16

479 19 6
                                    

"Without trust, you can never have a happy relationship."

- unknown

・゚:✧・゚:

Chapter 16

"Ilang oras ako tulog?" I stretched my arms and yawned. Kinusot-kusot ko pa ang mata para makumpirma kung siya nga ang nakaupo sa harapan ko.

Namula ang pisngi ko nang mapagtantong kinuha ko na ang buong espasyo ng kama niya kaya nakaupo nalang siya sa harap ko. Not that we were together in the bed in the first place, but this is his bed! Kanina ay nasa gilid pa lang ako ng kama, ngayon nasa gitna na at mukhang feel na feel ko naman ang tulog ko. His bed's just comfortable to sleep in.

"Around 2 hours," sagot niya at tumayo. "Do you want anything?"

I carefully placed the comforter back to where it originally was and brushed my hair using my hands. Kinapa-kapa ko pa ang mukha ko at mamaya niyan may laway na pala na hindi ko nalalaman at humaharap pa ako sa kan'ya.

"Pagkain?" Nag-aalangan na sagot ko.

From my view, he was facing his side; letting me get a clear glimpse of his sharp jawline, thick eyebrows and squinted eyes, staring at his phone. Idagdag mo pa ang pabango niyang hindi pa siguro nagbabago simula high school at alam na alam ko na ang amoy niya.

God, thank you for letting me be with him.

"What food?" tanong niya muli at humarap sa'kin.

I shrugged. "Kahit ano naman 'yan, kakain ko!"

He chuckled and ruffled my hair a bit. Pakiramdam ko masyado akong maliit kapag kaharap siya gayong hindi naman ako gano'n kaliit!

"Okay lang ba maghintay ka rito o order nalang ako?"

Natawa ako nang malakas. "Kaya ko naman maghintay, 'no. Hindi naman ako mawawala sa condo mo."

"Mabilis lang ako. Please don't touch things in my room," paalala nito. Ayo slang naman iyon sa'kin at ayaw ko rin naman kung may gagalaw ng gamit sa kwarto ko.

"Oki!"

Tumango siya at mabilis akong hinagkan sa noob ago siya nagmadaling umalis na para bang nahihiya pa sa sariling ginawa habang hindi naman ako makagalaw sa kwarto niya! Shit, I did not expect that.

Nilibot ko nalang ang paningin sa kwarto niya na hindi hinahawakan ang mga kagamitan niya. Everything looks so...premium. His condo's theme remained in his room, but this time, with more hints and tones of darker colors than white. Malinis at maayos naman ang pakaayos nito kaya maganda pa ring tingnan sa mata.

When I realized I was already spending plenty of time in his room which he might not like, I quickly went out to his living room and sat there while waiting for him.

Ano naman kaya ang binabasa no'n kanina? Kunot-noo niyang tinitingnan ito pero ngumiti lang din nang humarap siya sa'kin. Sayang, gusto ko sana malaman kung ano 'yon.

Is it selfish to ask to be a part of every aspect in his life?

Bumalik siya na may dalang juice, nachos, at burger. Agad naman naming nilantakan iyon sa mesa at habang kumakain ay pinagmamasdan ko lamang siya.

He keeps rotating his glass back and forth and it's bothering me. Humihigpit din ang hawak niya sa baso habang doon lamang nakatitig. Pati sa simpleng kagat niya sa pagkain ay parang minamadali at hindi mapakali.

"Gusto mo na ba akong umuwi?" diretsong tanong ko rito nang matapos ang kinakain. "Baka pagod ka na, uuwi na ako."

Tingin ko'y doon lamang siya natauhan at nanlaki ang mata nang tumingin sa'kin bago dahan-dahang ibaba ang baso.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon