tutulong ako sa kan'ya, hindi na raw kailangan at kaya niya naman iyon. I'm not sure if it's because he doesn't want people touching his things or he really doesn't need the help anymore.

"Para ka naming mangingibang bansa," puna ko rito habang umiinom ng tubig.

He stopped folding his clothes on the floor and stiffened a bit. "Why would I go there?"

"Parang lang naman! Ang dami mong iniimpake," dugtong ko. "'Wag mo na 'kong pansinin."

"I really don't want to go," he admitted after a while. "I want to stay here."

I laughed. "You're not going there forever! Maghihintay lang naman ako rito."

"Don't look for another guy here..." Mas lumaki ang nguso niya at dahan-dahang lumapit sa akin sa sofa.

"Syempre naman, loyal kaya ako sa'yo!" bulyaw ko.

He smiled confidently and nodded. "I know I'm already a package," he boasted. "Kaya 'di ka na talaga makakapaghanap."

Malakas ko siyang pinalo at natawa. "Kapal, oo na nga!"

Matapos niya akong hagkan sa noo, bumalik na siya sa sahig para ipagpatuloy ang pag-impake niya ng mga damit na sa tingin ko'y 'yon na lamang ang kulang niya.

I felt...conscious about what he said.

He's positive he's a full-on package and I don't doubt that. At kahit naman hindi siya perpekto sa paningin ko, buong puso ko pa rin siyang tatanggapin pero hindi ko maiwasang maisip na walang akong maibibigay sa kan'ya. That there's nothing I can provide. I don't bring anything to the table, I don't add anything to it.

It sucks. Finally realizing you're not as beautiful as you thought you'd be. Or realizing so many people out there will always be better, that you'll always be outshined by everyone.

And I hate it on my part because I was born with the spotlight over my head because of my talent. Kapag naman kasama ko siya, hindi ko maiwasang manliit kumpara sa kan'ya. That I'm nothing when we stand by each other.

"Are you okay?" Kunot-noong tanong nito nang mapansin ako. I slowly nodded and rested my back on the couch, quietly thinking about myself.

Kung may pagkukulang ako...sana hindi niya iyon hanapin sa iba.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Where stories live. Discover now