01

1.6K 45 21
                                    

"Before chasing the love of your life, first chase the dreams your life loves."

- Luckman Khan

・゚:✧・゚:

"Seraphine Azalea! I told you to stop already!" Napasimangot ako nang marinig ang sermon sa akin ni Lalaine, my inseparable friend since seventh grade. I glared at her before continuing to stare at the guy I've always been crushing on.

"What?" I asked with a challenging tone. Technically, I wasn't doing anything wrong. Tinitingnan ko lang naman ang crush ko!

Napabuntong hininga siya at kinalma ang sarili bago napamasahe sa sentido niya. She's more stressed than I am! Ako nga na hindi pinapansin, hindi nagrereklamo tapos siya pa 'yung mas naiinis.

Geez. She's like a Mom sometimes.

"Hay nako, diba sabi ko sa'yo ayusin mo ginagawa mo rito? Akala ko ba ayaw mong pinag-uusapan ka ng masama? Gosh, Seph!" She massaged her temples once more and leaned on the chair where she sat.

We were currently at the cafeteria eating lunch. Siya lang naman ang kasama ko palagi at si Lucas.

I winced at her tone and patted her shoulders. "Girl, chillax! Ako 'yung may crush, hindi ikaw, remember? At saka, ano kita, manager? Makautos, ha?" My brows furrowed.

Inirapan niya lang ako at hindi na muling sagot. Pinagpatuloy niya nalang ang pagkain kaya ganoon nalang din ang ginawa ko.

"Lucas!" I waved at him when I saw him rushing towards us, holding a tray with his lunch food on his hands. He smiled at me genuinely before placing the tray on the table and sitting beside me while Laine's in front of us.

I couldn't help but notice the girls on the cafeteria gawking at Lucas. I also can't deny that Lucas is incredibly attractive with his dark brown hair always neatly arranged to the side, tan skin, pointed nose, and red lips, but what attracts everyone to him is his bubbly personality. He's the total definition of a perfect moreno.

"Hi." Walang-ganang bati ni Laine kaya natawa ako at binelatan si Lucas.

I glanced back again to see if Axel was still on his table but frowned when he wasn't there anymore with his friends. Baka busy si Kuya kaya hindi niya ito kasama. Sayang, edi sana may palusot pa ako para makalapit sa kanila.

"Ano ba namang bati 'yan, hindi ba ako welcome dito?" He glared and held his chest as if feeling betrayed.

"Hindi, pwede ka na nga umalis, e." Tinuro ko ang direksyon palabas at ngumiti sa kaniya, teasing him. He muttered a 'tch' before eating and ignoring me.

Naglakad na kami pabalik sa room nang matapos kumain. Pinaglalaruan ko lang ang buhok ko habang naglalakad at pinagmamasdan ang mga tao na nadadaanan namin, baka mahanap ko pa kasi si Axel.

"Hi, Seph!" I tilted my head a bit and pursed my lips to make out the name of the girl who greeted me, but I couldn't remember. Basta alam kong ka-batch lang namin siya at alam kong nakausap ko na siya noon pero hindi ko maalala.

"Hi!" I just waved back. Hindi ko kasi maalala iyong pangalan niya.

"Taray," Lucas commented on my side.

Nagpatuloy iyong pagkaway ko sa mga kilala. Ang iba kasi na nandito ay parte rin ng Black Fire na grupo ko, habang ang iba ay kaklase ko noong junior high kaya marami talaga akong kakilala. Dito ka ba naman mag-aral nang ilang taon.

Pakatapos ng huling klase namin, dumiretso kami sa studio na malapit lang din sa paaralan. Bago pa ako pumasok sa Ateneo ay pinagawa na ang studio ng Black Fire ro'n. Magandang pwesto iyon dahil maraming estudyante ang nandito.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon